PAGLABAS ni Juliet sa harap ng villa ay wala siyang nakitang sasakyan doon. Sa halip ay nakakita siya ng dalawang malalaki at matikas na kabayo. Ang isa ay kulay itim. Sa tingin palang niya ay mamahalin na ang kabayo. Ang kintab ng balahibo niyon at napakapino. Kaytikas-tikas din ng tindig. Para bang nakasarap nitong sakyan pero nakakatakot din. Ang isang kabayo naman ay kulay brown. Malaki rin ito pero mas malaki ang itim. Tiyak din niyang mamahalin ang ikalawa. Mukha ring mas mabait ito keysa sa itim. Pero kahit gaano pa kabait ang mga ito ay hindi pa rin siya sasakay dito. Isa lang ang rason niya – hindi siya marunong magpatakbo niyon. “Magandang umaga ho Sir Magus.” Sabi ng isang boy sa hasyenda nang makita si Magus na papalabas na ng villa. Marahil ay ito ang mga naglagay ng kabayo

