Chapter 43

1825 Words

DIRE-DIRETSONG umakyat ng hagdan patunong ikalawang palapag si Juliet nang makarating sa villa. Mabibigat ang mga paa niya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Mangiyak-ngiyak din siya dahil hindi niya makalimutan ang mga narinig na pinagsasabi ni Magus kanina habang kausap si Storm. Kung ganon ay problema pala talaga siya para sa lalaking iyon. Sakit sa ulo. Masamang ehemplo. At base sa narinig niya, gusto na nitong umalis siya. Palalayasin pa talaga siya. Hah! Mabuti nalang at narinig niya ito kundi ay baka magulat nalang siya na pinapatapon na siya nito palabas ng hasyenda. Kahit pumapasok sa isip niya ang ginawa nitong pagpasok sa silid niya ng nagdaang gabi ay balewala na iyon. Baka nga nananaginip lang din siya at hindi totoo ang nakita niya. Baka sinapian lang din talaga ito kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD