MULA sa maindak na tugtog ay biglang napalitan iyon ng sweet na kanta. Bumagal ang galaw ng mga sumasayaw sa ‘dance floor’. Ang ilan doon ay pareha habang ang iba ay grupo. Tumigil din siya Juliet at Icoy saa pagsasayaw. Akmang hahawakan na siya nito sa beywang para sumabay sa saliw ng sweet na kanta ay nagsalita na kaagad siya, “Napagod na akong sumayaw Icoy. Uupo na muna ako.” Kunwa’y hinihingal na sabi niya. Sinapo pa ang dibdib para magmukha siyang convincing pero ang totoo ay hindi pa siya pagod. Isa ang pagsasayaw sa gustong-gusto niyang gawin at hindi sa pagtataas ng bangko – magaling siyang sumayaw at may swag siyang tinatawag ng iba. Sabi lang niya iyon. Sa ilang beses kasi na pagkakasalubong ng tingin nila ni Magus ay para na itong papatay sa itsura nito. Mag-isa nalang nito

