"May bisita tayo mamayang gabi," mahinahong saad ni Joaquin kay Rosana. Kasalukuyan nitong pinapatulog si Quiana. Kanina pa siya nakauwi pero ngayon niya lang nasabi sa asawa ang tungkol sa dinner nila mamaya with the investor. "Uhm, anong oras? Puwede naman siguro natin ipabantay muna si Yana kay ate Marina." "Yeah, puwede naman," aniya saka hinawakan ang kamay ng kanyang asawa. Kita niya ang pagod at puyat sa mukha ni Rosana, gayunpaman ay hindi iyon nakabawas sa taglay nitong ganda. Bahagya lang nangitim ang ilalim ng mga mata niya dahil na rin sa puyat. Gustuhin niya mang patulugin ito sa gabi e, hindi ito pumapayag, sinasamahan pa rin siya nitong magbantay kay Yana hanggang makatulog ang anak nila. "Dumedede din naman sa bote si Yana, 'di ba?" Maya-maya'y tanong ni Joaquin. "Oo,

