Chapter 22

1966 Words
Agad akong nagising sa ingay ng alarm clock. Ano ba 'yan, wala na nga akong trabaho tumutunog pa. Matapos ko itong itaob ay muli akong umayos ng higa, ano bang ganap kagabi at parang puyat ako? Napadilat ako at tumingin sa suot ko, maayos naman ito. Walang nangyari? So puro lang kami halikan kagabi? Ano ba 'yan. Hina naman nitong si Orwa, ang galing magpigil, eh. Dahil sa pag-iisip ng mga bagay na hindi naganap, hindi na ako nakaramdam pa nang antok. Tamad na tamad akong umupo at inayos ang buhok kong gulo-gulo. Sigiro gising na si Orwa ngayon, may pasok pa pala siya. Tumayo ako at napukaw ang attention ko ng binili kong gamit, hindi ko pala naibigay sa kaniya ang relo. Grabeng tamang hinala naman kasi nito, tapos feeling ko maga na labi ko kakahigop niya. Orwa the higop king. Paglabas ko, naabutan ko itong nagluluto, naka-short lang siya at tanaw ko ang mga orchid petals sa likod niya. Kapag nakikita ko ito, ang sexy niya talagang tingnan. "Good morning, mahal," bati ko dito at niyakap siya mula sa likuran, inamoy ko pa ang likod niya. Hindi pa siya naliligo pero ang bango niya talaga. "Bakit ang aga mong gumising? Wala ka namang pasok," tanong nito pero patuloy sa pagluluto niya ng sinangag. "Wala, gusto ko lang," isinandal ko ang pisngi ko sa likod niya, napapikit pa ako nang dumdampi ang pisngi ko sa mga petals. "Pwede bang matulog sa likod mo?" Tanong ko pa. Ramdam ko naman ang pag-alog ng likod niya, malamang natatawa siya sa sinasabi ko. Ewan ko ba sa sarili ko, baliw na nga rin ata ako sa kaniya. "Oo nga pala, may ibibigay pala ako," kahit pa labag sa loob ko, ay umalis sa pagsandal sa likod niya ay ginawa ko. "Binibili ko ito, para sa tuwing titingin ka nang oras. Palagi mo akong naaalala," masaya kong sambit habang isinusuot ito sa kaniya. "Kahit naman, wala nito. Ikaw lang naaalala ko oras-oras," sabay kindat nito. Agad akong napaiwas matapos niyang tangkain na halikan ako. "Hindi pa ako nagmumumog," awat ko pa dito. "Okay lang, isa lang," tulos nang nguso nito, agad kong hinarang ang kamay ko sa mukha niya para ilayo ito. "Sunog na niluluto mo," natatawang tulak ko sa kaniya. "Ano ba 'yan," parang bata nitong angal. Akala ko ay napilit ko na siya, pero nang lumapit ako sa kaniya ay mabilis niya akong hinalikan sa labi. "Ikaw talaga!" Maarte kong hampas sa braso nito. Kunwari pa ako, eh no? Pero kilig na kilog naman ako. Basta, susulitin ko na ito. Kung ano man ang kulay ng orchid petals na sinabi niya. Wala na ang ritwal, kapag marupok ka, marupok ka talaga. Sabay ulit kaming nag-almusal, para talaga kaming mag-asawa. Lahat nang ginagawa namin, magkasama kami sa iisang bubong, minsan tabi kaming matulog. Isa na lang talaga ang hindi namin nagagawa. "Oo nga pala, may napanalunan ako. Pupunta tayo sa Potipot Island," masaya kong ipinakita sa kaniya ang gift certificate na nakuha ko. "Ayos, mukhang magiging masaya at malalim ang sisiran," pilyo itong ngumiti. Malalim na sisiran? So sisisid talaga siya? Ghad! Kailangan kong maghanda, kailangan kong maging malakas. "Gustong-gusto ko talaga kapag ganiyan ang mukha mo, kung anu-ano ang iniisip," napatingala pa ako matapos nitong isakop ang malapad, malaki at maugat niyang kamay sa mukha ko. "Wala akong iniisip, bakit naman ako mag-iisip?" Masungit kong saad. Duh! Bakit ko naman iisipin ang mga ganoong bagay? Mukha bang excited ako? Edi oo, ako na ang excited. "Babalik ka pa ba doon? Sabi ni Rick, pwede namang online mo na lang ipasa. Ayokong nagkikita kayo ni Tyron, kapag naiisip kong nakakausap ka niya. Halos gusto na kitang itali sa kama," nanlaki pa lalo ang mga mata ko sa sinabi niya. Itali sa kama? As in ganoon sa ginawa ni mr. Grey? Ghad! Ito na ba ang 365 shades of Orwa? Ang wild naman nito, aylabet. Nalunok ko bigla ang bagong subo kong sinangag, walang nguya-nguya kahit pa mainit. Nabubuo na ulit sa utak ko ang mga bagay na maaring mangyari, siguro dim ang lights para mas intense ang fight scene. Tapos nakatali ang kamay ko sa kama, pero paano ko siya masasambunutan? O kaya paano babaong ang kuko ko sa likod niya? Hayaan mo na, bahala sa kung anong gagawin ko. "Aga-aga," putol nito sa imagination ko. "Anong oras na, papasok na ba ako?" Tanong nitong nasa relo ang tingin. "Saan ka papasok?" Lutang kong tanong. Papasok na siya kaagad? As in now na? "Minsan, maglinis tayo ng bahay. Tapos idamay na natin, utak mo," agad ko siyang sinamaan nang tingin. "Sinasabi mo bang masama ang mga iniisip ko?" Parang bata kong tanong. "Usap tayo mamaya, ready mo na sarili mo," sabay kindat at mabilis na hinalikan ako sa labi. Mariin pa ako nitong hinalikan bago tuluyang lumbas, laglag balikat akong tumingin sa mga platong naiwan. Wala pang isang oras akong mag-isa, nalulungkot na kaagad ako. Lalo pa ngayon na sobrang tahimik ng bahay. Dati sanay akong ganito, matagal akong nabuhay na ganito. Pero bakit parang saglit pa lang si Orwa, sanay na ako? Paano kapag umalis na siya? Ganitong buhay ulit ang babalikan ko. Isang nakakabinging katahimikan. Nag-iisa akong kumakain, nag-iisang naglilinis. Lahat nang gagawin ko, mag-isa lang ako. Ang hirap din pala nito, ako pa rin sa dulo ang maiiwan mag-isa, pero bakit ko ba iisipin nang iisipin ang bukas na wala si Orwa? Pwede ko namang sulitin ang ngayon na kasama siya, bahala na sa kung anong kakaharapin ko sa buhay. Matapos ang drama ko, naghugas na ako ng plato. Nagwalis saglit, nagdilig at muling bumalik sa kwarto. Maaga pa at wala akong pupuntahan, kaya walang ligo-ligo. Mamaya na ako maliligo kapag mauwi na si Orwa, para fresh at mabango. Nakahiga ako habang tutok sa cellphone, may data pa pala ako. Bakit hindi ko tingnan ang sinasabi nang bakla, sa post daw ni Seila sa kaniyang IG account. Dahil hindi naman ako mahilig sa ibang social media account, ngayon lang ako gagamit nito. Nalilito pa ako noong una pero nahanap ko rin naman kaagad ang account niya, may latest post siya. Picture nila noon ni Lyka, bata pa siya dito maging si Lyka. Hindi ko mapigilan ang magtaka, bakit ganito ang mukha ni Lyka? Wala manlang namana sa mommy niya. Hindi naman sa nagmamagada ako, pero kasi 'yong nguso niya patulis, tapos madiyo mapanga, matalim ang mata na parang palaging fierce. Samantalang si Seila, maamo ang mukha at parang angel. Kung hindi ko alam kung sinong mas matanda sa kanila, iisipin kong si Lyka ang nanay. Ano ba 'yan, masyado na akong nakikialam sa pagmumukha nila, malamang maganda rin si Lyka, hindi naman siya magiging jowa ni sir Tyron, sadyang mas nagagandahan lang talaga ako sa nanay niya. Umayos ako ng higa at ipinagpatong ang dalawang unan. Ngayong nakikita ko ang mga post ni Seila, hindi ko maiwasan na mainggit kay Lyka. Grabe, sobrang swerte niya. Nasa kaniya na ang lahat, mayaman, sikat, kagandahan, at higit sa lahat. Masaya at buong pamilya, siguro sobrang saya na niya. Kasi mabuti pa siya, may nanay at tatay, samantalang ako. Walang kahit ano, maliban kay Orwa at Sunny. Mabuti pa siya, may nanay na nag-aalaga, sa akin ni minsan hindi ko nakita ang nanay ko. Kahit picture niya wala ako. Ang sabi kasi sa akin ni lola, naiwan daw nila ang mga gamit ni mama sa probinsya. Ang tatay ko hindi ko rin kilala, ni hindi ko alam kung nasaan siya. Ni hindi ko nga alam kung alam ba niyang may anak siya, ewan. Basta sobrang swerte ni Lyka, proud na proud sa kaniya ang nanay niya. Pero hindi lang naman si Lyka ang swerte, pati ang mga taong may buong pamilya at may tinuturing na pamilya. Kasi may mga kagaya ko, na mag-isa sa buhay at walang nag-aalaga. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko, agad ko itong pinunasan. Nakita ko na ang picture na tinutukoy noong bakla. Mukhang tuwang-tuwa talaga si Seila, ano pa kaya kung magkita kami? Pati ako syempre matutuwa, sobrang idol ko talaga siya. Dahil ayoko na nang drama, pinatay ko na ang data ng cellphone ko at isinantabi ito. Pero mukhang ito ang araw at oras ko para alalahanin ang mga nakaraan, ang hirap maiwan mag-isa. Lahat ng bagay sa nakaraan talagang babalik sa 'yo, tapos mas lalo ka pa nitong pag-iisipin at palulungkutin. Dahil mag-isa lang ako at walang magawa, binuksan ko ang isang karton na pinaglalagyan ng mga luma kong gamit, hindi ako sanay magtapon ng mga lumang gamit. Itinatabi ko lang ito. Naniniwala kasi ako bawat gamit may kwento, at sa oras na ganito binabalikan ko ang mga iyon. Hindi na rin ako babalik sa company para magpasa ng resignation letter, sa email ko na lang ipapasa. Ayoko rin namang makita si sir Tyron, at lalo namang si ms. Jen. Matapos kong bukasan ang box na naglalaman ng mga lumang gamit, kumuha ako ng upuan sa labas. Bawat labas ko ng gamit, bumabalik sa akin ang lahat. Ang iba dito galing kay lola, ang iba mga gamit na nabili ko noong nasa elementary pa lang ako. Ibang klase ang hakot nang emosyon ko kapag ginagawa ko ang mga ito, may kakaiba sa puso kong binubuhay ang nakaraan. Malungkot man, pero may sigla. Lalo na kapag naaalala ko ang mga gamit na may nakakatawang pangyayari sa buhay ko. Sa paghahalungkat, nakuha ko ang isa pang box na hindi malakihan. Kay lola ito, isinama ko ito dito noong namatay siya. Agad ko itong kinuha at inilapag sa kama, ngayon ko lang makikita ang laman nito. Hindi ko na nagawa pang pakialaman ito noon dahil sa labis na pagluluksa. Ilang taon na rin naman ang lumipas, wala ring masama kung titingnan ko ito. Wala naman itong lock kaya agad ko itong nabuksan, bumungad sa akin ang ilang mga lumang gamit na pambata. Siguro ito ang mga luma kong gamit, noong baby pa ako. Meroon pa ditong mga medyas at iyong nilalagay sa kamay ng baby. May kulay red na bracelet, meroon din iyong medyas ng baby na may bigas at barya sa loob. Pakimkim ata ang tawag dito. Sa dulo, may isang picture akong nakita. Isang babae na nakatagilid at hindi kita ang mukha sa picture, may baby na nakahiga sa gilid niya. Napansin ko pa ang tattoo na nasa tagiliran ng babae, kung tama ang nakikita ko. Hugis ito ng isang bulaklak? Maliit lang kasi ito. Pero ang pinagtataka ko, sino ito? Sino ang bata at ang babae sa picture? Hindi siguro ako ito at si mama. Kasi sabi ni lola, namatay ito matapos akong ipanganak. Kasi base sa picture, may kalakihan na ang bata. Pero kanino naman ang picture na nasama sa mga gamit ko? Wala namang ibang inalagaan si lola. Kunot noo kong inikot ang picture, may nakasulat dito. "Patawad anak, mas mahalaga sa akin ang kinabukasan at pangarap ko," mahina kong basa dito. What the! Ano ito? Sino ang mga nasa picture? Mas mahalaga ang kinabukasan at pangarap? Ibig sabihin, ang batang nasa picture. Ipinamigay ng nanay niya? Pero bakit? Para sa pangarap? Anong kinalaman ng mga gamit ni lola? At bakit kasama ito sa mga luma kong gamit? May possibility ba na ako at ang bata ay iisa? Kung ganoon nga, ang ibig sabihin buhay ang nanay ko? Pero nasaan siya? Bakit hindi niya ako hinanap? Bakit hindi niya ako binalikan? Maganda na ba ang buhay niya? Natupad na ba ang mga pangarap niya? Ang nag-iisang pag-asa at palatandaan ko sa kaniya, ay ang tattoo na nasa tagiliran niya. Kung makikita ko ito, maaari kong itanong sa kaniya ang lahat. Gusto kong malaman ang lahat, gusto ko siyang makita. Gusto kong itanong kung bakit hindi niya ako nagawang balikan. Kung sakaling kami ang nasa larawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD