Chapter 42

1950 Words

DINALA si Juliet ng kanyang mga paa sa kuwadra. Nakabusangot at bubulong-bulong na pumasok siya roon. Panay rin ang hampas niya ng mga kamay at kanina pa siya padabog kung maglakad. Kung makakapagreklamo lang ang mga kamay niya ay kanina pa umatungal ang mga iyon dahil panay ang hampas niya sa hangin. Doon siya pumunta, tutal ay naroroon ang hayop na sinabi ng Magus na iyon na kausapin niya. Sinabihan pa talaga siyang mga kabayo ang kausapin niya ha. Hah! Ngayon ay kausap niya si Storm. Nasa labas siya ng kulungan nito. Nakuha na niya ang ugali nito at ngayon ay nahahawakan na rin niya. Nakalabas ang ulo nito sa kulungan na tila ba makikipag-usap din sa kanya. Bahagyang sumingasing ang kabayo na tila ba napansin nito ang pagkakabusangot niya. Lalong umasim ang itsura niya. “Oo. Tama ka S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD