PAGDATING nang pananghalian ay maraming tauhan sa bakuran ng villa ni Magus. Halos lahat ng tauhan nito sa hasyenda ay naroon. Ang iba nga ay bitbit ang kanya-kanyang pamilya ng trabahador. Maging sina Icoy kasama ang mga magulang nito ay kanina pa niya napansin at kaumpok ng isang grupo sa isang mesa. Kanya-kanyang grupo ang mga ito sa bawat mesa habang pinagsasaluhan nila ang maraming putahe na niluto kanina. Hindi niya alam na kagabi pa pala ito nagpakatay ng baka para sa kaarawan nito. Ang isang baka ang ginawang lechon ngayon. Bumabaha ng pagkain, inumin at alak sa isang mahabang mesa at ang lahat ay welcome na kumain. Isang malaking selebrasyon ang nangyayari ngayon sa residente ni Magus Romano. Isang malaking himala para sa nakakarami dahil bihira iyong mangyari. O mas tamang sabi

