Hindi pa man tumutunog ang alarm clock ay maaga akong nagising, sa sobrang excited ko nga feeling ko hindi ako nakatulog. Maaga pa at mamaya pang 11:00 ang alis namin, pero wala pang alas-otso ay gising na ako.
Excited akong tumayo at nakita ko si Sunny na tulo laway pang natutulog,malapit na ang birthday nito, mukhang magandang i-post ang mukha niyang ganito. Tutal babawi lang ko sa ginawa niyang pag-post ng mukha ko noong natutulog ako sa jeep at nakahiga sa balikat ng lalaking hindi ko kilala.
Dahil sa mala-demonyo kong utak, kinuha ko ang cellphone ko at agad itong kinuhanan ng picture. Ano ka ngayon? Ako naman ang babawi sa ginawa mo sa akin.
Dahil maaga pa naman hindi ko na muna siya ginising, mamaya na lang din ako maliligo. Gusto kong magkape ngayon, si Orwa kaya gising na?
Nagmumumog muna ko bago lumabas, tama nga ako. Gising na si Orwa, ang lupit nito wala namang pasok tapos ganito pa rin siya kaaga magluto.
Mabuti pa itong orchid na naging tao responsible, samantalang ako walang alam lutuin tapos hindi pa maaga gumising, grabe naman. Feeling ko siya ang tao sa aming dalawa.
"Goodmorning," bati ko dito at muli siyang niyakap mula sa likuran. Mukhang nawili na ako sa ganitong gawain, may suot siyang t-shirt ngayon. Pero kapag kaming dalawa lang palaging short ang suot minsan boxer pa.
"Ang aga mo namang nagising?" Umangat ako ng tingin, focus pa rin siya sa ginawa niya. Dahil nakaramdam ako ng konting hiya, bumitaw ako at sumandal sa ref para tumingin sa kaniya.
"Excited lang akong gumala," masaya kong sambit.
"Hindi ka ba aantukin mamaya?" At sa wakas ay ibinaling na rin niya ang tingin sa akin.
"Hindi naman, baka nga hindi pa ako makatulog mamaya," natatawa kong dagdag.
Tumigil siya sa pagluluto at pinatay ang kalan. "Ngayon ba? Maayos naman ang tulog mo?"
"Sakto lang," sabay pakita ko ng kamay.
"Ikaw talaga, atat ka lang makita ako," nagulat pa ako matapos nitong higitin ang bewang ko para ilapit sa kaniya, agad akong napahawak sa leeg niya.
"Sayang, may bisita kasing makakakita," bulong nito. Napangisi pa ako at ipinatong ang dalawa kong siko sa leeg niya at nilaro ang buhok nito.
"Mediyo mahaba na ang buhok mo," kumento ko. Napatingin naman ako sa pilyo nitong ngiti, ayan tayo, eh. Mag-uumpisa na naman siyang mang-asar.
"Mahaba talaga, matagal na," taas-baba pa nito ng kaniyang kilay.
"Baliw ka talaga," pilit kong awat sa ngiting lumabas sa labi ko. Hinampas ko siya sa braso at agad na kumawala.
Mag-uumpisa na naman siya ng pang-aasar at pang-aakit sa akin, mabuti na lang talaga at matatag ako. Akala ba niya madadala niya ko sa mga ngisi niya at sa mabaha? Duh! Mahaba, gaano kahaba? May ruler ba siyang dala kapag humahaba? Bakit hindi niya sabihin kung anong sukat?
"Magdidilig na lang ako ng halaman," sabay irap ko dito.
"Gusto mo pati ikaw diligan ko?" Muling banat nito.
"Che! Basto mo," salubong na kilay kong saad.
Agad akong umalis doon at lumabas. Mukha mo, didiligan ako. Duh! Mamaya na lang kapag umalis na ang mga bisita, sabi mas maganda daw magdilig kapag Gabi o kaya madaling-araw.
Ano ba 'yan! Ang aga-aga puro na lang kalaswaan ang nasa utak ko, ayoko pa naman ng mga ganito, sobrang tino ng pag-iisip no at walang kahit anong bahid ng kamanyakan.
I'm so very inosente.
Dahil maaga pa at tulog ang dalawa, ako na lang muna ang magdidilig sa mga tanim ni Orwa. Ang hilig talaga nito sa mga bulaklak, paano naman ang sa akin? Bakit hindi niya rin alagaan? Charot.
Ninanamnam ko ang pagdilig sa mga halaman matapos mapahinto sa isang bagay, napatigil ako at sumilip sa gilid. May kanina pa kasing pabalik-balik na sasakyan, hindi ko alam kung ito ba ang tinutukoy ng mga chismosang kapitbahay.
