Kabanata 43

1177 Words

Mula nang matapos ang engrandeng party ng kumpanya, tila nagbago ang ikot ng mundo ni Thisa. Dati ay halos invisible siya sa opisina, walang pumapansin, walang interesado. Pero simula nang malaman ng lahat na si Coreen mismo ang nagbihis at nag-ayos sa kanya noong gabing iyon, naging usapan na siya ng buong floor. At hindi iyon sa magandang paraan. Alas-sais pa lang ng umaga ay nasa kumpanya na si Thisa. Tulad ng dati, dala niya ang maliit na balde, mop, at basahan na siyang gamit niya sa paglilinis ng hallway at restroom ng mga empleyado. Mabigat ang katawan niya dahil halos walang tulog kagabi, iniisip ang mga nangyari. “Kung ako sa kaniya, mahiya na lang ako… janitress tapos nagpaayos kay Ma’am Coreen, nakakahiya,” narinig pa niyang sabi ng isa sa mga empleyado. "Naawa lang siguro."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD