"Saan ba una nating uunahin linisan?" tanong ni Orwa habang inaabot sa akin ang walis.
Sakit-sakitan mode na! Kakatamad kaya maglinis, kaya magpapanggap na muna ako.
"Araaay!" Inda ko habang nakahawak sa tiyan at namimilipit sa sakit. Napapikit pa ako at nakasingkit ang isang mata para makita ang reaction ni Orwa. Hindi pa rin kumukupas ang galing ko kapag dating sa ganitongbagay. Puwede na ata talaga akong maging artista sa galing ko. .
"A-anong nangyari sa 'yo?" Pag-aalala ang mababakas sa boses niya habang lumalapit sa akin. Gusto kong sanang matawa, pero masisira ang acting ko, baka ako pa ang paglinisin nito buong bahay. Kaya itotodo ko na lang itong pagpapanggap ko.
"Ang sakit ng tiyan ko. Araaay!" Mas lalo ko pang ininda ang sakit. Hindi naman siya magkanda-ugaga, hindi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Susme! Sana pala naglagay ako ng camera, para kung sakaling gusto ko siyang asarin ay ipapanood ko sa kaniya. kaso huli ko nanisipan. Sayang talaga.
"Dadalhin na kita sa hospital," napakapit pa ako sa leeg niya matapos akong buhatin. Paktay na! Mukhang seryoso na nga talaga siya.
"H-hindi na kailangan, ayos na pala ako," mabilis akong bumaba at ipinakitang hindi na masakit ang tiyan ko.
Sumalubong naman ang kilay niya at humalukipkip. What the! Wala na, nahuli na ako. Bakit kasi sa hospital agad dadalhin, pwede namang sa kwarto.
"Masakit pa pala, konti," muli akong yumuko at dahan-dahang pumasok sa loob, pero hindi pa ako makakapasok ay humarang na agad ito sa pinto. Seryoso pa rin ang mukha niyang nakatingin sa akin. Sapilitan naman akong ngumiti dito.
"Konting pahinga lang talaga," katwiran ko pa. Ano ba iyan! Daig ko pang nasa husgado sa mga tingin nito sa akin.
"Tinatamad ka lang atang maglinis ng bahay," seryoso pa rin siya.
"Hindi ah! Bakit naman ako tatamarin? Masakit lang talaga tiyan ko. Kapag maayos na, maglilinis din ako," hinawi ko siya at pumasok na sa loob. Nakahawak pa rin ako sa tiyan ko habang nagmamadaling pumasok sa kwarto. Hindi na ako lumingon pa sa kaniya.
"Buti na lang talaga,"
Dali-dali akong tumalon sa kama, nagpagulong-gulong at kinuha ang cellphone. Basta gusto ko ganito lang ako maghapon, marami pa namang panahon para maglinis ng bahay.
Maayos pa naman ang kwarto ko, may kalat-kalat na kaunting damit, may mga nakasampay pa. Pero okay pa naman, mediyo malinis.
Tuwang-tuwa akong maglakbay sa f*******:, twitter at i********:. Nakataas pa ang paa ko habang humuhuni. Sarap buhay, tapos mamaya lalabas ako para kumain na lang. Bakit kasi naisipan pa niyang maglinis ng bahay, edi sana naghaharutan na kami ngayon.
"Ay kabayo!" Napatalon pa ako matapos marinig ang malakas na kalabog ng pinto, napaupo pa ako at napahawak sa dibdib. Hindi na ba marunong magbukas ng pinto si Orwa?
"Bumangon ka na diyan, una nating lilinisin ang kwarto mo," utos nito habang pinupulot ang mga damit ko sa sahig.
"Masakit nga ang tiyan ko," paawa ko dito pero wala ng effect.
"Tingnan mo nga ang kwarto mo, daig pa nitong binagyo," reklamo pa nito.
"Maayos naman kasi 'yan," iritado kong reklamo. Napagulo pa ako sa buhok ko at padabog na ibinaba ang cellphone.
Hindi ako pinakinggan nito, patuloy siya sa pagpulot ng mga damit ko. Kaya niya naman pala, siya na lang dapat maglinis sa buong bahay. Basta tinatamad ako, gusto kong humiga lang.
"Malinis? Bakit pakalat-kalat ito?" Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong inakyat ng hiya, matapos nitong itaas ang bulaklakin kong bra. Hindi agad ako nakakilos dahil sa hiya.
"Ang cute naman ng baby bra mo, bulaklakin pa," panunukso nito.
Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at inagaw ito, pero mabilis siya at itong itinaas.
"Ano ba?! Sa akin 'yan!" Pilit kong abot. Bakit kasi ang tangkad nito.
Patuloy ko itong inaabot pero patuloy rin niyang itinataas, naiinis na ang mukha ko pero mukhang tuwang-tuwa pa siyang nakikita akong ganito.
"Sobrang pula na ng mukha mo, parang sasabog na 'yang malaki mong pisngi," sabay kurot nito sa pisngi ko.
"Ano ba kasi?!" Bulyaw ko dito.
Ngumisi siya at inangat ang tingin sa bra kong hawak niya. Nakakainis naman! Bakit ba kasi pati ito pagdiskitahan niya?
"Akin na muna ito, hanggat hindi mo nililinis ang kwarto mo hindi ko ito ibabalik," pilyo itong ngumiti at hinalikan ako.
"Maglinis ka na," utos nito at agad lumabas ng kwarto, bago pa siya tuluyang makalayo ay may binitawan pa itong salita.
"Ang swere naman ng mga bulaklak na ito, sa tuwing suot mo may maganda silang tanawin. Patag na burol pero maganda pa ring tanawin,"
BWISIT! Bakit ba ang manyak niya? Kinuha pa talaga ang favorite bra ko, ano namang gagawin niya doon? Nakakainis talaga!
Dahil walang mangyayari kung hindi ko susundin ang gusto niya, kahit pa tinatamad ako ay pinulot ko ang mga damit sa sahig at sinalpak na lang ito basta sa drawer. Laglag balikat akong nagwawalis sa loob, nagpalit na rin ako ng punda at sapin.
Grabe ang alikabok pala ng kwarto ko, kaya naman pala minsan bigla na lang akong sinisipon.
Ano kayang ginagawa ni Orwa ngayon? Bitbit niya kaya ang bra ko? Anong ginagawa niya doon? Yay! Bakit ba ganito na naman ang utak ko? Palagi na lang masama ang tumatakbo, nagbagong buhay na ako.
I'm so very innocent!
Matapos ang kalbaryo ko, feeling ko ang lagkit ko na. Maliligo pa tuloy ako, wala pa naman akong balak maligo. Ano ba naman kasi itong si Orwa, masipag masyado.
"Tapos ka na?" Napasigaw pa ako sa gulat. Tingnan mo, bigla-bigla ring pumapasok sa kwarto ko.
"Ayan na," inilibot nito ang paningin sa paligid, tumango-tango pa ito.
"Kaya mo naman pala, dapat ganito kalinis ang kwarto mo. Tingnan mo, ang sarap tingnan kapag malinis," napa-irap pa ako. Duh! Daig pa nitong nanay ko, siya ata ang babae sa aming dalawa.
"Asan na ang bra ko?" Lahad ko ng palad.
"Ito ba?" Bumaba ang tingin ko sa leeg nito.
"ORWA!"
"Bakit? Ang ganda kaya," proud na proud itong tumingin sa salamin. Susmaryosep! Ang lakas ng tama nito, bakit sa dami ng maiisip gawin sa bra ko, talagang kinuwintas pa niya? Naapektuhan ba ang utak nito? Na sa mga petals ba ang utak niya?
"Tanggalin mo nga ang bra ko," muli itong umiwas sa paghila ko. Agad niya akong hinawakan sa pagkabilang kamay at itinulak ako sa pader. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa labi niyang may malaking ngisi.
"Ano ulit iyong sinabi mo? Tanggalin ko ang ano?" May panunukso sa boses nito.
Bwisit!
"A-ang bra ko –"
"Gusto mo ba talaga?" Inilapit nito ang mukha niya sa akin, napalunok naman agad ako. Tangina! Pati ang puso ko hindi na mapakali ngayon, dinamay pa pati mga bulati sa tiyan ko. Daig pa nilang may disco sa loob ng katawan ko. Mga traydor!
"A-ang ibig kong sabihin–"
Naputol ako sa pagsasalita matapos nitong angkinin ang labi ko. Dilat na dilat ako noong una, habang siya ay nakapikit at marahan ang paghalik. Lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
Gusto ko siyang itulak pero bakit pati ako ay nanghihina? Pati ang katawan ko ay hindi na umaayon sa utak ko? Hindi ko namalayan na pati ako ay bumabawi na rin ng halik, mahigpit na ang kapit ko sa leeg nito.
May katagalan bago kami maghiwalay upang kumuha ng hanging. Daig ko pang hinabol ng aso, mabibigat ang paghinga ko habang nakasandal sa dibdib niya.
"Ayan ang premyo mo, dahil nalinis mo ang kwarto mo," bulong nito. Dito lang ulit ako nakakuha ng lakas upang kuhanin ang bra kong nakasabit sa leeg niya.
"Teka? Bakit mo kinukuha?" Agad ko itong itinago sa likod ko.
"Bakit? Akin ito," pandidilat ko dito. Napabuntong hininga na lang siya at napakamot sa ulo.
"Sige na nga," parang bata nitong saad.
"Alam mo bang napagod ako?" Reklamo ko pa. Ang dami kaya ng nilinis ko, ang sakit na kaagad ng mga kamay ko. Tapos imbis na hindi ako maliligo ngayon, napipilitan tuloy ako.
"Sige, dahil masipag ka. Ipagluluto kita ng miryenda," pumalakpak naman agad ang tainga ko sa sinabi niya. Gusto kong ngumisi pero baka asarin lang ako nito.
"Sige pala, maliligo muna ako," pag-iinarte ko.
Ngumisi pa ito bago lumabas. Susme! Ibang klase talaga itong si Orwa, habang tumatagal lalong lumalala. Ano na lang kaya sa mga susunod naming pagsasama? Sobrang ingay na ng bahay ngayon, hindi ko tuloy alam kung gusto ko bang ganito palagi. Natatakot kasi akong baka bigla na lang itong matapos at hanap-hanapin ko.
Pero 'wag muna sana ngayon, dahil alam kong hindi ko pa kaya. Hindi ko na kakayanin pa.