Chapter 25

2917 Words
"Dito na lang tayo sa gilid, para kahit papaano mas tanaw natin," hila ko kay Sunny papunta sa gilid ng stage. "Dito na lang tayo," nakangiting aya ko kay Orwa at Rick. Sabay pa silang napakamot sa ulo. Kanina pa daw kasi masakit ang paa nila, paano ba naman kasi wala kaming ginawa ni Sunny kung hindi pagtingin at halos dalawang oras ata kami sa Watson, tapos itong dalawa nakasunod lang sa amin. Sila unang nag-aya na na gumala, sanay kami sa galaan kaya sorry sila. "Ang layo mo naman," nagulat pa ako matapos akong higitin sa bewang ni Orwa, nasubsob pa ako sa dibdib niya pero agad din akong umalis. Kakaloka naman ito, ang daming tao kaya dito. Sobrang daming tao ngayon, as in pati sa third floor ay ang daming nakaabang. Mabuti na lang talaga mediyo maaga kami dito, hindi man pinalad makapasok sa loob at least kahit papaano ay mediyo malapit at matatanaw ko rin si Marlo Mortel at si Seila Sandoval. "Mukhang hindi pa naman magtitimula, bumili muna kaya kayo ng pagkain?" Agad akong napatingin kay Sunny. "Gutom agad?" Panukso ko dito. "Ayaw mo ba?" Balik nito. Saglit akong natameme sa sinabi niya, sabagay gusto ko rin naman ng pagkain. "Dalawa na lang tayo," aya ni Rick kay Orwa. Ayaw pa sana ako nitong bitawan pero ako na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa bewang ko. "Basta 'wag kang makikipag-usap sa kahit sinong lalaki, ha?" Natawa naman ako. "Ano ka ba? Sino namang kakausap sa akin?" "Basta ipangako mo," napakamot pa ako sa kilay at tumango. "Oo na," matapos ko itong sabihin ay muling umaliwalas ang mukha niya, tinapik siyang muli ni Rick para ayaing umalis. "Tobrang bantay tarado ka ta jowa mo," sabay kurot nito sa bewang ko. "Malay ko ba diyan, akala mo naman may aagaw sa akin. Samantalang siya nga ang maraming babaeng nakapaligid," sagot ko at ipinatong ang dalawang siko sa harang. Bakit ba ang tagal mag-umpisa? Ang tagal nilang ipakita, kanina pa ako naiirita sa host na puro pasabik. "Ready na ba kayo?! Oh my God! Andito na ang lovable, jowable at ang boyfie ng bayan!" Halos malaglag ang puso ko sa sinabi niyang ito. Hindi pa man lumalabas si Marlo, gusto ko nang sirain ang harang para lang makalapit sa kaniya. Susme! Bakit ba ganito? Bakit nasa labas at nakatanaw lang ako? Hindi ba pwedeng mayakap ko siya. "Betty, ti Marlo ang una!" Excited na wika ni Sunny. Mabilis ang kabog ng dibdib at parang nalulula ako sa tilian ng mga tao, halos mapunit na rin ang labi ko sa sobrang ngiti. "Let's all welcome, ang pambansang boyfie Marlo Mortel!" "MARLO! I LOVE YOU!" Buong pwersa kong sigaw matapos nitong pumasok, nakakabinging sigawan at hiyawan ang maririnig sa paligid! Walang tigil ako sa pagtili, maging si Sunny ay kawawa na sa kakahampas ko. Ghad! Totoo na ba talaga 'to? Si Marlo nasa harapan ko? As in? Si Jhann Marlowe nakikita ko? Ayos lang talagang mamaos ako kakasigaw ng pangalan niya. Sorry Orwa, sa first love ko muna ako. "Ang gwapo niya, betty!" Kilig na yugyog niya sa akin. Nawala na ako sa sarili ko, maging ang tilian sa paligid ay wala na akong pakialam. Kahit pa sa tenga ko tumitili ang baklitang katabi ko, basta alam ko nakikita ko na siya sa personal. Nakakalungkot lang na hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na mayakap at magpa-picture sa kaniya. May mga sinasabi pa siya, pagpapasalamat at iba pa, pero nabibingi ako at hindi na makasigaw. Para akong nakalutang