Sumapit ang dapit-hapon. Wala akong magawa, nakatambay lang ako sa labas habang nakatingin sa mga tanim naming halaman. Simula noong dumating si Orwa, napuno na ng mga halaman ang bakuran. Mas maganda at mas magaan daw sa pakiramdam ang mga bulaklak. Mas dumami nga lang ang aalagaan namin. Halaman siya kaya malamang sa malamang ay nais niya na napapalibutan siya ng mga ito. Kung maaari nga lang baka sa bundok na kami tumira.
Pero habang nakatingin ako sa mga halaman na ang sabi ni Orwa ay nagpapasaya, bakit ganoon? Mas lalo akong malungkot? Susme! Tig-drama ba ngayong araw? Bakit ang drama ko na masyado? Kailangan talaga makahanap na ako ng trabaho, hindi ako pwedeng mag-isa. Kung anu-anong drama ang nasa utak. Sana nga lang may makita kaagad ako. Malamang kung tatagal pa akong ganito, baka naman pati pagsasalita mag-isa magawa ko na. Sa bagay, matagal ko naman na ginagawa iyon.
Bumalik lang ako sa sarili ko, matapos marinig ang cellphone kong tumutunog. Tiningnan ko ito, number ito ni Mayora, napa-irap ako at hindi na ito binigyan pa ng pansin.
In-off ko ang sim bago pumasok sa loob ng bahay. Bahala na sila sa buhay nila, basta nagpasa na ako ng resignation letter. Tapos na ako sa kanila, ayaw ko na magkaroon pa lalo nang sakit ng ulo. Tama na ang mga kalokohan na ginawa nila sa akin noon.
Pero, paano kaya kung sa halip na mag-drama ako, bakit kaya hindi ako maglinis ng bahay? O 'di kaya ay hanapin ko ang isang orchid petals na natanggal sa likod ni Orwa? Ano kaya doon ang mas magandang gawin?
Tumungin pa ako sa paligid na akala mo'y may nagmamatyag sa balak kong gawin. Bakit? Bahay ko naman ito, wala naman akong ibang gagawin. Hindi ko naman papakialaman ang mga gamit niya, may hahanapin lang ako. Wala naman akong guguluhin, may gusto lang akong makita sana. Hindi ko naman sisirain ang bagay na yon kung sakali man na makita ko.
Napalunok pa ako matapos hawakan ang doorknob, hindi ko alam kung bakit mabilis ang kabog ng lintik na pusong ito. Parang tanga, kabog nang kabog wala naman dapat ika-kaba.
Pagbukas ko, bumungad na agad sa akin ang mabago niyang amoy. Malinis at maaliwalas ang kwarto niya, bigla tuloy akong nakaramdam nang hiya sa kwarto ko. Tapos palagi pa siyang pumapasok at natutulog, samantalang sobrang linis ng kwarto niya.
Saan kaya galing ang pabango niya? Siguro may nagbigay sa kaniya, wala pa akong binibigay na pabango sa kaniya, eh. Mukhang may kabit siya, yari 'to sa akin talaga.
Dahan-dahan pa akong naglalakad papasok sa loob, may isang drawer dito. May lola ito noon, pero bago pa ito. Kapapadala lang ito ni tita Ezmerla isang linggo namatay na si lola, kaya simula noon itinabi ko na ito dito. Mukhang maingat naman si Orwa sa gamit, mukhang mas maingat pa nga ito sa akin.
Umupo ako sa kama at iginapang ang mga kamay sa kama. Naalala ko pa noon, dito kami ni lola natutulog, tabi pa kami.
Bago ako mag-umpisa sa bagong drama, binuksan ko ang drawer na pinaglalagyan ng mga gamit ni Orwa.
Napatikom pa ako ng bibig habang iniisa-isa ang mga gamit, mga damit na binili ko lang ang andito. Saan niya kaya iyon nilagay? Imposibleng dala niya iyon palagi, o baka naman itinapon na niya?
Pero hindi uso sa akin ang pagsuko, dahil maliit lang iyon baka nakasiksik lang sa isang sulok.
Maingat ako sa pag-alis ng mga damit niya, baka kasi mahalata niya ito mamaya. Isipin pang pinakialaman ko mga gamit niya, kahit totoo.
Halos mapunit ang bibig ko sa pagngiti matapos makita ang isang isang maliit na box, malamang dito niya inilagay ang isang petal na nalagas mula sa kaniyang likuran.
Umayos pa ako ng upo ay ipinatong sa aking binti ang box na ito. Huminga ng malalim at dahan-dahang binuksan ito.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, kinalabahan na natutuwa dahil sa orchid petal na nasa loob, gusto ko mang pigilan ang sarili kong huwag itong kuhanin, pero parang may mahika itong tinatawag ako.
Nakauwang ang bibig at talagang namamangha ako sa itsyura nito. Pero halos mabitawan ko ito dahil sa gulat, ang kulay red na kulay nito ay biglang napalitan ng kulay puti. Lalo akong napatitig dito matapos may isang kakaibang sulat ang nakatatak dito. Hindi ko maintindihan dahil ibang klase ang pagkakasulat dito.
Anong nangyari? Bakit naging kulay puti? Para saan ba talaga ito? Taena, sumasabog na talaga utak ko. Masyado akong pakialamero, ayan tuloy kung anu-anong tanong na ang nasa utak ko. Dumagdag pa itong kakaibang sulat, pwede naman na hindi ganito para kahit papaano ay alam ko ang ibig sabihin.
Kinuha ko ang cellphone ko ay kinuhanan ito ng picture, pero ang weird dahil hindi makuhanan ng camera ang sulat. Susmaryosep! Paano ko ito hahanapin sa internet? Hindi naman ko pwedeng palaging tingnan ang gamit ni Orwa, mamaya makahalata na siya.
Muntikan ko na naman itong maitapon dahil sa gulat, sino ba kasing grabe kung makakalampag sa gate.
Dali-dali ko itong ibinalik sa lalagyan, maging ang mga gamit ni Orwa, ibinalik ko ito sa tamang lugar. Baka biglang magtaka ito na iba-iba na ang ayos ng dalitan niya, tapos pagbintangan pa akong pakialamera.
"Sandali!" Sigaw ko dahil halos gibain na niya ang gate namin.
"Sunshine, halika bilisan mo," napairap akong muli, susme! Akala ko naman kung sino na ang naghahanap sa akin. Ito lang pa lang mga chismosang kapitbahay ko.
"Bakit te? Matutulog pa naman ako," sumplada kong sagot matapos buksan ang gate.
"Alam mo ba na may kanina pang pabalik-balik na sasakyan? Tapos tumatanaw sa bahay niyo?" Napasalubong pa ang kilay ko at sumandal sa gate.
"Baka naman naghahanap lang ng paupahan? Sana sinabi niyong hindi ako nagpapaupa dito," napakamot pa sila sa ulo at sabay-sabay na umiiling.
"Noong nakaraan pa namin napapansin 'yon, kaya mag-iingat ka. Mukhang may nagmamatyag sa inyo ng asawa mo," ani Lalita.
"Sino naman? Wala naman akong o kaming kilala na mayaman, baka nagkakamali lang kayo. Kapag nakita niyo ulit sabihin niyo na may nakatira dito at hindi kami nagpapaupa. Sige na, matutulog na ako," paalam ko sa kanila at isinara na ang gate. May susi naman si Orwa, kung uuwi siya mamaya buksan niya na lang.
Kung anu-ano na namang naiisip ng mga 'yon, sasakyan na pabalik-balik sa tapat ng bahay? Sino naman 'yon? Wala naman akong kilala na mayaman, kahit si Orwa. Malamang hindi siya tao, baka wala na silang topic kaya pati ang mga sasakyan na dumadaan balak gawan nang kwento.
Pero wala akong panahon para sa ganiyan, hindi active ang chismosa kong kaluluwa. Curious pa rin ako sa nakasulat doon sa petal na galing kay Orwa, ano kayang ibig sabihin noon? Mukhang si Orwa lang ang may alam.
Bumalik ako sa kwarto ko para sana matulog, pero kahit anong position at kahit anong ikot ko, hindi ko makuha ang antok. Pero bakit kanina sa kwarto ni Orwa, inaantok ako? Ano kaya kung subukan kong matulog doon? Tutal mamaya pa namang gabi siya uuwi, gigising na lang ako para hindi niya malaman na doon ako natulog.
Walang alinlangan akong pumasok sa kwarto niya at agad na humiga, napapikit pa ako at yumakap sa unan. Ang bango talaga, feeling ko andito lang si Orwa. Habang inaamoy ko ang unan niya, para akong kinikiliti, ang landi ko talaga. Amoy na nga lang pinagnanasahan ko pa, kakahiya talaga kung andito pa siya, baka lalo pa akong tuksuhin at asarin.
Sobrang komportable sa higaan na ito, mukhang dito nga ata ako makakatulog ng maayos. Gigising na lang ako bago pa siya dumating.
Kumunot ang noo ko at napakusot pa ng mata. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, nanlalabo pa ito pero tanaw ko ang isang lalaking masayang nakatingin sa akin. Nakatagalid siya ay nakahiga sa kaniyang braso. Maganda at maaliwalas ang ngiti nito.
"Nagising ba kita, mahal?" Malambig nitong tanong at hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha.
Ilang saglit pa ang itinagal kong pagtitig sa kaniya, bago ko napagtanto na si Orwa pala ang nasa harapan ko.
"O-Orwa? Nakausi ka na pala?" Gulat kong tanong at agad na napaupo. Shet! Anong oras na ba? Masyado bang napasarap ang tulog ko?
"Maaga kaming pinauwi, kasama ko si Sunny at Rick, andoon sila sa kusina," napahilamos pa ako ng palad ko matapos itong marinig. The hell! Nakakahiya, naabutan pa niyang natutulog ako sa kama niya. Bakit hindi manlang ako nagising?
"Bakit nga pala dito sa kwarto ko natulog?" Napadilat ako at tumingin sa kaniya na nakatayo na ngayon.
"Kwarto kasi ito ni lola, na-miss ko siya kaya dito ako natulog, di ko naman alam na uuwi ka na pala," paliwanag ko habang patayo. Ano ba naman kasing pinagagawa ko, bakit hindi ako nag-alarm at nakagising ako.
"Sige na, puntahan mo na sila," utos nito at agad akong hinalikan sa noo.
Kahit pa parang lutang dahil sa bagong gising nga lang ako, ay lumabas ako para puntahan ang dalawa na nagtatawanan sa kusina. Natigil lang sila matapos akong makita, ito na naman ang mga tingin nila daig pang mga judge sa sobrang judgemental.
"Ano? Bakit ganiyan kayo tumingin?" Masungit kong bungad at hinila ang isang upuan para doon umupo.
"Puyat ka? Mukha atang naka-istorbo kami," asar pa ni Rick.
"Ano pa lang ginagawa niyo dito?"
"Matama ba? Dito kami matutulog, bukat wala kaming patok kaya may gala tayo," napangiwi pa ako sa sinabi ni Sunny.
"Sakto, ikaw Rick doon ka na lang sa kabilang kwarto. Kaso di ko pa 'yon nalilinis. Ikaw Betty, doon na lang sa kwarto ko," sabay taas-baba ko ng kilay. Ayos ito, mukhang masaya ang ganitong bagay. Mabuti na lang talaga naisipan nilang dito matulog.
"Bakit? Hindi kayo tabi ni Orwa?" Mapanukso pang ngumiti si Sunny.
"Anong gusto mo? Tabi kayo ni Rick? Hindi pa nga kayo mag-jowa," bira ko naman dito. Nakita ko naman ang pag-irap ni Sunny at ang pagtawa ni Rick.
"Oo nga pala, wala nang trabaho sila Mayora. Dahil doon sa issue, tinanggal din sila ni Tyron," napatango naman ako sa sinabi ni Rick.
Ibig sabihin pare-parehas na pala kaming nga walang trabaho, wala ng toxic sa team maliban kay ms. Jen.
"Ang bilit mong umalit, ayan tuloy wala akong pagkain kanina," reklamo pa ni Sunny.
"Hala! Kamusta ka naman? Kumain ka na ba?" Taranta kong tanong, oo nga pala hindi ko siya nasabihan. Mamaya sumpungin na naman ito ng ulcer niya.
"Kumain na siya, may dala pa nga kaming pizza. Asaan na ba si Orwa?" Sagot ni Rick, habang iginagala ang paningin sa paligid.
"Ayan na pala, oh. Nagbihit lang pala," agad akong napalingon sa itinuro ni Sunny. Laglag panga akong nakatingin sa kaniya, ang gwapo niya sa gray v-neck shirt na suot niya.
Shems! Ayokong gumawa ng eksena, ngayong may mga bisita kami.
"Sandali lang, ipagtitimpla ko muna kayo ng juice," bungad nitong salita. Napalunok ako at umiwas ng tingin, taena talaga! Bakit ba gusto kong siya na lang ang gawin kong miryenda? May mga bisita ay may pizza dito, oh.
"Pero mukhang ibang juice ang gusto ni Sunshine," biro pa ni Rick.
Agad ko siyang kimurot sa tagiliran. "Loko ka!"
"Aruy! Mukhang mali ata ang punta natin," dagdag pa nitong betty ko.
"Ayos lang, may linggo pa naman," rinig ko pang biro ni Orwa, umirap ako sa kanila isa-isa. Duh! Pati ba naman dito ako pa rin ang trip?
Nakanguso ako habang nakahalukipkip, sila patuloy akong inasar. Susme! Ngayon hindi na lang si Orwa o si Sunny ang kalaban ko, pati na rin si Rick. Mukhang kasama na sa team nila para asarin ako.
Pero sorry sila, hindi ako marupok. Never akong naging marupok.
"Anong oras ba bukas 'yong mall show kamo?" Tanong ni Orwa habang inilalapag nito ang pitsel na may juice.
"Mga 4:00 pm daw, pwede pa tayong maggala," natawa naman ako sa sinabi ni Sunny. Susme! Wala talaga itong ibang alam gawin kung hindi ang gumala.
"Oo nga pala, nanalo ako ng gift certificate sa Potipot Island, sa 'yo sana ang isang ticket kaso wala si Rick," balita ko pa at nakisabay na sa pagkuha ng isang slice ng pizza, itinaas ko pa ang paa ko sa upuan, mas masaya at komportable kapag ganito.
"Ayos lang, ako na gagastos sa akin. Gusto ko rin namang sumama at baka naman sakali, Sunny," sabay kindat nito. Ito namang si betty ko, halos gusto ng lunukin pati ang baso. Susme! Kilig na kilog, eh.
"Pabebe pa kasi, hindi pa sagutin kung sasagutin," bitter kong saad. Napasinghal naman ito at umirap.
"Hayaan mo na, baka gusto niya sa Potipot Island na."
"Wag ka na nga, para kang tanga," maarte nitong hampas sa braso ni Rick. Susme! Hampasin ko ito ng bangko, eh.
"Arte-arte, lapad naman ng noo," agad ako nitong tiningnan ng masama.
"Keta naman tayo, malapad ang dibdib," halos mabulunan ang dalawang lalake, matapos itong sabihin ni Sunny. Feeling ko nga lumabas pa sa ilong ni Rick ang juice.
"Hayaan mo, sa Potipot may session tayo. Oplan palakihin ang dibdib," nanlaki pa ang mga mata ko matapos ipakita ni Orwa ang mga kamay niyang mahiwa raw.
Hindi ko na nagawa pang nguyain ang pagkain ko, nilunok ko ng buo ang pizza na nasa bibig ko. What the! Anong magaganap sa Potipot? Mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya.
Taena! Makipot na Potipot.
"Wala pa nga, namumula na si Sunshine," pilyong biro ni Rick.
"H-hindi no, umayos nga kayo," masungit ngunit kinakabahan. Susme! Bakit ba kasi ganito sila? Kung anu-ano na tuloy ang tumatakbo sa utak ko, sana naman dahan-dahan lang sila.
I'm so very inosente pa naman.
Tahimik akong nakikinig sa mga kalokohan nila, may mga sinasabi silang hindi gets ng inosente kong utak. Thanks God! Pinalaki ako ng lola kong may mabuting pag-iisip at ilayo nawa ako sa mga berdeng ilalang.
Sumapit ang gabi, sabay-sabay kaming kumain. Sobrang ingay ng mga tawanan namin, sobrang saya kahit papaano ay may maingay sa bahay. Kahit pa man puro ako ang inaasar, masaya pa rin akong nakasama ko sila.
Ayoko nang drama ngayon, basta bukas makikita ko na rin ang dalawa sa idol ko. Si Marlo Mortel at si Seila Sandoval, mukhang pati ata sa panaginip ko makikita ko ang magaganap.
Si Rick sa kwarto na lang ni Orwa matutulog, ano kayang gagawin nila? Hmmppp...I smell something, charot!
"Bukas mo na 'yan, ako na ang maghuhugas ng plato. Matulog na kayo," halos mapatalon ako sa gulat matapos sumulpot ni Orwa sa gilid.
Agad akong napahawak sa dibdib. "Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nanggugulat?" Irita kong tanong.
Saglit pa ay natawa ito. "Bakit ka ba kasi magugulat kaagad? Matulog ka na kasi, bahala ka kapag ako talaga nainis. Uungol ka dito," halos manindig ang balahibo ko matapos nitong ibulong ang dulo.
"Umayos ka nga! Andito sila Rick at Sunny," sabay hampas ko sa braso niya. Rinig ko na naman ang hagikgik niya.
"Ano? Hindi ka pa ba papasok sa kwarto?" Taas kilay nitong tanong.
"Oo na," sabay irap ko. Lakas din ng tama nito, kung kailan wala sila Sunny at Rick, hindi niya ginawa. Kakaloka! Parang ayoko muna tuloy pumasok sa kwarto, gusto kong makita kung gagawin niyang totoo ang mga sinasabi niya.
Pero syempre, mabait at marangal akong babae. Walang bahid na kamanyakan ang utak ko, sumunod ako sa utos niya. Pero bago pa ito ay agad akong lumapit sa kaniya para halikan siya.
Gusto ko sanang gawin ang ginagawa niyang higop kaso hindi ko kaya, ang hirap pala. Pero bakit siya parang sobrang dali.
"Goodnight," sabay takbo ko palayo. Ayokong maabutan niya ako, dahil yari na naman ako. Feeling ko naiinis na ang mga pader dahil ang hilig niya akong idikdik doon at saka halikan.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nagmamadali?" Kunot noong tanong ni Sunny. Oo nga pala, nakalimutan ko na kaagad na andito siya sa kwarto ko.
"Wala, may kisser monster sa labas," biro ko pa habang mahinang natatawa.
"Nakt, tagana ta halik. Kaya pala parang namamaga na ang labi," biro pa nito. Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso ay pinausog.
"Oo nga pala, may chika ako. Alam mo ba nakita ko na kanina ang orchid petal tapos naging white," bulong ko pa dito, agad kong kinuha ang cellphone at ipinakita sa kaniya.
"Tapos may nakasulat pa diyan, kakaiabang sulat nga lang. Hindi ko maintindihan, pero hindi siya nakukuhanan ng camera," dagdag ko pa dito. Kumunot naman ang noo niya at kinuha ang cellphone ko.
"Ano naman kaya ang nakatulat? Tayang hindi ko makita,"
"Andoon kasi siya, hindi ko naman makuha. Baka kasi hanapin niya,"
Sabay pa kaming napa-iling. Gusto ko rin sanang ipakita sa kaniya, pero kasi naman andoon rin si Orwa. Magmumukha akong pakialamera, ayaw din naman niyang sabihin sa akin kung bakit naglalagas ang orchid petals sa likod niya. Pero hindi ako susuko, malalaman ko rin ang lahat. Pati ang nakasulat doon, kahit anong language pa 'yon, aalamin ko talaga.