Malamig ang pagtama ng hangin na magmumula sa aircon, pero daig pang may waterfalls ang kamay ko sa pamamawis. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho.
"Sunshine Olivares!" Isang sigaw pagtawag sa pangalan ko ang lalong nagpakaba sa akin. Bumuga ako ng malalim na paghinga bago tumayo at lumakad palapit sa kaniya.
Nakasuot ako ng white polo shirt at black pants. Wala pa akong uniform kaya ito muna ang sinuot ko.
"Good morning ma'am," bati ko rito.
Tumaas ang manipis niyang kilay, parang isang guhit lang 'to ng lapis. Singkit ang mga mata nito na may makulay na purple eyeshadow, may katangusan na ilong at may kulay pulang lipstick. Pinilit kong ngumiti kahit na hindi siya ngumiti sa akin. Mukhang masungit ang manager ng SL Café.
"Sumunod ka sa akin, ipapakita ko sa 'yo lahat at makinig ka sa mga patakaran," saad nito mula sa kaniyang malalim na boses. Para kapag nagkamali lang ako, bibigwasan na kaagad ako nito.
Katulad ng sinabi niya, sumunod ako sa kaniya. May dala akong ballpen at maliit na notebook. Kailangan ko raw i-take note ang lahat ng sasabihin niya.
"Ayoko sa lahat ang late. Ayoko rin ng makupad magtrabaho, kung anong inutos sa inyo, 'yon lang ang dapat niyong gawin. Sa dining area ka ngayon, under observation ka pa. Hindi por que pinasok ka ni madam Seila, tatamdatamad ka na."
Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Med'yo na hurt naman ako roon, sa dati kong work palagi akong late. Sabagay, malayo naman ang byahe at ayaw ko ng ang mga katrabaho ko. Dito 20 minutes lang bago ako makarating, mukhang maayos din naman sila, masungit nga lang si madam manager.
Itinuro niya sa akin ang lahat. Hindi naman ito ang first time ko magtrabaho sa ganito. Nag-part time na rin ako noon sa Jollibee kaya alam kong kaya ko ang trabaho na 'to.
Hindi ko napansin ang oras, mabilis sumalpit ang dilim. Nakakapagod man pero sulit. Tuloy-tuloy na pagtatrabaho ang ginagawa ko, panay kasi ang tingin sa akin ng manager kaya kailangan kong sipagan.
Maraming kumakain dito, sikat ang café nina ms. Seila kaya talagang hindi nauubusan ng tao. Kabilaan ang utos sa akin. Doble kayod nga talaga. Kailangan mabilis at maayos.
"Tama na 'yan, Sunshine. Mas'yado ka namang masipag. Magsasarado na." Bahagya akong napatigil nang may tumapik sa akin. Napatingin ako rito. Si Marga, ang isa sa mga katrabaho ko. Nasa dining din siya, sa totoo lang siya ang kanina pa tumutulong sa akin at nagpapaalam ng break-time ko.
Payat na matangkad ito. Maigsi ang buhok nitong hanggang balikat. Bilugan ang mukha at malaki ang mata. Maganda siya. Maputi rin.
"Tatapusin ko lang 'to."
Hindi ko namanlang namalayan na magsasarado na pala. Abala kasi ako sa paglilinis ng lamesa. Ganito talaga ako kapag focus sa trabaho, ibinibigay ang lahat. Kaya nga malupit akong magmahal, ibibigay ko lahat kay Orwa, hindi pa nga lang niya kinukuha. Hoy! Ano na naman ba 'tong nasa isip ko? Naglalandi na naman ako. Tama na nga muna, mamaya na lang ulit para naman harap-harapan akong nakikipaglandian.
Inipit ko ang buhok ko matapos ilapag ang tray sa counter. Kaunti na lang ang tao sa loob at mukhang paalis na rin sila.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nagpaayos ako nang tayo matapos makita si ms. Seila na nakatayo malapit sa office ng manager. Deretsyo siyang nakatingin sa akin. Dahil sa taranta, kung anu-ano na lang ang ginawa ko. Inayos ko ang mga upuan kahit maayos na. Pinunasan ko ulit ang mga lamesa. Baka kasi isipin nitong ang tamad ko at nagpapahinga lang ako. Kung kailan uwian na saka ako nagiging tamad. Malay ko bang pupunta siya rito ngayon. Feeling ko tuloy nagsisisisi na siyang kinuha niya ako rito.
