"The investor is here, we have a meeting before lunch," ani Don Menandro habang kumakain sila ng agahan. Napa-angat ng tingin si Joaquin sa kanyang ama, hindi man lang siya nito sinusulyapan. Marahan siyang napabuntong-hininga saka muling bumalik sa pagkain. "I hope he doesn't keep us waiting this time." Hindi mapigilang makaramdam ng inis ni Joaquin sa tuwing maaalala kung paano naging unprofessional ang investor na iyon noong nakaraan. "Be patient, kailangan natin ang investor na iyon. Halos kalahati ang kaya niyang gampanan." malamig pa rin ang tinig ng matanda. Hindi naman kumibo pa si Joaquin. Nami-miss niya na ang dati nilang bonding bilang mag-ama. Tuluyan ng inagaw ni Estrella ang lahat ng atensiyon ng kanyang ama. Maging sa anak nila ni Rosana ay tila nawawalan ito ng gana.