Sumampa ako sa isang bato para mas Makita ko ito, tinted masyado ang salamin. Mukhang ayaw ipakita ang mukha. Pero sino naman ito? Dapat na ba akong matakot? May nagmamatyag sa bahay? Kung magnanakaw ito, hindi ba dapat mas maawa siya sa akin? Mabuti pa nga siya may sasakyan, eh.
Hindi na ako bumalik sa pagdilig, inabangan ko ang pagbabalik nito. Nakita ko naman ng paglabas ng bahay nila manong dodong at an ibang tambay. Siga silang nakaabang sa labas. Ngayon mas mabilis na ang t***k ng puso ko, halos kapusin ako nang bumalik ito.
Pero ngayon hinarang na sila nila mang Dodong, napahawak pa ako sa dibdib ko matapos na kalampagin nila ang sasakyan at pilit na pinapalabas ang nasa loob. Pero matigas sila, ni ayaw nilang buksan o makipag-usap manlang.
Ilang saglit pa ay mabilis nitong pinaharirot ang sasakyan palayo.
"Loko 'yon ah!" Bulyaw pa nito.
My God! Totoo nga talagang may sasakyan na nagpapabalik-balik sa labas ng bahay, pero sino naman ang mga 'yon?
Marami na sila ngayon sa labas at nag-umpisa na ang bulong-bulungang. Napalunok pa ako para lang kumalma ang puso ko, matapos at lumabas na rin ako para makipag-usap at magpasalamat sa kanila.
"Ipa-blotter po na sila, kaysa naman ganiya na pabalik-balik lang sila. Mamaya mapahamak ka pa, o kayo ng asawa mo," payo pa ni manang Salina.
"Kaya nga po, sa lunes na lang po siguro. Pero salamat pa rin po," mabuti na lang pala may mga kapitbahay ako. Kahit pa puro sila chismis at puro tong-its maasahan pa rin, kahit itong mga pasaway na tambay.
Nagpaalam na ako sa kanila, habang sila patuloy ang pag-uusap. Hindi ako masyadong close sa kanila, bihira lang kasi akong lumabas at hindi ako sanay na may ibang kausap.
"Sunshine," halos mapatalon pa ko sa gulat nang biglang sumulpot si lola Remejos.
"Nakakagulat naman po kayo," saad kong nakahawak sa dibdib.
"Pumasok po muna kayo," aya ko dito.
"Hindi na, saglit lang din ako. Ihahatid ko lang itong dala ko, umuwi na ang anak ko galing sa Japan. May dalang mga sabon, sa 'yo na itong iba. Maganda daw 'yan, para mas lalo kang pumuti. May feminine wash din d'yan. Sakto para sa inyo," natatawang saad nito.
"Salamat po," pilit kong ngiti.
Ghad! Mabait din pala si lola Remejos, sabagay kahit dati na masungit siya kapag may ulam siya binibgyan ako. Pero piro sermon muna na bakit hindi ako mag-aral magluto.
Pero kakaloka ang feminine wash daw na bagay sa amin. What the! So anong pinapalabas niya? Na dapat gamitin ko iyon para mabango? Shems! Bakit ako kinikilabutan? Haayyy! Bakit ba puro na lang sila ganito? Pero wala namang masama, gusto kong i-try.
Pagpasok ko sa loob, nagulat pa ako ng makita si Sunny at Rick na nakaupo.
"Gising na pala kayo?" Kumunot naman ang malapad na noo ni Sunny sa tanong ko.
"Malamang, tulog pa ba kami ta tingin mo?" Masungit na sagot nito. Sungit naman nitong bulol na 'to. Kapag bagong gising ba ang malalapad na noo ganito kasungit? Ano pa kaya kung pinakita ko sa kaniya ang picture niyang tulo laway?
Hindi na ako sumagot pa, mukhang masama ang gising ng babaeng iyon. Dumiretsyo na ako sa kwarto at inilapag sa drawer ko ang isang plastic na bigay ni lola Remejos. Sayang, bakit walang chocolate na ibinigay?
Bago ako lumabas naghilamos muna ako, mukha na akong madusing. Paglabas ko naabutan kong nasa kusina na sila, mukhang atat ng mga kumain.
"Kaya pala masungit gutom na," natatawa kong wika. Umirap lang ito, si Rick naman ay natatawa lang. Ang galing lang, kahit na nakikita nitong si Rick ang ugali ni Sunny hindi pa rin tumitigil sa panliligaw, at talagang taon pa ang inabot.
"Dito ka na mahal," alok ni Orwa sa isang upuan. Ngumiti ako at dahil sa mabait at masunuring nilalng ako, doon ako umupo sa tabi niya. Pwede landing na lang?
Sinigang na baboy ang ulam, at talagang kahit na si Sunny na bad mood ay kinilig sa sabaw. Bumalik ang kaniyang sigla, sa isang sinabawang baboy. Gutom nga tang kaya ganoon na lang kung magsungit.
"Mabuti pa siya Betty, marunong magluto," wika pa nitong sunod-sunod ang higop.
"Paano ba maging ganito? Para naman kapag mag-asawa na kami magaling din akong magluto?" Halong mabilaukan ako sa tanong ni Rick, napatingin pa ako kay Sunny. Mukhang hindi lang sa sinigang kinikilig. Pati sa mga sinabi ni Rick.
"Hayaan mo, ituturo ko sa 'yo sa susunod na bumalik kayo dito. Lahat ng mga paburitong pagkain ng mahal ko, alam kong lutuin," napatingin naman ako kay Orwa, mapait akong ngumiti. Ghad! Bumabalik sa akin ang mga sinabi ko kay Sunny. Okay, sige na aaminin ko na. Pati ako kinikilig, pero konti lang mga 99.9% na kilig lang.
"Kaya naman pala ganiyan si Sunshine, parang palaging nagsa-shine. Alagang-alaga pala," biro pa nitong si Rick. Susme! Nasa harapan tayo ng pagkain.
"Kaya nga tumataba na, mat malaki pa ang tiyan keta ta dibdib," bawi pa nitong si Sunny. Aba! Pasalamat siya, kapag ako bumawi pikon naman ito.
"Ayos lang, meroon naman akong mga..." Sabay pakita nitong muli sa kaniyang mga kamay. Dahil dito ay nagsimula na naman silang magtawanan. Wow lang talaga, ako na naman ang bida ngayong umaga. Ang galing naman talaga.
"Oo na, tutal dito kayo nakitulog. Kayo ang maghugas ng plato," turo ko pa sa kanilang dalawa. Sabay pa silang umiling-iling at agad na tumayo.
"Bisita kami," sabi pa ni Rick at sabay silang nagtungo sa salas, napairap ako at tumingin kay Orwa.
Tinatamad akong maghugas ng plato ngayon, iyong dalawa naman tamang eat and run lang.
Kumurap-kurap pa at nagpa-cute kay Orwa, mukhang effective naman dahil hindi pa ako nagsasabi ay siya na ang nagligpit.
"Dahil sa ginagawa mo, may magic kiss ka," agad akong tumingkayad para halikan siya sa pisngi pero wala sa labi. Hindi pa ako nag-toothbrush tapos kakakain lang namin.
"Sobra na ah? Sabi ko na nga ba gustong-gusto mo ako," biro pa nito.
"Ewan ko sa 'yo," sabay walk-out ko.
Kinilig na nga ako sa ulam pati ba naman siya? Sana kung pwede ko siyang ulamin mamayang madaling araw.
"Betty, dali may papakita ako. Wait lang Rick," sabay hila ko kay Sunny. Ang aga-aga magkalingkis na agad, dapat label muna bago harot.
"Ano ba 'yon?" Bulong pa nito matapos kong i-lock ang pinto, gusto kong siguraduhin na walang makakapasok.
"May ipapakita akong picture," sagot ko dito at pinaupo siya sa kamay. Muli kong binuksan ang box at kinuha doon ang gamit ni lola.
"Tingnan mo 'to, sa tingin mo ba nanay ko 'yan?" Tanaw ko naman ang pagkunot ng noo niya habang nakatitig sa picture, binaligtad niya rin ito at nabasa ang sulat sa likuran.
"Pwedeng buhay ang nanay mo?" Salubong na kilay na tanong nito.
Mabilis ang kabog ng dibdib ko at para akong kinabahan na ewan, dahil siguro ito sa usapan namin. Parang hindi ako mapakali.
"Sa tingin mo ba?" Wala sa sarili kong tanong.
"Kung makikita natin ng tattoo, pero hindi naman natin kayang tingnan ang tagiliran ng lahat ng tao," buntong hininga nitong saad.
Bumagsak ang balikat ko at kinuha sa kaniya ang picture.
"Sabagay, pero kung makikita ko siya. Baka masagot niya lahat nang tanong ko," malamlam akong tumingin sa kaniya. Pati ang mga mata nito ay may lungkot na makikita.
Natatakot man ako sa mga maaring mangyari at sa mga malalaman ko, pero simula noong nakita ko ang picture na ito. Hindi na ako pinatahimik, hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko nakikita ang babaeng nasa picture at ang sagot niya sa mga katanungan sa pagkatao ko.