Prologue
Time is running, how she wish na sana hindi na lang nito inaccepted ang challenge, pero huli na ang lahat wala ng paraan para umurong pa siya dahil sa 645 challenge rules nila.
R101: Deal is deal, if you already accepted it no way to turn it back.
R102: Do it whether you like it or not, if you can't, Just pay, 3 billion!?
.
.
“WTF! Are you for real!?” Hindi makapaniwalang aniya sa tatlo.
Sa dinami dami ng challenge na pwedeng ipa-challenge sa kanya yun pa talaga, na malabo magtagumpay siya.
Sinusubukan talaga siya ng mga 'to.
Bakit ang step-brother pa niya ang napag diskitahan ng tatlong babae sunga-syunga nato, gusto nilang ipalandi ang taong iniiwasan niya.
“Yup, we are serious..” nakangising sagot ni Khien.
Glaze Khiency Fuentes. In short, Khien. (Known as playgirl, campus crush, hubby nito gawing laruan ang feelings ng mga lalaking baliw na baliw dito)
“Alam niyo naman kung gaano ako ka-alergic sa taong yon, diba? Bakit siya pa? Isa pa, paano niyo naman na-imagine na makakaakit ako ng lalaki? Eh, mas lalaki pa nga ako sa kanila kung umasta! The f**k men!” She was being frustrated.
“Why Cie? Don't tell us, you can't do the challenge? Look, ikaw na yata ang pinakamaraming panalo sa ating apat so, sana ito din ipanalo mo pa, ok?” nakakalokong sabi ni Mhigz.
Mhiggy Dale Velasquez. In short, Mhigz (Known as chubby girl, isang b***h na mahilig kumain, mahilig mamahiya ng mga boys, mataray, palaban at kahit wala sa katwiran pinaglalaban nito hanggang siya ang maging TAMA.)
Bahagyang nagseryoso ang mukha ni Fritcie kahit ang totoo ay frustrated na siya.
Kahit ano pang gawin niya ay hindi niya matatanggihan ang challenge, dahil kapag tinanggihan niya ito ay automatic, magbabayad siya ng (3 billion pesos, R102) hindi siya gaga para mag-sayang ng ganoon kalaking pera.
Isa pa, mukha siyang pera. Ayaw niya mawalan ng limpak limpak na pera.
Daming hirap ang hinarap niya para makamit kung gaano siya kayaman ngayon at hindi na niya yon hahayaan pang mawala, not in this challenge, not anymore.
“Damn it.. Ok fine, Challenge accepted!” napahilod sa ilong sagot niya.
“Alright girls! yan ang gusto ko sayo Cie walang inuurungan, you are the real challenger, so pa-paano na yan guys?” inakbayan ni Khien si Mhigz at Fritzie.
“Teka, wala ba kayong napapansin?”
Luminga linga si Mhigz ng mapansin nitong kulang sila ng isa.
“Napansin na namin”- sabay sabi ng dalawa.
Wala yung isa nilang kasama, si...
“
“Hay nako! Kanina pa wala si Rhian. As usual, missing in action na naman yung nerd na yun.” Umiliing ani Khien.
“Excuse me? you called me nerd just now, didn't you?” Biglang sulpot ni Rhian sa likuran ni Khien, nanlaki naman ang mata ng babae.
*OMG! Narinig niya ako* mariing napapikit.
Ma. Rhiana Velasquez, in short Rhian pinsan ito ni Mhigz. Hindi malayo dahil pareho sila madalas na weird (Known as mysterious nerd, laging nawawala kapag oras na ng klase hindi malaman kung saan lupalop ng mundo ito pumupunta. Pero sa dinami-dami ng nerd sa campus nila, siya ang pinakasikat. Bakit? Kasi mayaman at kilala ang pamilya nito at matalino na kahit hindi ito pumasok ng 1 month straight, hindi parin ito napag-iiwanan sa subject, alam parin nito lahat ng pinag-aaralan, ganon kalakas ang pamilya nila.
