Mabilis gumaan ang pakiramdam ko matapos maamoy ang aircon ng mall. Mabilis nawala ang init ng ulo ko dahil sa lamig, gala lang pala katapat ko.
Itinago ko na kaagad ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko, at nag-umpisa na maggala.
Bahala na talaga sila doon, basta ako magpapakasaya ako. Tutal sabi naman nilang hindi ako kawalan, edi mas papatunayan kong hindi rin sila kawalan.
Ngayon ko lang na-imagine ang mukha ni ms. Jen kanina. Gulat na gulat at parang timang, ang pangit niya.
Una muna akong nagpunta sa Watson, gusto kong bumili ng make-up. May bagong endorsement na lipstick si Seila, gusto kong bumili.
Hindi ko alam kung saan galing ang perang bigay ni Orwa, mukhang sweldo niya ito.
"Hello madam, ano sa 'yo?" Agad akong napatingin sa babaeng matangkad.
"Meroon na po ba dito 'yong kay ms. Seila?" Tanong kong palapit sa kaniya.
"Kararating lang kanina, meroon pa ditong dalawa. Buti may naabutan ka pa, bilihin mo na 'yan girl," agad ako nitong dinala patungo doon, ang bilis naman pala nitong maubos. Kanina lang dinala, tapos dalawa na lang naabutan ko.
"Walang sample?" Tanong ko pa habang tinitingnan bang lipstick na ito.
"Wala, eh. Pero bagay sa 'yo 'yan for sure, maputi ka naman kaya bagay talaga 'yang orchid red," napakunot pa ang noo ko at sinilip ang ilalim ng lipstick.
Seryoso? Orchid red talaga ang shade ng lipstick na ito? Pati ba naman sa ipapahid ko sa labi ko, eh si Orwa pa rin? Paano kaya kapag hahalikan niya ako? Edi malalasahan niya sarili niya? Yay! Utak ko.
"Isa lang bibilhin ko," hindi naman ako magastos sa lipstick, mukhang tatagal din naman ito sa akin.
Pero bakit kaya ito pa napili ni Seila na ipangalan sa bagong lipstick niya? Favorite niya rin kaya ang orchids? At red color? Ang galing kung sakali, may pagkakapareho kami. Sana talaga makita ko na siya sa personal.
Hindi ko na namalayan ang oras, dahil nasa loob ako ng mall at hindi tumingin sa cellphone, hindi ko nakita ang oras. Basta in-enjoy ko ang paggagala kong mag-isa. Bumili rin ako ng t-shirt ni Orwa, baka sabihin niya ginastos ko lahat ng pera niya tapos wala akong binili para sa kaniya.
Palagpas na sana ako sa isang shop, nang makita ang isang relo. Panlalaki ito at si Orwa agad ang pumasok sa isip ko, bilhan ko kaya siya nito? Regalo ko ba?
"Ate, magkano po 'yan?" Turo ko sa relo. Kulay black ito, panlalaki ang style. Hindi ako marunong tumingin ng klase ng relo, kasi naman tig-150 sa labas lang ang relong nabili ko.
"50% sale po Ito, bali 1,500 na lang po mam," napatango ako matapos nitong ilabas at ipakita sa akin.
Ang ganda talaga, mukhang magugustuhan ito ni Orwa. Tingnan mo, 1,500 ito tapos sa akin tig-150 lang sa labas. Dapat talaga magustuhan niya ito, aawayin ko talaga siya at pagbabawalan ko siyang halikan ako kapag hindi niya ito tinnggap.
Dahil may pera pa ako, binili ko na ito. Bibigyan ko siya ng regalo gamit ang pera niya mismo.
Sa lahat siguro ng nawalan ng trabaho ako lang ang masaya at nagawa pang mag-mall at gumastos. Nagawa ko pang bumili nang bumili, bahala na sa pera. May sweldo pa naman sa bukas. Makukuha ko pa rin naman iyon, pati ang separation pay ko next month.
Masaya akong naggagala mag-isa sa mall, parang bumalik ang dating ako at mabilis nakalimutan ang eksena kanina.
Muli akong napadaan sa facelove beauty boutique, huminto ako saglit para tumingin. Napukaw ang attention ko ng isang nakapaskil sa gilid ng salaming pinto.
"Ay, ghorl! Bumalik ka, congrats sa atin!" Halos mapatalon pa ko sa gulat nang humarang sa daraanan ko ang bakla na nag-ayos sa akin. Para daw sa competition, basta sa pagiging kamukha ni Seila Sandoval.
"Tingnan mo, kasama tayo," agad ako nitong hinila na akala mo ay close kami.
"Ayan, tingnan mo ang pangalan natin," mabilis namilog ang mga mata ko, matapos itong mabasa. Andoon nga ang pangalan ko, wow! Ibig sabihin makakapunta kami ng Potipot Island, kasama si Sunny at Orwa.
"Ang galing," pamamangha akong tumingin sa bakla.
"Kamukha mo naman kasi talaga siya, try mo magpunta sa IG niya. Andoon ang picture mo, natutuwa siya sa 'yo," masaya nitong sambit.
Sayang, wala kasi akong i********:. Pero mukhang kailangan ko na mag-install, gusto kong makita ang picture ko na sinasabi nitong bakla.
"May pipirmahan ka pa pala para sa gift certificate na gagamitin niyo sa Potipot Island," muli akong hinila nito papasok.
Friend na ba kami nito? Kanina pa siya hila nang hila. Pero ako naman, sunod nang sunod.
Katulad nang sunabi niya, may pinirmahan ako at may ibinigay silang papel na may pangalan ko.
Totoo na nga talaga ito, pangarap ko lang noon makapunta doon. Ngayon libre pa, at wala pa akong trabaho. Tamang-tama ito dahil kasama si Orwa, nice mukhang may sisiran na magaganap.
Tuwang-tuwa akong nag-picture kasama ang certificate na ito at agad nag-post sa f*******:, friends ko pala sila Mayora at ms. Jen, mamatay sila sa inggit. Bahala silang lunurin ang sarili nila sa galit, basta kami ni Orwa magpakalunod din kami sa sarap. Ow! Bad na naman nasa isip ko.
Mukhang magiging masaya ang gala namin na 'yon, 4 days and 3 nights. So talagang relax na relax kami doon. Honeymoon na muna bago kasal, charot.
Ilang oras din ang inilagi ko sa mall, ilang saglit pa ay nag-vibrate ang cellphone ko. Doon ko lang napagtanto na uwian na pala nila Sunny.
"Atan ka? Dito na kami ta mall," bungad nito.
"Nasa cinema, pababa na. Doon na lang tayo sa tapat ng inasal magkita, pasakay na ako ng elevator. Bye," mabilis kong binaba ang tawag at agad na pumasok sa loob, nagulat pa ako ng biglang makita si sir Tyron. May mga kasama naman kami sa loob, pero bigla akong kinabahan.
Susme! Kasama ni Sunny si Orwa at malamang nag-aabang na sila sa tapat ng elevator, kapag bukas nito makikita agad kami. Mamaya isipin na niya na magkasama kami buong maghapon, alam ko may nagsabi na sa kaniya tungkol sa date daw namin ni sir Tyron.
"Buti naman nakita kita, pwede ba tayong mag-usap muna?" Napaiwas pa ako ng tingin.
"Aalis na po talaga ako sa trabaho," mabilis kong sagot.
"Dahil ba sa bigla nating pag-alis kahapon? Pwede naman nating pag-usapan,"
"Hin–" agad akong naputol sa pagsasalita matapos akong mabangga ng babaeng nagmamadali palabas, muntik pa akong matumba. Mabuti na lang ay agad akong nahawakan sa bewang ni sir Tyron.
Mabilis akong inakyat ng kaba, matapos makita si Orwa at Sunny na nakaabang sa labas, nasa ground floor na pala kami at kitang-kita ni Orwa kung paano ako kapitan ni sir Tyron sa bewang at ang paghawak ko sa leeg nito.
"S-sorry," agad akong bumitaw sa kaniya at lumabas.
"Ang tabi ko umiwat ka na, ano 'yan?" Gigil na tanong ni Sunny.
"Biglaan lang 'yon," sagot ko pa sa kaniya. Biglaan lang naman kasi iyon, kung hindi lang sana paepal ang babaeng nasa likod ko kanina.
Mabilis ang t***k ng puso kong nakatingin kay Orwa, matalim ang tingin nito kay sir Tyron. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalayo.
"T-tara na?" Aya ko dito at agad siyang hinawakan sa braso.
Bumaba muna ang tingin niya sa kamay ko papunta sa takot kong mukha. Matalim pa rin ang mga tingin niya, the hell! Sabi ko na nga ba, galit na naman ito sa akin. Bakit ba kasi sa dami ng lugar at pangyayari ganoon pa ang nadatnan niya?
"Aalit na ako, inaantay pa ako ni Rick," mabilis na paalam ni Sunny at sa isang iglap bigla itong nawala. Iniwan talaga ako sa ganitong sitwasyon, wala na. Mag-isa akong magpapaliwanag dito.
Tahimik at walang imik si Orwa, hindi niya ako kinibo pero hindi ako binitawan buong byahe. Patuloy namang tumatakbo sa utak ko ang mga pwede kong ipaliwanag.
Alam kong alam na niya ang ganap kanina at kahapon. Natatakot talaga ako sa kaniya sa tuwing tumitingin siya sa akin ng matalim.
Para siyang bampira o gangster na anytime bigla ka na lang liligitan sa leeg. Jusme! Tapos kay sir Tyron pa, baka bigla ako nitong isilid sa sako.
Pagpasok namin sa bahay ay agad niya akong hinigit at isinandal sa pinto, agad kong nabitawan ang mga bitbit ko. Hindi agad ako nakagalaw matapos niyang angkin ang labi ko, punong-puno ng emosyon, pagnanasa at punong-puno ng galit.
Halos hindi ako makahinga sa ginagawa niya. Alam ko na agad na ganito ang gagawin niya, sa tuwing galit siya ganito ang gawain niya. Sa mga labi ko niya ibinuhos ang lahat ng galit niya.
Hingal na hingal kaming bumitas sa isa't isa. Rinig ko ang mabibigat niyang paghinga at ang init nitong dumdampi sa leeg ko. Nakapatong ang noo niya sa leeg ko habang ang mga kamay niya ay mahigpit ang hawak sa bewang ko.
Dahan-daha kong itinaas ang kamay ko at hinagod ang buhok niya. Alam kong rinig niya ang t***k ng puso ko, dahil sobrang lakas at bilis nito.
"Gusto ko akin ka lang," mahinhon ngunit mabilis nitong pinataas ang balahibo ko.
"Sunshine, nababaliw na ako. Gusto kong akin ka lang," muling sambit nito at dahan-dahang inangat ang tingin sa akin.
Napatingin ako sa mga mata niyang puno nang pagsusumamo, ang mga mata niyang halos lunurin ako. Mga tingin nitong ayaw akong pakawalan.
"Lahat sa akin, sa 'yo lang," tanaw ko ang pag-aliwalas ng mukha niya at ang pagkurba ng mga labi niya, bumalik na ang mga ngiti nito.
Wala siyang salitang ibinalik, muli niyang inangkin ang labi ko. Pero ngayon, mas maingat at malumanay ito. Umayos ko nang tayo at ipinatong ang dalawa kong braso sa leeg niya habang mahinang nilalaro ang kaniyang buhok.
Bumabawi ako sa mga halik nito, at ramdam ko ang kamay niyang hinahagod ako sa likuran. Malumanay, maingat at mabilis na nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Nababaliw ako, baliw na baliw na ako sa mga halik nito.
Mukhang ako pa rin ang talo, sa mga labi pa rin nito ako bumabagsak.