Walang pagbabago, abala sa trabaho. Ngayon mas marami na ang mga sapatos na dumarating sa akin, siguro may quota silang tinatapos ngayong araw.
"Baks, alam mo na ba 'yong usap-usapan?" Muling intriga ni Alisha.
"Tungkol saan?" tanong ko ritong sa mga sapatos ang mata. Kaya ko namang makipagdaldalan sa kaniya na, nasa mga sapatos ang mata ko. Kapag talaga chismosa ka at madaldal, madali lang.
"Sa 'yo at sa boss mo," bumagal ako sa pag-inspect matapos itong marinig.
"Si sir Tyron?" Salubong na kilay akong tumingin sa kaniya.
"Oo, usap-usapan na mag-jowa kayo. Tapos narinig ko sa mga kasamahan mo, malandi ka raw. Kasi may jowa ka na, lumalandi ka pa sa iba," saad niyang mabilis na nagpainit sa ulo ko.
Malandi talaga? Wala nga akong idea sa gusto ni sir Tyron, tapos ako pa ang sasabihang malandi? Wala nga silang alam sa nangyayari.
"Tapos pa, narinig kong sasabihin nila ito sa boyfriend mo. 'Yong bagong staff sa canteen, 'di ba iyon ang jowa mo? Para daw makipaghiwalay na sa 'yo," dagdag pa niya.
Tumahimik ako at hindi makapag-focus sa trabaho, ni hindi ko na nga inaayos ang pagtingin sa mga sapatos, basta pinipirmahan ko na lang ito at ipinapasa sa kaniya.
Kinalabahan talaga ako, paano kung malaman ito ni Orwa? Ano na lang sasabihin niya? Malamang magagalit na talaga siya. Hindi ko naman kasi talaga alam ang balak ni sir Tyron, kung alam ko lang na lalabas kami. Hindi talaga ako sasama sa kaniya.
Sumapit ang tanghalian, tahimik akong pumila para mag-out. Kaya naman pala kagabi at kaninang umaga, ganito na sila tumingin. Kung mag-isip naman 'tong mga ito, parang kilalang-kilala ako at alam ang buong pangyayari.
"Betty, alam mo naiinit na ako ta mga 'yan. Pag-uuntugin ko talaga tila," inis na saad ni Sunny. Agad ko siyang hinila matapos umambang kakaltukan na si Mayora.
"Hayaan mo na, hindi naman totoo mga iniisip nila," awat ko rito. Iisipin ko na lang palaging sinasabi ni ate Jai, kapag hindi totoo 'wag akong magagalit.
Kung totoo man o hinding malandi ako, ano naman? Bakit sila ba hindi naging malandi? Ni minsan sa buhay nila? Susme!
"Ayon, masaya ba kasama si sir Tyron? Anong mga binili niya sa 'yo?" Napairap ako sa matapos kaming harangin ni Mayora sa locker room.
"Hayaan mo na sila," bulong ko pa kay Sunny. Alam ko kasing mapagpatol ito sa hayop, kaya agad ko siyang pinigilan. Ayoko na kasing lumaki pa ang issue.
"Bakit hindi ka sumagot?" Napatingin ako sa paghawak ni Chilay sa braso ko.
"Kumain na lang tayo, baka kasi nalilipasan lang kayo," mahinahon kong sita at agad na tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Alam mo? Sa lahat dito? Ikaw na ang sumalo ng lahat-lahat. Malandi ka, haliparot, higad, ahas, ano pa ba?" Mariin akong napapikit matapos itong marinig. Gusto kong kumalma, ayoko ng away. Ayoko sa lahat ang ganito, mas mataas sila sa akin. Pero hindi sapat iyon para pagsabihan ako ng mga ganitong salita.
"Tumigil na nga kayo, hindi lang kayo pinapatulan. Ang tatama ng ugali niyo!" Rinig ko pang bulyaw ni Sunny.
"Ikaw tumahimik, bulol ka na nga ang tining pa ng boses. Akala mo kung Sino ka rin, mukhang tumuwad-tuwad ka lang naman para magustuhan ni sir Derick. Parehas kayo nitong kaibigan mo, mukhang hikahos na kayo sa buhay kaya kapit sa mayaman," padabog kong isinara ang locker ko. Napakapit pa ako dito ng mahigpit.
Sobrang bigat ng dibdib ko sa pagpipigil, gusto kong sumabog at gusto kong sapakin sa bunganga si Mayora. Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa bugso ng damdamin. Nagliliyab man ako sa galit, hindi ito sapat para mag-umpisa ng gulo.
"Tobra na kayo!" Ngarag na boses na sigaw ni Sunny.
"Bakit? Kaya ka siguro iniwan ng tatay mo, kasi baka kagaya mong malandi ang nanay m–"
Agad siyang naputol sa pagsasalita matapos tumama sa bunganga niyang nabubulok na ang kamao ko. Matalim ang mga tingin ko sa kaniya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dahil sa lahat ng ayoko, nadadamay ang magulang ko.
"Wala kang karapatang bastusin ang magulang ko," mangiyak-ngiyak sa galit kong saad.
Tumutulo ang luha ko dahil sa sobrang pagpipigil sa galit, gusto ko pa siyang saktan. Hindi sapat sa aking makita ang pagdudugo ng bunganga niya. Gusto kong makita siyang nasa sahig.
"Walang hiya ka!" Halos mabali pa ang leeg ko matapos hilahin ni Lileth ang buhok ko.
"Ano ba? Tumigil na kayo," awat ni Sunny, matapos akong pagtulungan nila Mayora, Chilay, Chuchay at Lileth.
Kalmot, sabumot, suntok ang inaabot ko sa kanila. Pero hindi ko pwedeng magpatalo, kung kanino na lang sa kanila tatama ang suntok ko.
Tangina! Hindi ko akalain na sa trabaho ko pa ako magkakaroon ng kaaway, noong nag-aaral ako ng elementary hanggang highschool wala kong nakaaway at nakasambunutan. Sa mga mas matatanda pa pala sa akin, ako magkakaganito.
Rinig ko ang sigaw ni Sunny at ang iba pang mga operator na nasa loob pa ng locker room. Mukhang ako magkakaroon ako ng bad record sa trabaho ko. Mga punyeta kasing 'to!
"Ano ba? Hindi ba talaga kayo titigil?!" Galit na awat sa amin ng isang guard.
Agad akong hinila ni Sunny, nagtangka pang sumugod ang apat pero agad din silang napigilan.
"Betty, may kalmot ka ta kilay," napainda pa ako ng punasan ito ni Sunny. Kinapa ko ito at nakita ang dugo na dumikit sa daliri ko.
Mga bwisit talaga, dito pa nila nagawang gumawa ng eskandalo. May mga pinag-aralan pero bakit mukhang hindi naituro ang tamang asal? Leader namin sila, mga lumaki ang ulo at mga mapangmataas.
"Kayo! Mga naturingan na QC, dito pa kayo nag-aaway!" Sita ni kuyang guard.
"Anong kaguluhan ito?" Agad akong napatingin sa pintuan kung saan galit na papasok si ms.Jen.
Salubong ang kilay nito habang papasok sa loob, maging ang mga mata niya ay nanlilisik.
"Ikaw na naman, Sunshine? Wala ka na ba talagang hiyang natitira sa katawan mo? Pati dito sa trabaho nagagawa mong magkalat?!" Bulyaw nito sa mukha ko. Inayos ko pa ang buhok kong nakaharang sa mukha ko bago siya binawian ng masamang tingin.
Hindi ako nagsalita, ayokong magsalita. Alam ko kasing may masama akong masasabi, kapag galit ako hindi ko kayang pigilan ang mga lumalabas sa bunganga ko.
"Ganiyan ka pa tumingin? Wala ka talagang modo! Palibhasa hindi nakapag-aral!" Dagdag pa nitong nagpaliyab ng galit sa puso ko, lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya at ang mga kamao ko ay nanginginig.
"Betty," mahigpit na hawak ni Sunny sa kamay ko, pilit niya akong pinapakalma.
"Magkita kayo mamaya," galit na duldul ng hintuturo niya sa mukha ko.
Nakita ko na rin ang pag-alis ng apat at ang ibang operator ay pinalabas ng guard, kaming dalawa ni Sunny ang naiwan dito sa loob.
Nanginginig pa rin sa galit ang kalamnan ko, galit na galit ang puso ko.
"Betty, ayutin mo na tarili mo," sabay hawi nito ng buhok kong gulo-gulo.
"Bwisit talaga! Mag-re-resign na talaga ako dito, mga walang kwentang leader," dabog kong ayos sa damit ko. Nakakainis talaga sila, at isa pa 'yang talaga HR department. Kung ipagkalandakan na wala akong natapos, siguro hindi naituro sa kanila ang pagresperto sa iba.
"Hayaan mo na tila, tara na? Ta likod na lang tayo kumain," aya nitong hinila na ako palabas.
Nagtungo kami sa likod, may iilang mga operator na doon nakapwesto, mukhang ang ilan sa mga ito ang nakakita nang away namin kanina.
"Wala akong gana," walang buhay kong tanggi.
"Hindi pwede, dapat kumain ka. Para may lakat, mamaya pagtulungan ka ulit nila," saglit pa akong natawa sa sinabi niya.
"Nagagawa mo pang mag-joke?" Umiling-iling siya sa sinabi ko.
"Kumain na tayo, hayaan mo tila. Mga inggit tila tayo, kati naman dala-dalawa may gutto tayo, ta kanila wala. Mga pangit kati tila," tulis nguso niyang saad.
"Oo mga pangit talaga sila, inside and out," dagdag ko pa.
Mga bwisit talaga sa buhay, toxic na tao at katrabaho. Mas lalo nilang binibigyan ako ng dahilan para umalis dito. Mas marami pa diyang iba, aalis na talaga ako dito.
"Pero paano na ang pagkain mo kapag umalis ako?" Pag-aalala kong tanong. Hindi ko naman pwedeng iwan siya dito mag-isa, baka mas lalo pang lumala ang sakit niya. Tapos mga wala pang pakialam humahawak sa kaniya, mula sa leader at sa HR.
"Napag-itip ko na ring umalit, kung aalit ka rito. Tabay na lang tayo," sagot nito.
"Tabi kati ni Rick, pwede naman akong magtrabaho doon ta café ng kapatid niya. To, may work na rin nakaabang, ikaw ba? Pwede rin tayong magpatulong kay Rick," mabuti pa siya may nakaabang na kaagad.
"Madali na lang 'yan. Mag cashier ako, o kaya saleslady," mas maayosp nga ang ganoong trabaho, eh. Tutal sanay na ako sa mga toxic na tao, mukhang makakaya ko na rin mag-handle ng mga masungit na customer.
"Umiwat ka na kay tir Tyron," banta pa nito sa mukha ko.
"Pahamak din iyon, eh. Tingnan mo, iniitip nilang pera lang habol mo doon. Kay Orwa ka na lang, mat pogi pa 'yon," sabay ngisi nitong may ibig sabihin. Alam ko na mga ngisi niyang ganito, alam kong may pinaparating siya maliban sa pogi ito.
"Ayan na naman ang utak mong manyak," sanay pitik ko sa noo nitong mapaki. Napasimangot habang hawak ito, ang cute talaga ng bulol na ito.
Mabuti na lang talaga may isang Sunny sa buhay ko, mas maganda na ring may isa akong kaibigan at sa lahat ng andito, siya lang ang naging totoo sa akin. Akala ko noon lahat silang QC at QA mga alagad ni Mayora, hindi pala. May naligaw na dalawa, si Sunny at ate Jai na galit sa mga kawalang modo ng leader namin.
"Batta, ta tabado manonood tayo, ha?" Napakunot pa ang noo ko sa sinabi niya.
"Sabado?"
"Oo, iyong kila Teila Tandoval?" Pagpapaalala nito.
Napauwang ang bibig ko at tumango. "Oo nga pala, mall show nila kasama si Marlo Mortel. Oo naman pupunta talaga ako,"
"Mamaya, hayaan mo na lang tila ha? Mga pangit tila," parang bata nitong paalala.
"Una ka na, pupunta muna ako kay ms. Jen, sa matalino at respetadong HR natin," natatawa ko pang biro.
"Tige, batta 'wag ka na makipag-away, ha?" Huling bilin nito bago kami naghiwalay.
Mabuti na lang talaga at mabilis akong nahimasmasan sa ganap kanina, pero hindi ibig sabihin na hindi na ako galit.
Pagpunta ko sa HR department, si ms. Jen lang ang andoon. Wala si sir Tyron sa pwesto niya, hindi na ako nagtaka. Baka kumakain sa labas, mabuti naman at hindi ako naisipang isama. Mukhang ginawa niya lang talaga iyon para maging tampulan ako ng chismis at magalit ang mga matataas.
"Alam mo bang sobrang laki nang kahihiyan ang dinala mo sa department natin?" Bungad nito matapos kong makapasok.
Okay, Sunshine kalma!
"Hindi naman po ak–"
"Sa warehouse, linisin mo 'yon," putol nito sa paliwanag ko.
"Seryoso? Hindi kasama sa contract ko ang maglinis, quality control ako hindi janitor," alma ko pa.
Wala akong natatandaan na maglilinis ako ng kungn aang parte ng lugar, pero kung nakaligtaan ko 'yon. Dapat pati sila Mayora kasama ko, hindi lang naman ako ang gumawa ng eskandalo.
"Ano bang pagkakaiba niyo? Parehas lang naman kayong walang natapos," taas kilay nitong taas.
"Ayos ah!" Angil at pigil kong galit. Ibang klase naman pala, ang taas naman ng tingin niya sa sarili niya. Dahil ba siya may college diploma ganito na siya makitungo sa amin? Bakit siya ba ang may-ari ng company?
Tumayo ito at muli akong dinurom. "Bakit? May angal ka? Wala ka namang magagawa,"
"Wag mo akong maduro-duro!" Inis kong hawi sa kamay niya. Umuwang ang bibig niya dahil sa ginawa ko at matalim akong tiningnan.
Ngayon kami magkakaalaman, hindi na ako papayag na matahin niya kaming mas mababa sa kaniya.
"Tandaan mo, mas mataas pa rin ako at dapat mo akong galangin!" Bulyaw nito.
Napakagat labi pa ako at pinatunog ang leeg.
"Galangin? Ikaw gagalangin? Kung kami nga ni hindi mo nagawang galangin,"
"Let me remind you–"
"Tangina! 'Wag mo kong ma-English English, ang tagal ko nang nagtitimpi sa bulok mong pag-uugali!" galit kong saad at piniligil ang mga kamay kong masapak siya.
Sige na, naglalabasan na ng sama ng ugali. Hindi ko na kailangan pang maging banal sa harapan nila, kahit anong pilit kong maging mabait noon. Patuloy nilang inaabuso at mga mapangmataas na tao, kung pagsalitaan kami ng masama akala mo kapantay na ang Diyos.
"Sinong nagsabing pwede mo akong murahin?" Inis na tanong nito.
"Kailangan ba may magsabi? Gusto kitang murahin at wala kang magagawa. Kasi ikaw na putang-inang, hinayupak kang gago ka! Ang sama-sama ng ugali mo!" Duldol ko sa pagmumukha niya. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata, mukhang iiyak na. Akala ko ba matapang siya? Bakit ngayon iiyak-iyak siya sa harap ko?
Bastos na kung bastos, ito ang ugali ko kapag galit ako. Hindi ko napipigilan ang sarili ko kapag galit na ako. Lahat ng gusto kong sabihin, talagang sasabihin ko. Hindi ako banal.
"Antayin mo na lang resignation ko bukas!" Sabay irap ko rito. Tumalikod ako sa kaniya na namumugto na ang mga mata. Iyakin ka pala, kung maliitin mo kami ang tapang mo.
Wala kasi akong pinag-aralan kaya kaya kitang murahin nang paulit-ulit. Duwag ka naman pala, pasalamat ka pa nga hindi ko pa dinamay ang panlalait sa mukha mo at sa kilay mong drawing.
Inis akong lumabas, may oras pa kaya nakalabas ako ng gate. Napaaga tuloy ang pag-alis ko. Pero bahala na sila, si sir Tyron pa pala. Bahala rin siya sa buhay niya, isa siya sa dahilan kung bakit ganito ang nangyayari. Kung hindi niya ako sinama kumain sa labas, walang issue na ganito.
Pero inaamin ko, magaan sa pakiramdam na sa wakas ay nailabas ko rin ang galit sa dibdib kong matagal ko nang itinatago. Naibuga ko na rin sa pagmumukha ni ms. Jen na hindi niya dapat basta-basta minamaliit ang mga taong hindi nakapag-aral.
Agad kong kinuha lahat ng gamit ko sa locker room, sumilip muna ako sa canteen. Abala si Orwa sa paghuhugas ng plato. Aalis ulit ako ngayon, magpapaalam kaya ako?
Mediyo matagal din ang pag-iisip ko kung magpapakita ba ako o hindi, hanggang sa naisip kong mag-text na lang kay Sunny. Mamaya pag-uwian na mababasa naman niya ito. Sinabi kong sa mall na lang kami magkita, isama niyan si Orwa. Dahil wala na akong trabaho, kaya doon na lang muna ako magpapalamig ng utak.
Gusto ko sanang mag-inom, pero nadala na ako sa nangyari dati. Maggagala na lang ako, tutal may perang ibinigay sa akin si Orwa. Bibili na lang ako ng mga gamit namin, para naman ma-refresh ang utak ko. Pampaalis na rin ng inis sa mga nangyari kanina.
Ayos na rin, tama sana ang ginawa kong pag-alis sa toxic na trabahong ito. Wala ng matatandang bungi na palaging mang-iinis sa akin, wala na ring asong klaye na nakakilay ang mamatahin kaming walang natapos.