Chapter 30

2661 Words
"Sigurado ba talaga kayong ayaw niyo ng bumalik?" tanong ni sir Tyron, bahagya pa akong napatingin kay Sunny. Wala nga pala ngayon si ms. Jen, mukhang nagpa-adjust ng brace niyang nabubulok na. "Hindi na po," mabilis kong sagot. "May trabaho na ba kayo?" "Ayot na po ba ito?" Pag-iba ni Sunny sa usapan, inilapag naman nito ang papel na pinirmahan namin kanina. Naisauli na rin namin ang uniform, ID at ibang gamit na galing sa company. "Makakahanap din po ko ng trabaho, sa ngayon salamat na lang po. Mauuna na kami sir," manipis ang ngiti ko. Tumango lang ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Mas'yado kasi siyang nakakailang, parang may kakaiba sa mga tingin niya. Loyal kaya ako sa Orwa ko, kung noong sana ganiyan siya. Baka naging jowa ko na siya, kaso hindi e. Snob niya ako noon, kaya sorry na lang siya. "Sandali!" pigil nito natapos kong maitulak ang pinto, nagkatinginan pa kami ni Sunny bago namin siya tiningnan. Tumayo pa ito at pormal na lumakad palapit sa amin, naamoy ko pa ang pabango nito. "Naghahanap kasi ng P.A si tita Seila, kung gusto mo lang naman sana." Nanlaki ang mga mata ko matapos itong marinig, tama ba ang narinig ko? OMG! Si Seila Sandoval ba? Hala! Idol na idol ko 'yon. "Baka po hindi tiya makapatok doon." Harang ni Sunny. "S-sige po, ano po bang kailangan?" OMG! Matagal ko na itong pangarap. Si ms. Seila na 'yon. Idol na idol ko, sinong hindi papayag na maging PA ng isang sikat na artista? Ano kayang buhay niya? Malalman ko kung anong sabon ang gamit niya, palagi ko siyang makakasama at hindi lang sa edit-edit ng picture magkatabi kami. Gosh! "Sasabihan na lang kita or si tita na lang ang tatawag sa 'yo." Ngumiti nito. "Talamat po. Aalit na kami." Nais ko pa sanang magsalita pero agad akong hinila ni Sunny paalis. Kontrabida talaga 'to kahit kailan, bakit ba bigla-bigla na lang siyang manghihila palayo? Ang ganda na nang iniisip ko. "Nababaliw ka na ba? 'Wag mong tabihin ta akin na papatok ka bilang PA?" Humalukipkip ito at humarap sa akin. Para siyang minion na galit. Ang cute talaga nito kahit kailan, sa sobrang liit ang sarap niyang tirisin. "Bakit? Wala naman atang masama hindi ba? Trabaho 'yon, para sa amin ni Orwa. Tapos si ms. Seila 'yon, hindi ka ba masaya na makakasama ko palagi idol ko?" saad ko rito habang ang dalawa kong palad ay nasa pisngi ko. Kahit hindi pa naman ako nakakapasok ng trabaho, iniisip ko na ang mga nangyayari. Mas makikita ko ang idol ko harap-harapan. Waaahhh! Lumalabas na naman ang pagiging fan girl ko. Siguro parang isang Diyosa ang ganda niya. "Tiraulo ka nga! Umalit na nga tayo, puntahan mo muna ti Orwa." Umirap ito at lumakad palayo sa akin. Nakahalukipkip pa rin ito habang nakatayo sa hindi kalayuan. Ano ba naman ito. Daig ko pang susuyo ng isang babaeng tinotoyo. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin, sa halip ay nagtungo ako kay Orwa. Hindi niya ata pansin ngayon na narito ako, wala na silang ginagawa o baka break time nila ngayon. Abala siya sa pinapanood nito sa kaniyang cellphone. May iilang babae na nakatabi sa kaniya, nakikinood na akala mo ay mga walang cellphone. Mga ingitera, anong akala nila? Maagaw nila sa akin ang mahal ko? Aba! Nanigas sila. Mamulok ang mga pechay nila, pero hindi ako papayag na agawan nila. Inayos ko ang lakad ko habang palapit sa kanila. Tutok si Orwa sa kaniyang cellphone nang hawakan ko siya sa pisngi. Napansin ko pa ang pagkagulat nito. Para akong babaeng pilit siyang inaakit, pero siya namang rupok nito. Ganda ko talaga. Umuwang ang bibig nito at dahan-dahang tumayo. Magkatitigan kami habang ang kamay ko ay nasa pisngi pa rin nito. Rinig ko naman ang mga inggiterang babae. Bahagya akong lumihis ng tingin kay Orwa at tumingin sa mga babae, umirap pa sila sa akin at sabay ko rin silang inirapan. Duh! Mas maganda pa rin ako sa kanila, kaya