LIHIM na napapailing si Magus. Hindi niya alam kung maiinis o ano sa babaeng nasa likuran niya. Hindi naman talaga niya nais palakihin ang issue tungkol sa pagtatawag nito ng baka sa kanya. Kung tutuusin ay kaya niya iyong palampasin. Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil tila nakatuwaan niya itong asarin. Basta namalayan nalang niyang ginagawa na niyang issue ang pagtatawag nito ng baka sa kanya. Hindi niya iyong tinatapos at paulit-ulit na ibinabalik rito. Lalo na ng marinig nanaman niyang tinawag siya nitong kambing. Curious pa rin siya hanggang sa mga sandaling iyon kung bakit siya nito tinatawag na baka at kambing. At sa lahat ng nakakasalamuha niyang mga tao ay ito lang din ay may lakas ng loob na sabihan siya ang mga iyon. Gayundin ang irapan siya, ikutan ng mga mata at ku

