MAAYOS na ang pakiramdam ni Juliet nang bumaba siya sa sala. Hindi niya alam kung iyon ay dahil sa pagkakatulog niya o dahil sa hindi niya sinasadyang pagkakabuking sa binata. Ang ilang araw niyang hindi pagkikita rito at pagsusungit naman nito sa kanya ay naalis lahat pagkatapos ng nangyari ng nagdaang gabi. Kinikilig pa nga siya hanggang sa mga sandaling iyon. Siguro ay sinadyang maalimpungatan siya upang ipaalam na naroon ang presensiya ni Magus. Nangingiti pa siya habang papunta sa kusina. Napuna iyon ng mga kasama niyang kasambahay. “Mukhang maayos na ang pakiramdam mo ah. Ano bang ininom mong gamot?” tanong sa kanya ni Clara. Maaliwalas siyang ngumiti. “Wala naman akong ininom na gamot. Siguro dahil idiniretso ko lang ang tulog ko. At nakapaghinga kahit papaano.” At dahil kay Mag