"Uwian na. Hindi ka yayaman sa ginagawa mo. Tama na pagkukunwari." Natigil lang ako nang agawin ni ms. Deborah ang pamunas ng lamesa.
"Wala ng customer, o? Magsasarado na rin tayo, ano? Dito ka na lang?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ng ilang mga kasamahan namin. Hindi muna ako sumagot, tumingin Ninaw ako sa gawi kung saan nakatayo si ms. Seila kanina, wala na siya roon. Pati pag-alis niya hindi ko namalayan.
"Hindi ka mapapanahan kahit pa linisan mo to lahat," biro ni Marga.
"Mag-ayos ka na at mag-time out," utos ng manager. Napakibit balikat na lang ako. Malt ko bang uwian na, nataranta lang naman ako kay ms. Seila, hindi ko kasi akalain na pupunta siya rito, e.
Katulad nang sinabi niya, nag-ayos na ako. Naghilamos lang ako para matanggal ang oily ng face ko. Tamang pulbos at liptint. Magkikita kami ni Orwa, baka sabihin niyang mas'yado akong napagod sa trabaho. Ayaw ko pa namang mapagod sa trabaho, gusto ko siya lang papagod sa akin. Rawr!
"Agahan mo mo bukas, girl, kasi may audit bukas." May pagbabanta sa tono ng boses ni Berna, cashier siya rito.
"Oo, narito bukas ang asawa ni madam, matapang 'yon. Ayaw niya sa lahat ang late," dugtong ni Marga. Dahil sa mga sinabi nila, lalo tuloy akong kinabahan. Si ms. Seila na nga lang todo na ang kaba ko, paano pa kaya ang asawa niya?
"Palagi ba siyang andito?"
"Hindi naman, ngayon na lang ulit. Basta wala siyang makitang mali sa 'yo, ayos lang," ani Marga.
"Tama, sis, basta magtrabaho ka lang. Sige pala, kailangan ko nang umuwi."
"Sabay na ako. Bye, Sunshine."
Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang lumalabas. Bumuntong-hininga ako bago nagsimulang lumakad na. Bukas pa ang ilaw sa office ng manager, mukhang mamaya pa siya uuwi.
"Goodbye ma'am. May nag-aantay po sa inyo kanina pa, boyfriend niyo ata." Sumalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi ni manong. May naghihintay raw sa akin? Boyfriend? Si Orwa sinundo ako? Ehe! Feeling ko talaga ang ganda-ganda ko. Bakit ganito lola? Grabeng kagandahan naman ang pinamana niyo sa akin.
Dahil sa sinabi ni manong, dali-dali akong lumabas. Hinagilap pa ng mata ko si Orwa. Hindi nga ako nagkamali, nakit ko siyang nakaupo sa isang sulok. Nang makita niya ako, agad siyang napatayo.
Napakagat pa ako sa labi habang dahan-dahan akong lumalapit sa kaniya. Bakit parang may disco sa loob ko? Bakit nagwawala ang puso ko? Palagi ko namang nakikita si Orwa, magkasama kami sa bahay, mula sa paggising sa umaga siya ang kasama ko at hanggang sa pagtulog sa gabi. Bakit naman kaunting oras lang excited akong makita siya?
"Kanina ka pa?"
Iling lang ang isinagot nito at kinuha ang bitbit kong bag.
"Pagdating ko, pasarado na rin kayo," saad nito at agad akong hinigit sa beywang. Napatili pa ako matapos niya itong gawin. "Na-miss kita bigla, tara na sa bahay?" Bulong nito at saglit akong hinalikan.
Tara sa bahay? Anong gagawin namin sa bahay? Maglalaro ba kami? Anong lalaruin ko? Muli akong napakagat sa labi at mahina siyang hinampas sa dibdib. Dumausdos ang kamay ko pababa sa kaniyang abs. Ugh! Enserep.
Mabuti na lang at gabi na, walang makakakita sa kalandian ko rito. Kung saan-saan ako nagkakalat. Lola, ang batang inusente niyong pinalaki, unti-unti nang nawawala sa sarili.
"Kung anu-ano talagang iniisip mo, tara na nga."
Ang mga ngiti sa labi ko kanina ay biglang nawala, matapos pitikin ni Orwa ang ilong ko. Ano ba naman 'to! Tuwing maganda na ang imagination ko bigla na lang niyang pinuputol. Kainis!
"Kamusta naman ang trabaho mo?" tanong nito habang naglalakad kami pauwi. Hindi naman gano'n kalayo ang bahay, paminsan masarap din maglakad lalo na kung may kahawak-kamay ka.
"Maayos naman."
"May hiring ba? Gusto kong lumipat sa inyo." Agad sumalubong ang kilay ko matapos niya itong sabihin.
"Bakit? Ayaw mo na ba sa trabaho mo? Mahirap ba?"
"Hindi naman, gusto ko kasi kasama kita. Parang tinatamad ako palagi kapag 'di kita nakikita."
Ehe! Parang tanga Orwa! Hinawi ko pa ang buhok kong daig pa si Rapunzel sa haba. Bakit ba? May Orwa ako, kaya p'wede akong mag-inarte.
"Sino kayang p'wedeng kausapin?" tanong nitong muli. Base sa pananalita niya, alam kong seryoso siya. Kailan ba ito hindi naging seryoso? Sa panglandi niya lang sa akin 'to hindi seryoso.
"Si ms. Seila nagpasok sa akin, hindi ko alam sino p'wedeng kausapin." Wala naman akong masabi, alangan naman papuntahin ko 'to kay ms. Seila, mas nakakahiya naman ang gano'n. Ako na nga lang ang pinasok sa trabaho tapos ako pa may gana na pagpasok ng iba. Gusto ko rin namang andoon si Orwa, para palagi akong inspired.
"Bukas? Tingin mo?" Bumagal ako sa paglalakad at tumingala para tingnan ang gwapo niyang mukha. Sa daan siya nakatingin ngayon.
"Hindi ka papasok bukas?"
"Oo."
Kumibit-balikat ako at muling tumingin sa dinaraanan namin. Madilim ang langit, pero dahil maraming establisyemento ang nasa paligid, nagbibigay ito ng liwanag sa daan namin. May mga sasakyan na dumaraan sa gilid ni Orwa. Normal na paglalakad sa gabi, na may kasamang jowa.
"Ayow ko na kasi roon, nanghihina ako kapag hindi ko nakikita ang kagandahan mo."
"Che!"
Bakit ba ganito ang lalaking 'to? Ang hilig niyang magbiro ng ganito? Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko? Parang miss na miss ako sa araw-araw. Wow! Kung makapagsalita ako hindi ako gano'n. Samantalang kanina nga no'ng nakita ko siya, tuwang-tuwa ako.
"Sandali, gusto mo bang kumain ng balot?" alok nito nang may matanaw kaming nagbebenta ng balot. Sakto, matagal na akong hindi nakakakain ng balot. Naglapag agad ang bagang ko at napalunok.
"Oo naman, dito na ba natin kakainin?" Inayos ko muna ang buhok ko bago kami huminto sa tapat ng vendor. May mga bumibili rin, may ilan sa gilid na kumakain.
"Kumakain ka ba ng sisiw?"
"Oo naman."
Hindi ko mawari ang mukha niya nang sabihin ko 'yon. Ito na naman ang mapanukso at mapang-akit niyang ngisi. Ano bang problema nito? Bakit ba ang hilig niyang manukso? Parang tanga! Alam na nga niyang marupok ako, panay pa siya ganito sa akin. Ang daming tao rito, ha!
Nanunuyo ang lalamunan ko at muling nagwala ang lamang loob ko, matapos niyang kagatin ang labi niya. Shet! Lola kailangan ko ng gabay niyo. Bumibigay na naman ang butihin at inosente niyong apo. Makasalanan na ako mas'yado lola. Sorry po talaga dahil palagi na lang akong natatalo sa tukso.
Yumuko si Orwa at dahan-dahang inilapit ang bibig sa tainga ko. Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko. Oo, lahat ng balahi mo na maaaring tumayo.
"Mahilig ka pala sa mabuhok?"
"Hoy! Ano ka ba? Mamaya may makarinig sa 'yo. Bumili ka na nga ng balot, tumataas ang balahibo ko sa mga sinasabi mo. Susmaryosep!'
Loko talaga 'to! Kung anu-anong pinagsasabi niya. Mabuti na lang at binulong niya lang, kung hindi talagang pagtitinginan na naman ako rito. Mahilig sa mabuhok, bakit, mabuhok ba kaniya? Hoy! Ano ba 'tong utak ko? Ang akala ko maayos na ako. Ang akala ko hindi na ako manyak kung mag-isip. Sa tuwing may sinasabi si Orwa, palagi na lang namamanyak ang utak ko. Bad girl ka na Sunshine! Kapag ako talaga minulto ni lola at hinampas ng kawali, lagot ka sa akin Orwa.
