Chapter 44

1278 Words

NANG SUMUNOD na araw ay hindi kaagad lumabas ng kuwarto si Juliet. Bahala si Magus kung lalo itong magalit sa kanya na hindi niya ito dinalhan ng kape. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay hindi pa rin kasi niya alam kung papaano ito pakikiharapan at pakikitunguhan. Ayon pa kay Aling Conching ay maghapon hanggang gabi raw nitong kasama sina Mang Anton at may inasikasi raw sa palayan. Naisip din niyang magpalamig muna. Nang mapag-isa at makapag-isip-isip ay saka lang niya natanto na parang sumobra naman yata siya sa mga pinagsasabi dito. Ang masaklap pa, sinigawan niya ito sa harap ng mga tauhan nito. Siyempre, siguradong mag-uulol ito sa galit. Hindi rin mawala sa isip niya ang sinabi nitong may pakialam daw ito sa kanya. Naniniwala siya rito. Kahit walang patunay basta sinabi nito ay nanin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD