Maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit. Sunday naman ngayon, walang pasok si Orwa at wala na rin naman akong trabaho. Alas-otso pa lang, tapos madaling araw na akong nakatulog. Dapat makaramdam ako nang antok ngayon, pero wala. Parang buhay na buhay ang dugo ko, ganito ba kapag walang trabaho? Masipag at maaga gumising?
Halos magpagulong-gulong na ako sa higaan para lang bumalik sa pagkakatulog, pero wala.
"Nakakainis talaga!" Singhal ko habang padabog na umuupo. Nakakaloka! Gusto ko pa sanang matulog at ituloy ang panaginip, pero hindi ko naman magawa.
Tumahimik ako saglit at nakiramdam sa paligid, siguro tulog pa si Orwa. Wala akong naamoy na niluluto o maingay manlang sa labas. Mabuti pa siya tulog pa hanggang ngayon.
Tamad na tamad akong lumabas, palakad na sana ako papuntang kusina para uminom ng tubig, matapos kong may marinig na ingay sa loob ng kwarto niya. Dahil sa curious ko, lumapit ako para mas lalo ko pang marinig ang ingay.
Ano kayang ginagawa nito sa loob? Baka may babae na siyang ipinasok sa kwarto niya at gumagawa sila ng milagro? What the!
Inis kong inilapat ang tainga ko sa pinto, kumunot pa ang noo ko habang pinapakinggan ito ng mabuti.
"Aahhh!" Sigaw nitong muli. Pero bakit parang iba? Bakit parang nahihirapan siya sa sigaw na iyon? Puro lang daing ang naririnig ko, walang boses ng ibang babae. Ah ha! Sigurado akong may nakasalpak sa bibig ng babae kaya hindi ko marinig ang boses.
Mariin kong hinawakan ang doorknob at gigil na binuksan ang pinto.
"Mga walang hiya kay–" nanlaki ang mga mata ko sa nadatnan ko.
"Orwa!" Pag-aalala akong tumakbo palapit sa kaniya.
"Ano bang nangyari sa 'yo?" Muli kong tanong. Ano bang nangyayari sa kaniya at namimilipit sa sakin habang nasa sahig. Susme naman! May sakit ba siya? Kakaloka naman talaga.
"A-ayos lang ako," pilit itong tumatayo.
"Hindi ka ayos, suntukin kita diyan," saad ko habang umaalalay sa kaniya pabalik sa kama.
Ano ba kasing ginagawa ng taong ito? May sakit ba siya at bigla na lang bumubulagta? Akala ko may kung ano na siyang ginagawa dito sa loob, kasama ang ibang babae. Bugbugin ko sana silang dalawa, mabuti na lang talaga hindi tama ang iniisip ko.
"L-lumabas ka na m-muna," napasama ang tingin ko dito matapos niya akong itulak palayo.
"Sa kalagayan mong 'yan, tingin mo iiwan kita?!" Singhal ko dito. Umiling-iling siya habang nakayuko, hindi ko man bakas sa mukha niya pero ramdam kong nasasaktan siya. Masyado singurong mababa ang luha ko, pero dahil sa nakikita ko gusto ko nang umiyak. Nakakainis!
"A-ayos lang a-ako. L-lumabas ka na m-munaaaahh!" Muli itong uminda nang sakit at nakahawak sa kaniyang likod. Aligaga ako at hindi alam ang gagawin, hindi ko alam kung tatakbo ba ako palabas at hihingi nang tulong o lalapit sa kaniya.
"LUMABAS KA NA!" Sigaw nitong nagpabalik sa diwa ko.
"Per–"
"LUMABAS KA NA!" Muling sigaw nito. Nanginginig ang mga tuhod ko at nag-uumpisa na ang pag-init ng mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa't nakikita ko siyang nakaluhod sa harapan ako at iniinda ang sakit mula sa kaniyang likuran.
Lalapit sana ako sa kaniya para yakapin siya, pero muli itong sumigaw at pinapalabas ako. Dahil ayokong dagdagan pa lalo ang sakit na nararamdaman niya, lumabas ko ng kwarto niya.
Isinara ko ang pinto at sumandal dito, napakagat pa ako sa daliri ko habang humihikbi. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ako.
Napapikit akong muli matapos marinig ang malakas niyang pagsigaw. Hindi ko na napigil ang mga luhang umaagos sa mata ko, parang daig pa nitong may plantasyon ng tubig at nagbibigay supply sa mga kabahayan. Ang sakit sa dibdib marinig ang daing niya, natatakot ako sa mga maaring mangyari. Paano kung mawala siya? Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin kapag nawala pa siya. Isa sa nagpapabigat sa dibdib ko. Ang sakit, pati ako nasasaktan kapag naririnig ko ang sigaw niya.
Ilang saglit pa ay hindi ko na narinig ang sigaw niya, mas lalong gumulo ang utak ko. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya? Bakit ganoon na lang ang sakit kung sumigaw siya?
Humihikbi kong hinawakan ang doorknob, bago ko pa man ito buksan ay nauna na siya. Bumungad sa akin ang pawis niyang mukha at hingal na hingal ito. Muling umagos ang mga luha sa mata ko at walang anu-ano'y niyakap ko siya. Napaatras pa siya dahil sa sobrang pagkayakap ko.
Nakasubsob ako sa dibdib niya habang walang tigil sa pag-iyak. Nakakainis! Bakit niya ba ako pinapaiyak?
"Nakakainis ka," mahina kong palo sa likod nito habang mahigpit pa rin ang yakap ko sa kaniya. Ramdam ko rin ang mahigpit nitong yakap sa akin.
"Tumigil ka na, hindi ko gustong nakikita kang ganiyan," saad pa nito.
Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap at tumingala sa kaniya. Nakatingin lang din siya sa akin ng seryoso, isa pa itong mga tingin niya. Lalo akong naiinis sa kaniya.
"Ang pangit ko na siguro, nakakainis ka kasi. Pinapaiyak mo ako," pag-iinarte kong muli. Humikbi pa ako at pinalo siya sa braso.
"Sorry kung nasigawan kita kanina. Tumigil ka na, hindi bagay sa 'yong umiiyak," biro pa nito at pinunasan ang luhang nasa pingi ko at inayos ang gulo-gulo kong buhok.
"Ano ba kasing nangyayari sa 'yo?" Umiling lang ito sa tanong ko. Sabi ko na nga ba, hindi nito sasagutin ang tanong ko. Ano pa bang inaasahan ko?
"Ayokong nakikita kang umiiyak, namamaga ang malaki mong mata," lait pa nito.
"Nakakainis ka na! Kanina ka pa!" Singhal ko pa dito.
Umirap ako at padabog na sanang aalis, matapos ako nitong biglang higitin at halikan. Saglit man ito pero hindi ko napigil ang sarili kong mapapikit.
"Basta, sa susunod 'wag kang iiyak dahil sa akin. Ayokong iniiyakan mo ako," wika nitong nakatitig sa mga mata ko.
Nakaramdam ako nang kaba, mabilis ang t***k ng puso ko pero hindi ko ito gusto. Parang may kakaiba sa damdamin kong natatakot ako, o nagbabanta ang mga salitang binitawan niya.
"Hindi ko kayang ipangako," sagot kong sa mga mata pa rin niya nakatitig. Hindi ko kayang ipangako na hindi ako iiyak, dahil alam ko sa sarili kong darating ang oras na iiyak ako dahil sa kaniya, iiyak ako dahil ayokong mawala siya.
Matapos ang drama naming dalawa, siya ulit ang nagluto. Malamang siya lang naman ang marunong magluto sa aming dalawa, baka sunog lang ang kakainin namin.
Nakaupo ako habang titig sa kaniya, hindi maalis ang mga mata ko sa likod niya. May kinalaman kaya ang mga orchid petals sa naramdaman niya kanina? Ito kaya ang dahilan kung bakit ganoon na lang siya masaktan? Pero bakit? May natanggal ba? Bakit kasi ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko, puro na lang iwas. Paano ko naman kaya mahuhulaan? Gusto niya palaging siya lang ang nakakaalam, paano naman ako?
Kakaloka! Mas malihim pa siya sa akin, tapos matampuhin at mahirap suyuin. Sa totoo lang, sino ba sa amin ang babae?
"Mamaya mahal, maglilinis tayo ng buong bahay," napa-irap pa ako sa sinabi niya. Linis talaga ng bahay?
"Maayos naman ang bahay," inilibot ko ang paningin sa paligid. Mediyo maayos naman, kaya sana next month na lang kami maglinis.
"Ang daming alikabok, mamaya magkasakit ka pa," wika nito habang umuupo sa tabi ko.
"Para mas maaliwalas ang paligid," dagdag pa nito habang nilalagayan ng sinangag na kanin ang plato ko. Ang sarap ng ulam namin ngayon, pritong isda. Pero feel ko mas masarap si Orwa, charot!
"Pwede naman next month? Gala ulit tayo," suggest ko pa dito. Pero mukhang walang effect sa kaniya, hindi magilig sa gala.
"Nasa galaan na tayo kahapon, bawal na ngayon. Dapat maglinis ng bahay," bumagsak ang balikat ko at tamad na yumuko.
Kakaloka naman ito, tinatamad pa naman akong maglinis ng bahay. Gusto kong humiga na lang at mag-f*******:. Magsakit-sakitan kaya ako? Magaling naman ako umarte. Baka madala ko siya?
Try ko nga mamaya, pagkatapos namin kumain kunwari may sakit ako. Mamaya ka sa akin, basta hindi ako maglilinis ng bahay. Tinatamad ako.
Tamad ako at wala siyang magagawa.