Maaga akong ginising ni Orwa, paano ba naman bago kami matulog ay tumawag si Sunny. Gusto daw makausap si Orwa, tapos sinabi na isama ako bukas. Kakaloka! Hindi ako pinagkakatiwalaan ng babaeng 'yon. Sarap sapakin sa ngala-ngala.
Ayan tuloy, maaga pa lang ginising na ako.
Tamad at nakatulala akong nakaupo, syempre si Orwa na ang nagluluto. Sabi niya siya na daw, e. Nilalait niya mga luto ko, lasang muntik maging masarap. Mapanlait ay.
"Sabay na kayo ni Sunny umuwi, o kaya tawagan mo ako kung hindi pa kayo nakakauwi." Agad akong napatingin sa kaniya.
"Tawag talaga? Nagkaroon ka lang ng cellphone." Napangisi naman siya sa sinabi ko.
"Syempre, baka magalit ako kapag hindi kita naabutan sa bahay." Napirap ako sa mga tingin niya. Nakakaloka talaga ito, paano ba naman, grabe kung ngumisi. Para akong inaakit nito.
"Talaga? Paano ang galit?" Sarkastiko kong tanong. Sinundan ko pa ng tingin ang kamay nitong sinasalinan ng sinangag ang plato ko.
"Hindi mo gugustuhing makita, kaiba itong magwala. Nakakapilay." Pilyo nitong sabi.
Bwisit talaga ito! Bakit ba ang hilig nitong mang-akit? Kakaiba magalit, nakakapilay. Sus bakit hindi namin i-try? Tingnan ko lang kung paano ba magwala. Survey lang naman.
"Utak mo talaga!" Napapikit pa ako matapos niyang isakop ang kamay nito sa kabuoan ng mukha ko.
Bwisit!
"Ang sarap pala ng pocky mo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ugh! Bakit ba ganito siya magsalita? Tapos sinabi pa niya, tutal kinain na niya kagabi sana hindi na lang niya ipagkalandakan pa. Mamaya may makarinig na iba, isipin pa nilang iba ang tinutukoy niya.
"Gustong-gusto ko talaga kapag ganiyan ang itsyura mo, halos lumuwa ang mga mata mo at sobrang pula ng mukha mo," puna pa nito.
Agad akong napainom ng tubig, sana lang hindi niya mahalata ang panginginig ng kamay ko.
Kalma Sunshine. Hindi ba strong ka? Hindi ka marupok, kaya kaya mong labanan ang kalandian ni Orwa.
Matapos ang lahat, nakapagbihis na ako at sukbit na ang backpack ko. Hindi pa lumalabas si Orwa, kaya lumabas muna ako para diligan ang mga tanim naming orchid.
Mga baby namin ito, orchid ang tatay kaya orchids din ang mga baby namin.
"Mahal!" Halos matapunan ko pa siya ng tubig.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Inis kong tanong, nakakaloka talaga ito. Bakit ba kung makatawag akala mo naman may masamang nangyari.
Masyado na ata akong naging nerbyosa, iiwan na nga ako sa kape. Hindi iyong may tatawag lang sa akin kinakabahan na ako.
"Hindi kita ginugulat, tinatawag lang kita," katwiran pa nito. Agad kong binaba ang tabo at napahawak sa dibdib ko. Nga naman, tinawag niya lang ako pero nagulat ako. Hayaan mo na nga.
"Aalis na tayo," aya pa nito. Tumulis ang nguso ko at tumango. Sumunod na ako sa kaniya, siya na ang nagsara ng gate.
Inaantok pa talaga ako, sana maagang matapos ang gagawin namin ni Sunny. Pero asa naman akong maaga kaming uuwi, siguro pwede pang maaga kaming matapos sa clearance. Pero umuwi sa bahay? Duh! Si Sunny ang kasama ko, si Sunny na walang kapaguran kung gumala.
Dating gawi, nagbyahe kami papunta sa Dantilia shoe company. Nagmamaganda akong nakahiga sa braso ni Orwa, bahala na sila kung isipin nilang maarte ako. Inggit lang sila, mga walang jowa.
Dati ganiyan din ako sa kanila, hate makakita ng ganito. Pero ngayon, isa na ako sa mga maarteng babae na kinaiinisan ko.
Ganito pala feeling may jowa, pwede ka maging maarte at mag maganda.
"Siguro ka bang marunong kang gumamit ng cellphone?" Tanong ko pa dito habang papasok kami sa canteen.
"Sinabi ko na sa 'yong galing lang ako sa isang orchid pero hindi ibig sabihin wala akong alam sa lahat," paliwanag pa nito. Okay! Sabi ko nga, magaling na siya sa lahat.
"Basta 'wag ka ng magpapagod ha? Umuwi ka na kapag pagod ka na." Napapikit ako sa paghalik nito sa noo ko, ngumiti ako at tumango.
"Sige na, magtrabaho ka na." Tulak ko pa dito, kimindat pa siya bago umalis.
Kakagigil ka Orwa, sarap mong halik-halikan hanggang sa mahubaran. Susmaryosep! Kung anu-ano na namang kasalanan ang pumapasok sa utak ko. Hindi ito pwede, bawal ito. Lagot na talaga ako, bakit ba kasi ganito kadumi ang utak ko?
"Betty!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Sunny.
"Tabi ko na. Kapag ti Orwa talaga nagtabi tayo, maaga ka gigiting. Naligo ka ba–" agad kong tinakpan ang bunganga nito.
"Malamang naligo ako, kailangan isigaw pa?" Inis kong tanong dito.
"Baka mag-away pa kayo." Natatawang tanong ni Rick.
"Daldal kasi nito." Irap ko kay Sunny. Kakaloka! Malamang naligo ako ngayon, kahapon hindi. Pero ngayon maaga akong naligo, bukas wala akong gala kaya bukas ako hindi maliligo.
"Sasabay na ba kayong papasok sa loob? Para matapos na rin agad," aya pa ni Rick. Tinaasan ko lang ng kilay itong si Sunny. Bulol na nga lahat-lahat daldal pa.
"Taan tayo gagala mamaya?" Napakunot ang noo kong tumingin kay Sunny.
"Andito pa tayo, gala na agad gusto mo?" Napangiti lang ito at nagpa-cute.
"Kay Rick lang may epekto 'yan!" Bulyaw ko dito. Napanguso naman siya at parang isang batang naubusan ng lollipop.
"Syempre, kahit naman anong gawin niya hindi magiging marupok ako." Todo kilig naman itong si Sunny. Susme!
"Hindi pa rin ba magiging kayo?" Seryoso kong tanong.
"Atat ka?" Pagsusungit nitong si Sunny.
"Ay? Bakit parang galit ka?" Tanong ko dito habang nakahawak sa dibdib.
Hindi ito kumibo, kapag ba mga kinulag sa height masusungit? Mabilis umakyat ang dugo sa ulo nila? Liit-liit ang tapang, akala mo menion na pula.
"Sige na, dito na ako," paalam pa ni Rick. Kumaway lang ako rito, habang si Sunny ay may pa-flying kiss pa.