sa kalawakan at ang mga ngiti sa labi ko ay hindi ko talaga maalis. Matapos nito ay tumunog ang instumento ng kantang kaniyang kakantahin. Rinig ko pa lang ang unang beat nito, kumurot na kaagad ito sa puso ko. Nakangiti ako pero nalulungkot ako, isa sa favorite kong kanta niya. "Night after night i sit and pray that the day i fear would never come our way i pray that you will never have to go away one day the pain you're feeling it'll go away," Napakapit ako ng mahigpit kay Sunny, sa tuwing napapakinggan ko ito hindi ko mapigilan na maiyak. Tapos ngayon, naririnig kong kinakanta niya ng live, mas damang-dama ko ito. Ibang klase, sobrang ganda talaga ng boses niya. "Ma, I know that time goes by so fast. I wanna make our every moment last. Whatever it'll take, I'll take the chance. I'd give up everything to see you dance," Ramdam ko talaga ang bawat salita, sa tuwing naririnig ko ito palagi akong nangungulila sa pagmamahal ng isang ina. Dahil simula pa noon, hindi ko na siya nakilala at lalong hindi ako sigurado kung buhay nga ba talaga siya. "Oh Lord I pray, give her all the strength she needs Oh lord I pray, that she won't lose her faith no not a minute Lord I pray that you will never ever take her from me Not tomorrow, not today, forever she will stay," Sabay kong kanta sa kaniya, maging ang ibang andito ay naririnig ko ang pagsabay. Lalo pang humigpit ang hawak ni Sunny sa kamay ko, alam kong alam niyang paburito ko ang kantang ito. Nakita niya rin kung paano ako maging emotional sa kantang ito, sa part na ito ko lang aaminin na marupok ako. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko, hanggang sa matapos kasi ang kanta nakangiti at sumasabay ako. "Mabuti natanggal mo kaagad?" Agad akong nagpunas ng luha matapos marinig ang boses ni Orwa, tumitingin pa ako kay Sunny para itanong kung halata bang umiyak ako. Mabuti na lang at hindi namamaga ang mata ko. "Bakit ang tagal niyo?" Tanong ko pa dito. "May tinulungan akong babae," napatango na lang ako sa sinabi niya. "Sayang hindi namin naabutan si Marlo," agad akong napatingin sa stage. Ano ba 'yan! Hindi ko namalayan na umalis na siya, sayang talaga wala manlang kaming picture. Muli akong tumingin kay Orwa, nakangiti itong nakatitig sa mukha ko. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya ng masama. "Bakit sa akin ka nakatingin? Mukha bang nasa mukha ko ang stage?" Masungit kong tanong. Umirap pa ako bago kinuha ang coke float at fries na dala niya. "Wala lang, mas maganda ang pinapanood ko kesa sa pinapanood nilang lahat," nakangisi nitong sambit. "Ewan ko sa 'yo," sabay alis ko nang tingin, sa dalawang magkalandian na walang label naman ako tumingin. Ayon silang dalawa, parang nasa park at sila lang ang tao, lakas magharutan. "Harot!" Napainda pa si Sunny matapos ko siyang kurutin sa bewang. "Pakialam mo ba?" Nakataas na kilay nitong tanong. Hindi na ako nagsalita, umirap ako at sa stage na ulit tumingin. Hindi ko na alam kung anong nangyayari pero sobrang lakas nang hiyawan nila, talagang parang magigiba na ang building. Bakit ba kasi ang gugulo ng mga kasama ko? Hindi ko tuloy narinig ang next. Tumigil ang mundo ko at pati ang paghinga ko ay bilang na rin. Lalo pa akong nabingi sa sobrang ingay nang mga sigawan. "S-Seila Sandoval?" Nanginginig kong sambit. Hindi ko na nagawa pang makainom, halos umabot na sa labas ng universe ang ngiti ko. What the! As in si Seila? Wow! Sobrang ganda niya pala talaga. Kung anong kinaganda niya sa tv mas doble pa doon. Nag-uumapaw ang pagiging fan girl ko. Ang dalawa sa idol ko nakita ko sa iisang araw lang? Gusto kong sumigaw para sabihin sa kaniya na ako ang isa sa nanalo sa make-up challenge niya. Pero hindi ko magawa, sobrang tulala ako sa kaniya. Katulad kanina, may mga sinabi siya pero wala akong maintindihan sa sobrang ingay. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti, ang mga mata niya sobrang maamo, ang mga ngiti niya sobrang sweet. Wow talaga! "Mahal, baka mainin na 'yang inumin mo," bumalik lamang ako sa sarili matapos humigpit ang hawak ni Orwa sa bewang ko. Lutang akong tumingin sa kaniya. "Anong nangyayari sa 'yo?" Salubong na kilay nitong tanong. "Totoong tao ba si Seila? O isa rin siyang diwata?" Wala sa sarili kong tanong. Kunot pa rin ang noo niya at tumingin sa stage. Nanlaki pa ang mga mata niya at napatingkayad na parang may makati sa likuran niya o masakit. "Ayos ka lang ba?" Pag-aalala kong tanong at humawak sa pisngi niya. "A-ayos lang," utal nitong saad nito. "Bakit ganiyan ang itsyura mo?" Muli kong balik. Umiling lang siya at iniharap ang mukha ko sa stage. "Manood ka na," "Okay," tipid kong sambit. Ano kayang problema niya? Baka nagandahan din siya kay Seila? Sabagay, kung ako nga gandang-ganda sa kaniya. Mukha ba naman kasing diwata. Matapos nito ay si Lyka Sandoval naman ang pinakilala. Sa part na ito nawalan na ako ng gana, nagutom ako bigla kaya hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin. Hater na ba ako nito? Basta hindi ko lang siya trip, pero mukhang marami siyang fans kasi puro hiyawan ng lalaki ang maririnig. Sabagay, ang reviling naman ng suot. Naka-longsleeve pero sobrang kita ang cleavage, edi siya na ang meroon. Tumingin akong muli kay Orwa, hindi siya nakatingin sa akin at maging kay Lyka. Nasa malayo ang tanaw at parang malalim ang iniisip. "Huy! Bakit ang tahimik mo? Anong problema?" Tanong ko pa dito. "W-wala," aligaga pa rin ito. Halata ko ngiti nitong pilit lang, kasi iba ang normal niyang ngiti. Paanong hindi ko makikilala, sa araw-araw wala itong ibang ginawa kung hindi ang ngumiti. Baka napapagod lang siya kaya ganito, naawa naman tuloy ako bigla. "Uwi na tayo?" Aya ko kay Sunny. Hinawi lang nito ang kamay ko at tumingin muli sa stage. "Si Lyka lang 'yan," muli kong bulong. "Alam ko, pero ayoko pa muna. Ang aga pa kaya," sagot pa nito. Magala talaga 'to, hindi napapagod, eh. Samantalang kanina pa kami palakad-lakad, kahit kaya ako ang sakit na ng paa. "Bakit? Anong ganap?" Walang muwang na tanong ni Rick. "Gusto na niyang umuwi," sagot naman ni Sunny. "Mamaya na, maaga pa naman," sabi ko na nga ba, iisa lang ang sagot nila. Sa lahat talaga sa gala sila nagkakasundo. Dahil ayaw ko naman na masira ang moment nila, tumahimik na lang ako at tamad na nanood. Bakit si Lyka ang tagal? O baka tinatamad lang talaga akong panoorin siya? Ang bitter ko naman masyado, sana pati si Marlo Mortel at Seila Sandoval ganiyan din katagal sa stage, saglit lang silang dalawa. Asaan kaya sila? Sa Backstage? "Siya iyong babaeng tinulungan ko kanina, kasali pala siya sa papnoorin mo?" Agad akong napatingin kay Orwa. "Bakit ano bang nangyari?" Salubong na kilay kong tanong. Suntukin ko 'to tingnan mo, ano kayang tulong ginawa niya dito? Kaya pala natagalan, mukhang natuwa sa mabundok na view. Mahilig din ata to mag-hiking, gusto ang mga malalaking bundok. "Naipit ang takong ng sapatos niya, tinulungan ko lang siya tanggalin," paliwanag nito. Napanguso ako at tumango. "Siguro ka bang 'yon lang?" Intriga ko pa dito. Muli siyang natawa at itinaas ang dalawang kamay. "Oo nga, promise," natatawa nitong saad. Mabuti naman at bumalik na siya sa sarili niya, mukhang sinapian kanina. Muli siyang lumingkis sa bewang ko at hindi ako binitawan, ang ulo niya ay nakadikdik sa leeg ko. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit ayaw niyang manood, sumama pa siya kung ganito lang gagawin niya. Pero okay na rin na kasama siya, magmumukha naman kasi akong third wheel sa mahaharot na walang label. Pati sila magkayakap na parang nasa park, hindi rin naman nanonood. Hindi naman kami haters ni Lyka, sadyang di lang namin siya bet. Siguro dahil jowa siya ni sir Tyron noong crush ko pa siya. Pero andito si Lyka, malamang andito ngayon si sir Tyron. Imposibleng hindi siya manonood sa jowa niya, baka nga proud na proud pa siya. Pasimple kong iginala ang paningin ko sa paligid, baka kasi makahalata itong si Orwa biglang palipitin ang leeg ko. Napakunot pa ang noo ko matapos makita si sir Tyron, nasa loob siya at hawak ang Dslr camera niya. Pero ang pinagtataka ko, sa amin nakatapat o masasabi kong sa akin. Mukha atang napansin na niyang nakita ko, dahil agad niya itong ibinaling sa harapan. Hinintay ko kung titingin siya sa akin, pero hindi. Naging abala siya sa pagkuha nang litrato sa paligid, baka naman feeling lang ako? Baka naman nasaktuhan na sa pwesto namin kinukuhanan? Baliw talaga ako, feeling model para kuhanan ng picture. "Taan pa ba tayo gagala? Kapag tapot nito?" "Anong gagala? Uuwi na, mukha kang gala," irita kong sagot. "Nag-aaway na naman ba kayo?" Awat ni Rick, napaangat naman nang tingin si Orwa, sa wakas naman at umayos na rin nang tayo. "Pagod ka na ba? Gusto mong buhatin kit–" "Wag na!" Awat ko dito matapos tangkain na buhatin ako. Kakaloka 'to, talagang dito niya pa naisipan na buhatin ako? "Uuwi naman na tayo," dagdag ko pa. "Sigurado ka ba?" May pag-aalala sa boses nito. "Kaya niya 'yan, arte lang 'yan," sabat pa ni Sunny. "Noo mo arte," bawi ko dito. Umirap lang ito at ibinaling na lang ang tingin sa harapan. "Tapot na pala?" Gulat na tanong nito, maging ako ay napatigin. "Oo nga 'no? Kaya pala lumuwag?" Dagdag ko pa. Puro kami daldal, hindi manlang namin napansin na tapos na ang event. "Kapag ba tapot na lumuluwag?" Manyak nitong tanong. "Sunny! Bunganga mo kamo, walang pinipiling lugar, eh!" Bulyaw ko pa dito. Kahit saan di matigil, eh. Aba bakit niya sa akin itatanong, malay ko ba. Lumuluwag nga ba? "Ayan na, nagtatalo na naman kayo. Umuwi nga lang tayo," awat muli ni Rick. "Kaya nga, puro na lang ako bangayan," sabat naman ni Orwa. Tinaasan ako ni Sunny ng kilay at ganoon din ako, lakas ng tama nito. Feeling ko talaga may dalaw ito ngayon. Dahil sa ganito talaga kami, parang aso't pusa, hindi kami naawat ng dalawa. Puro na lang sila kamot sa ulo. Kasi kahit sila inaaway namin, kanina pa ito si Sunny kasi. Ang sungit akala mo matandang naiingayan sa mga bata. "Tige na, Ingat kayo," malamig at masungit na paalam nito, matapos kaming ihatid sa sakayan. Kahit ganito 'to, love na love ko siya. Kahit ang sarap balatan ng buhay minsan, pati ang kamanyakan niya. Sa tingin ko, kailangan ko siyang pagsabihan na dapat ay malinis ang utak. Palaging inosente dapat, katulad. Sobrang inosente. "Bakit palagi kayong nagbabangyan?" Tanong pa ni Orwa, matapos naming makasakay. "Ganito lang talaga kami, pero hindi kami nag-aaway talaga," sagot ko pa at muling humiga sa braso niya, pinisil-pisil ko pa ang muscle sa braso niya. Nakaka-miss kapag ganito kami, tuwing pumapasok sa trabaho. Ang harot, isang araw pa lang naman 'yon. Malay ko ba sa sarili ko, basta natutuwa ako. Matagal ang byahe kaya kahit papaano ay nakakaidlip ako sa braso niya. Nakakapagod talaga, ang sakit sa balakang pati nga paa ko sumasakit na. Si Sunny kaya? Malamang pagod rin 'yon, gusto ko sanang itanong kung nakauwi na ba sila. Pero tinatamad ako, alam kong kasama niya si Rick, safe na safe siya. Maliban na lang kung may dala silang protection. Matapos makarating sa bahay, agad akong sumalampak sa sofa. "Grabe! Nakakapagod!" Nakapikit kong sambit. Ang sarap mailapat ang katawan sa malambot na sofa, maging ang paa ko pagod at nangangalay na. Si Orwa, hindi ko alam kung nasaan. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, buhatin na lang kita," halos tumalon ang puso ko sa gulat matapos ako nitong hubaran ng sapatos. "Anong ginagawa mo? Baka mabaho ang paa ko," hila ko pa, pero hindi niya ito binitawan. Nakakahiya naman, baka bigla itong mahimatay at bukas ipangarap na maging orchid ulit. Ghad! Ano bang amoy ng paa ko? "Hindi naman mabaho," tumingala ito at ngumiti. Susmaryosep lola! Bakit ba ganito ito ngumiti sa akin? Feeling ko tuloy ako si Cinderella sa ginagawa niya, lakas maka-prince charming nito, eh. Dalawang sapatos at medyas ko na ang natanggal niya, ang akala ko doon lang ito matatapos pero nagulat ako matapos niyang imasahe ang pagod kong paa. Napainda pa ako dahil sa sakit, pero hindi tumatagal ay guminhawa na rin. Nakatitig ako sa kaniya habang patuloy niya itong ginagawa. For the first time in forever, ngayon lang may taong gumawa nito sa akin. May taong humawak ng paa ko maliban kay lola, ngayon lang may humilot nito. Hindi maipaliwanag ng puso ko ang pakiramdam, sa sobrang saya gusto kong umiyak. Pero ayokong makita niya ito, ayokong makita niyang mahina ang loob ko. Hindi ako sanay na may taong makakakita na mahina ako, ayoko na makita niya ang totoo kong emosyon. "Kung yelo ako, baka tunaw na ako ngayon," agad naman akong napaiwas. Nagda-drama na ako, tapos puputulin lang niya? Mabagsak na sana ang luha ko, pero tinawanan lang ako? Kakaloka! "Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko mula sa seryoso kong boses. Sa puntong ito, naramdaman ko ang pagbagal niya sa paghilot sa paa ko. Ilang saglit pa ay muli akong tumingin sa kaniya at nagbabakasakali na marinig ang sagot, pero wala. Na natili siyang tahimik at hindi nakatingin sa akin. "Bakit, Orwa? Kasi kung nabuhay ka dahil sa akin, pwede mo naman itong tanawin na utang na loob. Hindi 'yong halos lahat gawin mo na para sa akin," tanong kong muli. Gusto ko ring malaman kung bakit niya ito ginagawa. "Dahil ito ang gusto mo, ito ang..." Naputol siya sa pagsasalita at dahan-dahang humarap sa akin. Ang mga mata nito ay punong-puno ng lungkot at pagsusumamo. "...ito ang isa sa mga kahilingan mo," sagot nitong bumasag sa katinuan ko. Kahilingan ko? Saang kahilingan? Anong sinasabi niyang ito ang gusto ko? Ano bang alam niya na hindi ko maalala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD