Mataas na ang sikat ng araw, napasarap pala ang tulog ko. Hindi ko manlang naabutang umalis si Orwa, hindi rin naman ako ginising.
Humikab ako habang umuunat pa. Ngayon na lang ulit ako nagising ng ganito, wala na kasing trabaho. Sulitin ko muna kahit papaano ang bakasyon na ito.
Tamad na tamad akong lumabas sa kwarto, lumakad ako papunta sa kusina at nakita ang pagkaing nakatakip sa mesa. Kumunot pa ang noo ko habang kinukuha ang isang papel na nasa itaas nito.
"Good morning mahal, kumain ka na. Hindi na kita ginising, mukhang pagod na pagod kang linisin ang kwarto mo. I love you," kilig na kilig kong basa dito. Mabuti na lang ako lang mag-isa dito. Siguro kung nakikita ako ng mga butiki, langgam at ipis iisipin nilang baliw ako.
Buhay na buhay ang dugo ko habang kumakain ng nilutong almusal ni Orwa. Mabuti na lang talaga marunong siyang magluto. Kasi kung ako lang talaga, walang mangyayari. Baka magkakape na lang ako, tapos bibili sa carinderia ni aling Mila. Pero dahil may Orwa ako, hindi na sasakit ang tiyan ko sa mga tinda niyang tatlong beses ininit dahil hindi naubos.
Matapos kong kumain, bumalik ako sa kwarto. Humilata habang nakahawak sa phone. Tumunog ang messenger at agad ko rin naman itong singot.
"Betty! Pupunta ka ba mamaya? Tabay na tayo?" Bungad ni Sunny.
Umayos ako ng higa sa tatlong patong kong unan. Oo nga pala, pinapabalik ako sa Dantilia para sa clearance. Isasauli ko pa ang uniform at ID ko. Ano ba 'yan! Maliligo na naman ako, sayang ang tubig at sabon.
"Sige pala, anong oras ba?"
"Bandang 2:30? Ta mall na lang tayo magkita," napa-irap pa ako sa sinabi nila.
"Kakagising ko lang," tamad kong angal. Kasi naman isang oras lang niya ako balak mag-asikaso? Balak ka pa sanang magbabad sa higaan, tinatamad pa akong tumayo at lumabas.
"Tamad ka naman talaga, maligo ka ha?" Dumila ako sa sinabi niya.
"Pinuyat ka ba ni Orwa? Tabi ko na nga ba, baka kung anu-ano na ginagawa niyo," dagdag pa nito.
"Ano bang sinasabi mo? Inosente akong nilalang at 'wag mo akong itutulad sa 'yo," sagot ko dito.
"Utot mo inotente," mabilis na bawi nito.
"Dami mong kuda, sige na maliligo na ako," sabay ngisi ko.
"Batta 2:30 ha? Ayoko ng late," tumango-tango lang ako dito at pinatay ang tawag.
2:30 daw pero wala siyang sinabi kung am or pm ba. So pwede pa akong magtambay sa social media at humilata lang dito. Mamaya na ako maliligo, o baka hindi na. Saglit lang naman ako doon, tamang palit-palit lang.
Lumipas ang isang oras, nakatanggap ako ng text kay Sunny. On the way na daw siya, syempre dahil hindi pa ako nag-aayos. Sabi ko na nag-aabang na ako ng sasakyan pero puno lahat.
Bakit ba ang bilis ng oras? 1:50 na kaagad? Tapos isang oras pa ang byahe ko. Pwede ko kayang sabihin kay Sunny, na hindi ako makakapunta? Pero sayang naman ang last pay ko. Baka mas lalo pang tumagal kapag hindi ako nagpunta ngayon.
Ano ba itong mga 'to. Pwede naman kasing wala ng ganito, sana pwedeng ipadala na lang kay Orwa ang uniform at ID.
Wala akong nagawa, kahit pa ayokong tumayo ay nagtungo ako sa CR. Syempre tamad ako, hindi ako naligo. Tamang wisik at palit lang para di halata. Mukha naman akong mabango, kaya hindi na rin ito mahahalata. Uulanin ko na lang ng pabango ang sarili ko.
Tadtad na ng text at calls si Sunny. Malamang inip na inip na siya doon, 2:40 na at magbyahe pa ako. Hindi ko pa mahanap kung saang lupalom nitong nilinis kong kwarto ang ID ko. Kung hindi ko ito nilinis alam ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko.
Sayang effort ko kahapon, kakalat din pala dito ang mga damit ko.
"Nagpakita ka rin," masaya kong sabi sa sarili matapos makita ang lintik kong ID. Alas-tres na at mukhang nag-iinit na ang ulo nitong si Sunny. Ayaw na ayaw pa naman nito ng pinaghihintay siya ng matagal, at hindi sinasagot ang tawag. Pero sorry siya, ganito ang kaibigan niya.
Mukhang nagkatotoo rin ang pagsisinungaling ko sa kaniya, hirap na hirap akong humagilap ng masasakyan. Lahat puno, bakit ang gagala ng mga tao? Lunes na lunes ay! Hindi ba pwedeng stay at home na lang? Galang-gala lang?
Hindi na ako tumingin pa sa cellphone, ayokong makita ang oras at kung ilan na ang missed call ni bulol.
Mahabang ang byahe pero mas mahaba ang pila sa gass station na pinuntahan ni manong driver, mediyo kinakabahan na ako. Mamaya bigla na lang ako masapak ni Sunny, ngayon pa lang naiisip ko na kung anong itsyura niya. Grabe baka sa sobrang galit niya, lumabas ang monster na nakatago sa malaki niyang noo.
Malakas ang kalabog ng dibdib ko habang palakad papasok sa mall, papunta ako ngayon sa dating tagpuan. Sa second building kung saan may upuang gawa sa malaking KitKat, doon kasi siya palaging tumatambay. Mas malakas daw ang aircon, pero mukhang hindi ako kayang isalba ng lamig nito sa lumiliyab na galit ni Sunny.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang matulis nitong nguso at ang galit na mga mata. Ngumiti ako ng mapait para lang itago ang kaba.
"Grabe pala ang traffic, ano?" Pilit kong katwiran nang tumapat na ako sa kaniya. Pero mukhang hindi ako pagbibigyan. Matalim pa rin ang mga mata nito at nakahalukipkip.
Padabog siyang tumayo at tumapat sa akin. Napaatras naman ako, grabe ang pasensya nito, kasing liit niya.
Ngayon naniniwala na akong matatapang at maiinitin ang ulo, ng mga taong kinulang sa height. Ang bilis kasing umakyat ng dugo sa ulo. Grabe mas malaki ako sa kaniya, pero nakakatakot siya. Parang minion na killer.
"Ang tabi ko, ayoko ta lahat ang late!" Bulyaw nito. Napatingin pa ako sa paligid, alam ko kasing rinig hanggang 3rd floor ang matining nitong boses.
"Shhhh...sabi ko naman sa 'yo, traffic nga. Hindi ka manlang naawa sa akin, tingnan mo nga. Gutom na gutom na ako," paawa ko dito habang hinihimas ang tiyan.
"Taan ka ba dumaan? May traffic ba ditong umabot ng dalawang orat? Tingnan mo nga, tunaw na ang KitKat na inupuan ko. Ang takit na ng puwit ko," nakasimangot pa rin nitong saad. Napakamot na lang sa ulo, wala na kasi akong alam na idadahilan.
"Maggala na lang tayo, bili tayo lollipop sa royal," matapos ko itong sabihin ay para siyang bata na biglang umaliwalas ang mukha.
"Libre mo?" Masaya nitong tanong.
Susme! Lollipop lang pala katapat.
"Lollipop ni Rick, libre lang," biro ko pa. Alam kong wala itong malisya, sobrang inosente ko kaya.
"Talaga? Paano kay Orwa?" Ngumisi ito.
"Anong kay Orwa?" Inosente kong tanong. Wala kasi talaga akong alam sa ganito.
"Nakakainit ka talaga. Bakit ba palagi kang late? Hindi na tuloy tayo nakaabot, bukat ha? Ayoko ng late, umaga tayo pupunta. Tumabay ka kay Orwa," sermon nito.
"Opo madam," umirap pa siya pero agad ring natawa.
Ang kaniyang monster na mukha ay napalitan na nang tuwa. Mabuti na lang at gamay ko na ang babaeng ito, masungit pero parang isip bata–teka hindi pala pambata ang isip nito. Masyado siyang SPG, hindi ako gayahin. Sa lahat ako ang pinaka-inosente.
"Oo nga pala, umuwi ang ita ta mga pintan ko. Tapot bumili tila ng phone. Ito, bigay mo kay Orwa," sabay lapag nito sa kamay ko.
"Loko ka, hindi na kailangan. Nakakahiya naman, magbibigay ka pa ng cellphone," ibabalik ko na sana ito, pero agad siyang lumakad palayo. Tumakbo ako palapit sa kaniya para ibalik ito, pero nakatikom ang mga braso niya.
"Kapag binigay ko, binigay ko. Kapag hindi mo 'yan tinanggap, magtatampo ako ng tobra," sambit pa nito.
"Grabe ka naman kasi magbigay," tinaasan niya lang ako ng kilay.
Bumuga ako ng malalim na paghinga at nahihiyang tumingin sa malayo.
"Salamat," mahina kong sabi at itinago na sa bag ang bigay niya.
Nakakahiya na talaga, palagi na lang siya ang nagbibigay sa akin. Samantalang ako, tuwing birthday niya lang nakakatanggap ng regalo.
"Batta ang lollipop ko," natawa akong muli, parang bata umasta. Ang pagkakatanda ko, masungit siya noong huli kaming nagkita. Tapos ngayon naman parang bata.
Napuno ng chika ang paglalakad namin papunta sa shuttle ng Royal. Matagal na rin simula noong nagpunta kami doon, ngayon lang ulit ang gala namin.
Tuloy ang chismisan hanggang sa pagtawid, napatigil lang kasi sa sasakyan na nakaharang sa tawiran, umandar ito paikot. Nagulat pa ang driver matapos kaming makita.
"Aba loko! Nakitang may tatawid!" galit na sita ko. Napakunot naman ang noo ng driver, sabay namin siyang tinaasan ng kilay. Nakahinto lang kaming dalawa habang hinihintay na umalis ito.
Kung hindi ba naman loko-loko. Alam na may taong tatawid hihinto pa sa gitna.
Ilang saglit pa ay tumingin ako sa harapan, bumungad sa akin ang mukha ng mga taong naroon. Halata sa mukha nila ang gulat at pagtataka. Nakatipon sila doon na parang nag-aabang na patawirin.
Napatingin ako kay Sunny na nakatingin sa likuran, tumingin rin ako doon at tanaw ang kumpulan na taong nag-aabang. What the! Nag-aabang silang tumawid tapos kami ngayon, nakatayo sa gitna.
Napangiwi ako at hiyang-hiya nang makita si kuyang traffic enforcer, pati siya ay nagulat. Nanalaki pa lalo ang mga mata ko at mabilis na hinila si Sunny patawid. Packing tape! Kami pa may lakas ng loob na awayin si kuyang driver, kami na pala ang tumatawid basta-basta.
Mabilis ang paglakad namin at wala nang lingon-lingon pa. Hiyang-hiya na talaga kami, bakit ba kasi puro kami chismis at hindi napansin ang mga pangyayari sa paligid? Nakakahiya! Ano na kayang iniisip ng mga taong iyon? Pati si kuyang traffic enforcer mukhang gulat sa ginawa namin. Mabuti na lang hindi kami hinuli.
"Nakakahiya talaga," bulong ko dito habang paupo sa dulong upuan.
"Bakit kati hindi natin napantin? Inaway pa natin ti kuyang driver," pinigil kong hindi matawa sa sinabi ni Sunny. Pero hindi ko kaya, kasi na-imagine ko ang mukha ni kuyang driver. Ano kayang iniisip niya? Kami na nga may atraso kami pa umaway.
Tuloy ang chika at ang tawanan namin, habang inaalala ang bagong kalokohan sa buhay namin. Sa tuwing magkasama kami palaging may nangyayaring kahihiyan, pinanganak ba kami para mapahiya?
Hanggang sa makarating kami sa Royal ay patuloy ang pag-uusap at pagtawanan namin. May mga nakakapansin sa amin, pero balewala lang sila. Masaya kami, ayaw naming maputol ito. Kami naman ang tumatawa hindi sila, makinig na lang sila sa tawa ni Sunny na parang dwende.
"Isang plastic na lollipop lang, ha?" Sabay kuha ko. Marami-rami na rin naman ito. Kaya sapat na ito sa kaniya.
"Kapag kulang, si Rick patawag mo. Libre milk pa," biro ko pa dito. Agad naman niya akong kinurot sa tagiliran at natawa.
"Tiguro ganoon kay Orwa, no? Marami bang milk?" Pilya nitong tanong.
"Anong sinasabi mo? Kape lang meroon sa bahay. Ikaw kung anu-ano iniisip mo. Ipatawag mo si Rick, kasi dinadalhan ka niya ng gatas 'di ba? Ghad! Sana naman baguhin mo na utak mo, hindi 'yan healthy," pag-alog ko pa sa balikat ko. Lumakad naman ako para tumingin ng mga pwede kong mabili.
"Bilhan mo si Orwa ng Pepemo,"
"Sunny!" Sita ko dito. Bakit ganito ang utak nito? Nagbabagong buhay na ako, pero bakit mahirap? Ang daming tukso sa paligid.
"Bakit? Favorite mo 'yon 'di ba?" Walang muwang nitong tanong.
"Pepero kasi 'yon,"
Kakaloka! Mabuti na lang at walang ibang makarinig sa sinabi niya. Mabuti na lang talaga at matibay ako, hindi ako ganoon karupok kaya hindi ako nadala ng makasalanan niyang utak. Duh! Ang bastos niya talaga.
"Pepero pala? Alam ko na, pocky na lang bilihin mo tapot tabihin mo kay Orwa, kung gutto ba niya ng pocky," natatawa nitong wika. Pinandilatan ko naman siya, mamaya may makarinig sa amin. Puro kalokohan talaga.
"Bakit? May pocky naman ah? Puro ka kasi pepero, try mo lang. Sa kaniya mo naman ibibigay. Kulay pink na pocky, strawberry flavor," dagdag pa nito at agad akong hinila papunta doon.
Normal na pagkain lang naman iyon, bakit kapag dating sa kaniya parang ang sagwa na? Susmaryosep! Bumibigay ang pader, hindi ako pwedeng maging marupok. Nagbagong buhay na ako. Sobrang inosente ko.
"Ayan, strawberry flavor. 'Wag mo sa kaniya ipakain ang brown na pocky, sa 'yo na lang ang chocolate," walang tigil ito sa pagtawa. Pwede bang bumukas ngayon ang lupa at ibalik na ako sa bahay?
Pero sabag, tama naman siya. Maganda ang kulay pink, masarap din ang lasa nito. Strawberry pocky, for sure bet na bet ito ni Orwa. Mura lang naman kaya bumila na ako ng maraming pocky. Baka kasi magustuhan ni Orwa, ayokong nabibitin siya.
Bumili na rin ako ng ramen at ibang gagamitin sa bahay, may pera pa naman si Orwa. Malapit na rin ang sahod, napansin ko kasing wala manlang ibang laman ang ref namin kung hindi puro ulam.
Akala ko saglit lang kami dito sa loob, pero matapit na pa lang magsara. Mabuti na lang nakahabol kami sa last shuttle. 8:30 na, siguro nasa bahay na si Orwa. Magbyahe pa ako, tapos hindi ko siya nasabihan.
Bahala na, mamaya ko na lang ipapaliwanag. Ang mahalaga may mga pocky akong pasalubong sa kaniya. Nainin na niya agad pag-uwi ko.
"Batta, bukat ha? Tumabay ka na kay Orwa," paalam pa nito. Yumakap ako sa kaniya at nagpaalam na rin.
Mabilis akong nakasakay ng jeep, mabuti na lang walang pila. Nakakapagod pero enjoy, ang sakit na rin ng panga ko dahil sa kakatawa sa ginawa namin kaninang kahihiyan.
Pag-uwi ko, bukas ang gate. Pero rinig ko ang ingay sa loob. Nakauwi na nga si Orwa, isinara ko na muna ito bago pumasok sa loob.
May malawak akong ngiti, pero nakita ko ang salubong na kilay ni Orwa. Susme! Una si Sunny, ngayon si Orwa naman? Bakit ba ang hilig nilang sungitan ako?
Ibinaba nito ang hawak niyang plato at lumapit sa akin. Nakatingin sa akin ito na para akong isang kriminal.
"Saan ka galing?" Tanong nitong parang asawa kong nagdududa.
"Magkasama kami ni Sunny, ito nga. May pasalubong ako," sabay inilahad ang dala ko. Bumaba ang tingin niya dito at umaliwalas bigla ang mukha.
"Halika, may ibibigay ako," masaya ko siyang hinila, inilapag ko ang dala ko at hinalukay ang plastic para ilabas ang pocky.
"Ito, try mo. Masarap itong pocky," walang muwang kong alok. Natanaw ko naman ang pagngisi nito.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, alam ko na ang iniisip nito. Nakangisi siyang tumingin sa akin, ang mga mata nito ay mapanukso. Para ako nitong nilalamon ng buong-buo.
Napalunok ako at napaatras matapos niyang lumapit. Nanginginig na naman ang mga tuhod ko, pati lamang loob ko ay parang may disco ulit. Bakit ba palagi silang ganito?
"Anong masarap?" Mabilis nangilabot ang buo kong katawan, sobrang lamig ng boses nito.
"Anong masarap?" Ulit nito.
Hindi ako makagalaw, corner na niya ako. Nakasandal na ako sa lababo habang ang mga kamay niya ay nakabakod sa akin. Taena! Anong gagawin ko? Hindi na rin ako makapagsalita. Bwisit na Sunny, pahamak. Bakit ba ako pumayag sa sinabi niya? Alam ko naman sa sarili kong mapanukso ito.
Tuluyan na nga ata akong magpapaanod sa mga mata nitong puno ng pang-aakit, tuluyan na ba akong bibigay? Lola paano na ito? Basta hindi mo ako mumultuhin ha?
"Asan na ang pocky? Patikim, kung masarap nga," nakakapanghina ang boses nito. Shet! Marupok na ulit ako. Ghad! Anong gagawin ko? Papakain ko na ba? Teka! Hindi pwede ang ganito, kailangan kong pigilan ang utak ko. Susmaryosep! Kailangan ko ng gabay ngayon. Kailangan ko maging matatag.
Napasigaw ako matapos nitong hinahin ang hawak ko. Napanganga ako habang inaangat niya ito.
"Strawberry flavor? Mukhang masarap nga," malaki pa rin ang ngisi nito. Tumingin siyang muli sa akin. Ang mga kilay nito ay salubong pero ang mga mata nito ay punong-puno ng tukso. Para akong hinihila nito para mag-isip ng nga mga bagay na hindi dapat.
Oh my God! Paano ko ito tatakasan? Paano ako tatakas sa ganitong tukso?
Awa na lang, send help. Call 911, may marupok dito sa harapan ng gwapong lalaki.
Please ayoko maging marupok. Kaya parang-awa mo na Orwa, 'wag mo na ako akitin. s**t!