“So what are you waiting for? Kumpleto na tayo. Ngayon, gusto ko malaman kung magkano taya niyo.” agaw pansin ni Fritcie sa tatlo.
May sasalihan siya car racing event ngayon, kaya hindi pwede paghintayin siya ng mga to.
Nag-react naman kaagad si Rhian, na walang ka alam alam sa mga nangyayari.
“ Sandali nga, hoy kayong dalawa! ano na naman ba yang pina-challenge niyo kay Fritz?” inis na sabi nito at umupo. Hindi naman pinansin ng dalawa, madalas itong wala sa meeting at walang panahon ang tatlo para i-explain dito ang nagaganap sa grupo nila.
Kaya ang madalas na eksena go on the flow na lang ito. Marami na ito pera napatalo ng dahil sa pa challenge ng grupo nila, pero wala lang dito dahil mayaman naman siya.
“Well, for this mission I should bet for 50million US dollars *Blink*” Confident na pusta ni Khien. (Palibhasa rich kid)
Tumawala lang ng pagak si Fritzie, malaki halaga itinaya niya, ang ibig sabihin nito confident na mananalo ang mga ito sa pustahan.
Umiling iling na lang si Rhian atsaka na lang tinapatan ang amount na pinusta ni Khien.
“50 million dollars.” Tulad lang ng nakasanayan eksena. Lapag ni Rhian sabay inom ng tubig. Itinatak na niya sa isipan na magpapatalo lang niya ang perang iyon, but she's not that poor to bid a small amount, kailangan din may thrill.
Naparoll eyes si Mhigz bago nag lapag ng taya. “ 1 billion US dollars” lumalamon ng pagkain nilapag nito ang taya.
Napabuga ng tubig si Rhian at halos malalag ang panga ni Khien na kamuntikan pang lumaki ang singkit na mata nito.
Napalunok si Fritzie.
“WTH! Seryoso ka!?” sabay na sigaw ng tatlo dito.
“F**k, do i look like I'm just kidding here, huh!?”pagsusuplada nito.
Napailing iling ang tatlo.
For the first na ganito kalaki ang taya ng isa sa kanila. Kadalasan kasi hanggang 10 million lang
Hindi talaga ma-imagine ni Fritcie kung bakit naging ganito ka agresibo ang mga kaibigan.
“Eh kasi 40 years mo ng kakainin yang taya mo Mhigz, so ano wala kana bang balak lumamon, para pumusta ng ganiyan kalaki?” natatawang ani Rhian.
Umakto naman nalulungkot si Khien. “Oh no, I can't really imagine na, hindi Kana makakain ng sampung beses sa isang araw, and then mangangayayat ka. Omy, lord. Di ko ma imagine sa kaibigan ko---”
*Toink*
“Aray!---ano ba!?”
“Tama na ang OA mo na eh.” saway ni Mhigz matapos itong batukan.
“Let her Khien, mayaman naman yan, sisiw na sisiw lang yan sa kaniya.” Out of the blue sabi ni Fritcie sa tatlo.
Sabay sabay na bumaling sa kanya ang tatlo. “Confident ka na magagawa mo ang challenge!?” sabay sabay sabi ng mga to.
“At confident naman kayo na matatalo ako sa challenge? In your dreams, bitches!” maangas na sabi niya tsaka siya tumayo.
“Anyways, may importante lakad ako ngayon. Mauna na ako.” *Blink*
Naghabulan kumakabog ang puso ng tatlo sa kaba.
Hindi ganon ang plano nilang mangyari. Ang gusto lang kasi nila ay hamunin siya sa challenge na alam nilang di niya kayang gawin.
Ang plano nila ay pilitin siya tanggapin ang consequence niya ng R102. Para mabawi ang perang naubos nila sa kakachallenge sa kanya.
Yun nga lang di nila inakala, tatanggapin iyon ni Fritcie.
Paano na ngayon?
Di bale di pa naman sila talo dahil, imposible magawa niya ang challenge.