umayos-ayos sila. "Kanina ka pa ba rito mahal?" Malambing ang pagkakasabi ni Orwa matapos akong hawakan sa kamay. Ibinaba ko na rin ang kamay kong nasa pisngi niya, lumakad pa kami kaunti para lang lumayo sa mga katrabaho niyang haliparot. "Paalis na rin kami ni Sunny, magpapaalam lang ako. Nag-aaya siya gumala, baka mauna kang makauwi," paalam ko rito. Napansin ko ang pagtago niya ng cellphone. "Huwag lang kayong magpapagabi ha? Kapag ginabi ka talaga gagapang ka na bukas." Nang sabihin niya ito, rinig ko ang halinghing ng mga babaeng tila sila ang kinikilig. Ehe! S'yempre, sino ba namang hindi kikiligin? Naghaharot na naman ako. Yari na talaga ako sa kaluluwa ni lola. Iba na ang pinalaki niyang apo, mas'yado nang malandi. "Umayos ka nga, saglit lang naman kami ni Sunny." Mahina kong hinampas ang braso niya pero mariin ko rin itong pinisil. "Sige na, tumawag ka sa akin kapag pauwi ka na ha? Ako na ang magluluto ng kakainin namin." Tumango lang ako matapos niya akong halikan sa noo. "Bye mahal," nang sabihin ko ito, nabakas ko ang matamis na ngiti sa labi niya. Mga ngiti na hindi ko nais na mawala sa paningin ko. Pero bakit sa tuwing titingin ako sa mga mata nito, may isang katanungan na hindi ko alam kung paano masasagot. May isang lihim na alam kong hindi niya nais sabihin sa akin. Hindi mawari ang mabilis na t***k ng puso ko. Pinilit kong 'wag itong pansinin habang naglalakad ako palabas. Bahagya ko siyang nililingon. Anong ibig sabihin ng tila isang babala sa dibdib ko? Alam ko sa sarili kong unti-unti na rin akong nahuhulog sa kaniya, ramdam ko 'yan, kahit pa ilang beses kong sinubukng tumakas. Sino bang babe ang kayang tumakas sa ganitong klase ng lalaki? Lahat ng pinapangarap ko noon, sa kaniya ko nakita. Magkasama kami ni Sunny pero si Orwa ang iniisip ko at ang isang bagay na hindi ko alam kung ano. Nababaliw na ba talaga ako? Pero alam ko, may hindi sinasabi si Orwa. May kinalaman ba ito sa mga petals na nasa likod niya? "Huy! Lutang ka na naman ba? Kanina pa kita kinakautap, hindi mo ako pinapantin." Saka lang ako bumalik sa sarili matapos akong batukan ni Sunny. Ang sadista talaga ng pandak na 'to. Narito kami ngayon sa mall, sa Watson to be exact. Paubos na raw kasi ang lipstick niya kaya bumili na muna siya. Matapos naming maggala at maglibot sa mall. Bumili muna kami ng pizza bago kami tumambay sa garden ng mall na ito. Maraming taong dito rin nakatambay. Sumalampak kami sa sahig para mag-chismisan. "Alam mo ba, tabi-tabi ta balita na nagkabalikan na tina Tyron at Lyka. Ang tabi pa nila, mukhang ikakatal na ang dalawa," kwento nito matapos kumagat ng pizza. Umayos muna ako nang upo bago sinagot ang chismis na ito. "Ang galing talaga ng source mo ano? Malalaman ko rin 'yan kapag doon na ako nagtrabaho, s'yempre makikita ko kung anong ganap sa buhay ng mga artista." Naalala ko na naman ang offer ni Tyron. Simula noon, mukhang ito ang gusto kong naitulong niya sa akin. "Nagpaalam ka na sa jowa mo? Alam namang teloto 'yon, baka magalit na naman 'yon." Nang sabihin niya ito, doon ko lang naalala si Orwa. Oo nga pala, magagalit 'yon lalo na kapag nalaman niya na si Tyron ang nagbigay sa akin ng trabaho. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak niya sa tuwing babanggitin ko ang pangalan ni Tyron. Hindi naman ako aagawin no'n sa kaniya. Sa tagal ko nang may gusto kay Tyron, ni minsan hindi 'yon nagbigay atensyon sa akin. Kaya wala siyang dapat ipag-alala, isa pa, matagal na akong walang gusto kay Tyron. Sa mga artista lang katulad ni Lyka ang bagay sa kaniya. "Ano na namang iniitip mo? Tumahimik ka bigla," sita ni Sunny. "Hindi na lang natin sasabihin? Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam." Napansin ko ang pagngiii nito. Isang senyales na hindi siya sang-ayon sa balak ko. "Kung hindi ko matabi. Tana lang mapigil ko ang bibig ko." Haayst! Ito ang mahirap, kapag nagsalita pa naman ang babaeng 'to wala talagang tigil. Kahit maitago ko 'to kay Orwa, kapag si Sunny na ang tinanong niya, panigurado akong lahat-lahat masasabi nito. "Para ka kamong tanga. Trabaho lang pupuntahan ko, hindi ako makikipaglandian kay Tyron. May Orwa na ako haharot pa ba ako?" Bahagya kong inipit ang buhok ko sa likod ng tainga ko. "Tige na nga, pero may tatabihin ako." Luminga-linga pa ito sa paligid na akala mo ay isang padabog na sikreto ang balak niyang sabihin. "Balak ko na tagutin ti Rick." Muntikan ko pang maibuga ang laman ng bibig ko matapos itong marinig. Halos mabali rin ang leeg ko para lang tumingin sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? Balak na niyang sagutin si Rick? Sa tagal nitong naliligaw sa kaniya, sa wakas ay magagawa na rin niya itong sagutin. "Talaga? Masaya ako para sa 'yo. Magkakagibaan na ng kama," biro ko sa kaniya. Alam na alam ko kiliti ng babaeng 'to. "Ta tahig na lang para c***k lang magaganap." Sinasabi ko na nga ba, ganitong-ganito ang takbo ng utak nito. Walang ibang ginawa kung hindi puro kaberdehan, pati tuloy ang utak ko nadadamay. Isa pa naman akong dakilang inusente. "May ruler sa bahay." "Marami ta bahay, mayroon pa ta bag ko." "Abang tindi!" Wala na kaming ibang ginawa kung hindi ang tumawa nang tumawa. Kapag nagkahiwalay na kami ng trabaho, bihira na lang kami kung magkikita, lalo na ngayong P.A ang magiging trabaho ko. Kung saan pupunta si ms. Seila, doon din ako pupunta. Yari! Paano si Orwa? Bihira lang din kami magkikita? Paano na ang madugong digmaan kung bihira lang kami magkakasama? Ano ba naman 'to! "Batta 'wag ka muna maingay ha?" Siya naman ngayon ang nakikisuyo, ang bilis ko namang makakabawi. "Depende sa bibig ko." Muli na namang bumalik ang ityura ng galit na minions, habang ako, walang tigil sa pagtawa. Bakit ang sarap nitong asarin, kapag siya ang nang-aasar sobrang galing, pero kapag ako naman nang-aasar akala mo aping-api mas'yado. "Ewan ko ta 'yo. Umuwi na nga lang ako tayo." Ayaw ko pa sanang tumayo, pero hinila na niya ako agad. Wala pa rin akong tigil sa katatawa, habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Ihahatid ko muna siya, pero kailangan bago siya umuwi, asar na asar na siya sa akin. Kilala ko 'to, mas lalo siyang naiinis kapag hindi ako tumitigil sa pagtawa. Tanaw na tanaw ko na ang pula niyang pisngi, para siyang bulkan na bubuga na ng apoy. "Tumigil ka na nga. Tatakay na ako, bahala ka d'yan." "Ingat ka minion!" sigaw ko mula sa labas. Nakakatuwa talaga 'tong babae na 'to. Kahit na ang daming pumasok na kung anu-anong problema sa utak ko kanina, mabilis niya namang nawala. Padilim pa lang ang langit, alam kong malapit na ring umuwi sina Orwa. Kailangan ko na rin umuwi, dapat ako ang mauna sa bahay. Wala rin naman akong ibang gagawin. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. Habang patungo ako roon, nadaanan ko ang isang karenderya. Bukas ang tv nila, sa totoo lang, wala akong balak na makichismis sa palabas. Pero si Lyka ang nasa palabas kasama si ms. Seila. Napahinto ako sa upang panoorin ang isang reality show. Malapit ko na ring makasama ang idol ko. Napakaswerte talaga ni Lyka. Mahal na mahal siya ni ms. Seila. Kitang-kita ko kung paano sila magtawanan. Ang bilis naman mas'yado magbago ang emosyon ko. Para kasi akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ko mawari kung anong klaseng drama 'to. Siguro kung kasama ko lang ang nanay ko, hiindi ganito ang lungkot na nararamdaman ko. Kahit pa sabihin kong may makakasama na ako sa bahay, sa tuwing sasapit ang gabi, hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Alam ko sa sarili kong panandalian ang 'to. Hindi naman totoong tao si Orwa, hindi siya katulad ko. Alam ko na darating din ang araw na matatapos ang misyon niya sa akin. Matatapos din ang lahat ng ka-sweetan namin. Sa huli, ako pa rin ang maiiwang mag-isa. Mananatili akong mag-isa, dahil lahat naman ng tao sa buhay ko, iniiwan din ako. Ito siguro ang kapalaran ko, ito ang tadhana ko. Ano ba 'yan! Bakit ba ang drama ko? Tigil-tigilan ko na nga 'tong kalokohan ko. Kailangan kong mag-isip ng mga bagay na nagpapasaya sa akin. Sa ngayon, kailangan kong maging masaya na makakasama ko na rin si ms. Seila. Matapos nito, may outing pa kami. Kailangan kong maging masaya, kailangan kong damahin ang panandaliang saya na ito. Lumipas ang oras. Nakauwi na rin ako sa bahay. Nagpalit muna ako ng damit bago nagtungo sa labas. Tumambay muna ako sa labas ng gate, nakikipagkwentuhan sa mga taong nakatambay malapit sa bilihan ng barbeque. Wala pa naman si Orwa, malamang nasa pila pa ng jeep 'yon. Ginagawa rin ang kalsada kaya paniguradong traffic. Wala rin naman akong gagawin sa bahay, gusto ko ring mag-ulam ng barbeque kaya ito na lang pinaluto ko. Gusto ko sanang puntahan si Lola Remejos, pero mukhang tulog na siya. Bukas na lang siguro ako makikipag-usap sa kaniya. "Hanggang ngayon talaga may sasakyan pa rin na pabalik-balik sa bahay niyo," pasok ng k'wento ni Aling Vergie. "Kanina rin po ba? Hindi ko nga po alam sino 'yon." Kumunot ang noo ko at pumameywang. Para kaming mga chismosang kapitbahay na pinag-uusapan ang kapitbahay namin. "Palagi, tinakot na nga nila Berto, para lang hindi na bumalik. May pinagkakautangan ka ba?" Sabat ni Aling April. "Wala po akong utang, baka naman bagong lipat at naliligaw ng daan?" Bakit naman may taong magmamatyag sa bahay namin, ni hindi nga ako nangungutang kahit kanino. Wala naman akong krimen na ginawa. "Mukhang mayaman, hindi kasi nagpapakita 'yong nasa likod, pero sa tingin namin babae." Lalo tuloy akong naintriga sa sinabi ni Aling April. Babae at mukhang mayaman? Wala naman akong kamag-anak na babaeng mayaman. Sino naman kaya 'yon? Baka naman iniisip niyang bilhin ang bahay namin? No way! Panama 'to ni lola, baka dalawin pa sila no'n kapag dito na sila tumira. "Baka naman sa asawa mo? Baka babae niya?" Ito na nga ba ang sinasabi, may mga k'wento na kaagad silang nabubuo sa utak nila. "Malabo po, hindi rin naman mayaman si Orwa." "Sigurado ka ba? Sa susunod na babalik ang sasakyan na 'yon, malalaman na talaga namin sinong nasa loob." Base sa boses ni mang Berto, may pagbabanta ito. Madilim na ang langit, amoy usok na rin ako dahil sa barbeque. May mga bata na nagkalat pa rin sa labas, mga magkakaibigan at chismosa na walang tigil sa pagku-kwentuhan. Ilang saglit pa, natanaw ko na si Orwa. Muling nabuhay ang puso ko. Ang landi ko talaga. Dali-dali akong nagbayad ng binili ko at lumakad na palapit sa kaniya, nagulat pa nga siya no'ng nakita niya ako sa labas. "Bumili lang akong ulam natin." Masaya kong bati sa kaniya. "Lulutuan na lang sana kita," saad nito matapos bukas ng tuluyan ang gate. Bakas sa mukha nito ang pagod, pero hindi alintana dahil mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. "Baka mapagod ka pa, kumain na tayo," aya ko rito. Pasarado na ako ng gate nang may mapansin. Isang tao na hindi pamilyar sa lugar na ito. Nang mapansin niyang nakita ko siya, aligaga siyang umiwas at lumakad palayo. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nakita. Wala naman sigurong kinalaman 'yon sa akin, o sa kahit ano sa buhay ko. Baka kung anu-ano lang ang napapansin ng mga tao sa paligid. Pumasok na ako sa loob, naabutan ko si Orwa na naghahain ng pagkain namin. Grabeng swerte ko sa taong ito. Paanong minsan sa buhay ko, naranasan ko ang ganito. Dati mag-isa lang ako rito, ako na ang nagluluto ng pagkain ko, paminsan hindi na lang ako kumakain. Gusto kong magtagal pa ito, pero kung isang araw matatapos 'to at maiiwan ako, Sana makaya ko. Oo nga pala, kailangan ko na ipaalam kay Orwa ang magiging trabaho ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD