TAHIMIK sa loob ng sasakyan. Limang minuto palang sina Juliet at Magus na nasa loob habang umaandar iyon. Humigit-kumulang kinse minutos ang magiging biyahe nila para makarating sa bahay nila Icoy. Pag-alis palang nila kanina ay naramdaman na niya ang mga paro-parong nagliliparan sa kanyang sikmura. Hindi siya naiilang kay Magus o dahil sarili nila ang loob. Hindi lang niya alam kung papaano aakto kasama ito. Hindi siya mapakali nae wan. Kanina pa rin siya patingin-tingin dito at kahit pinipigilan niya iyong gawin ay napapatingin pa rin siya. “May sasabihin ka ba?” Napaiktad pa si Juliet ng biglang magsalita si Magus. Nakatutok ang tingin nito sa unahan habang nagmamaneho. Ni hindi nga ito lumilingon sa kanya. Pero marahil ay napansin nitong kanina pa siya patingin-tingin dito. Obviou

