ANG planong paggawa ni Juliet ng ‘hindi maganda’ kay Magus ay hindi nangyari. Oo at nalasing ito pero dahil nalasing ito ay nakasabay nila sa sasakyan sina Mang Koko na siyang nagmaneho na ng sasakyan. Nakainom din ito pero kaya pa nitong magnameho. Habang sina Aling Conching ay sumabay na rin sa kanila. Madali pala talagang malasing ang binata pagdating sa inuman. Pagdating ng umaga ay hindi na niya ito naabutan sa opisina nito. Ayon sa mga kasama nila ay maaga raw umalis ang binata at nalaman niya iyon habang ipinagtitimpla ito ng kape. Parang hindi ito nalasing ng nagdaang gabi at walang hangover. Hanggang pagdating ng tanghali ay hindi niya ito nakita ni ang anino nito. Sa hapon naman ay hindi rin ito sa villa naghapunan. Nagsimulang magtaka si Juliet. Hindi niya ito nakita buong mag