"Bumili na ako, tig-dalawa tayo. Baka nabitin ka kapag isa lang." Sabay kindat nito. This time, malakas ang pagkakasabi niya.
Mabilis nahulog ang panga ko at napatingin sa mga taong maaaring makarinig. May tatlong babaeng bibili pa lang, may kantandaan na sila, siguro ka-edad nina Mayora. Dahil sa narinig nilang sinabi ni Orwa, napakagat pa sila sa mga daliri nila at tiningnan ng malagkit ang boyfriend ko.
"Ano ba 'yan! Tara na nga!" inis kong hinila si Orwa palayo. Ang lakas nito sa mga tita talaga. Naalala ko na naman ang gustong paglalandi nina Mayora noon. Totoo pala talaga na masakit sa ulo ang magkaroon ng boyfriend na gwapo.
Pinagpatuloy namin ni Orwa ang paglalakad. Habang ako pulang-pula na sa hiya, siya naman, tawa nang tawa. Tuwang-tuwa talaga siya kapag naaasar ako ng ganito.
"Mahal."
"Che! 'Wag mo kong kausapin!" Bahala siya d'yan, hindi na ako natutuwa sa kalokohan niya.
"Mahal ko...ayiiiieee...Mahal..." Napaiwas ako matapos niyang kilitiin ang tagiliran ko. Pinipilit kong hindi tumawa dahil sa ginagawa niya. Bahala siya! Hindi ako tatawa kahit pa kilitiin niya ako.
"Mahal ko..."
"Ano ba? Parang tanga!"
"Tatawa na siyaaaa."
"Hindi!"
"Tatawa na!"
"Ewan sa 'yo!"
Halos mamanhid ang labi ko sa lapipigil ng tawa. Nakakainis talaga! Bakit ba ang rupok ko? Dapat magtatampo ako, bakit naman ganito? Kinikilig pa ako lalo sa ginagawa niya.
Dahil sobrang bait ko at mapagmahal. Hinayaan ko na ang sarili kong matawa sa kalokohan ni Orwa. Ganito talaga ako pinalaki ni lola, dapat maging mabait at mapagmahal. Hindi ko masisisi ang karupukan ko, ganito ang nagmamahal. Charot! Damay ko pa lahat sa kalokohan ko.
"Dito ka lang mahal." Agad akong napakapit sa beywang ni Orwa matapos ako nitong higitin palapit sa kaniya at yakapin.
Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa bahay. Napansin ko lang 'to noong napadaan kami sa bahay ni Lola Remejos.
Katulad nang inaasahan ko. May mga tambay na naman sa barbequehan. May mga batang kahit gabi na, nagtatakbuhan pa rin paikot sa mga magulang nilang panay ang chismis.
"Orwa!" sigaw ni mang Berto at kunaway pa. Binati rin naman ito pabalik ni Orwa. Nice! Akala mo talaga matagal na siyang dito nakatira. Kung makipag-tropa sa kapit-bahay akala mo naman totoo siyang tao.
"Sandali lang, may nagpapabigay sa inyo." Papasok na sana kami sa loob matapos marinig ang pagtawag ni mang Berto. Inalis ni Orwa ang pagkaka-akbay sa akin at hinarap ito. Ako naman ang nagbukas ng gate.
"May lalaki kanina rito, sabi niya may delivery raw kayo."
"Delivery? Kanino naman kaya galing?" sabat ko. Wala naman akong inaasahan na magpapadala sa akin. Wala akong kilalang kamag-anak, hindi rin ako nag-order sa online.
"Baka mali ang address?" Inabot ni Orwa ang pouch. Hindi naman ito gano'n kalagi, parang documents ang laman.
"Hindi ko alam, basta sabi Sunshine Olivarez, e."
"Sige po, salamat dito." Balak ko pa sanang magsalita, pero nag-aya nang pumasok si Orwa. Siya na rin ang nagsarado ng gate.
"Sino namang magpapadala n'yan?"
"Ewan, bakit hindi natin buksan? Baka para sa 'yo talaga?" Saglit akong napaisip at tumango. Mukha namang hindi ito bomba, kaya wala namang masama kung titingnan ko ang loob.
Umupo muna kami ni Orwa. Sa wakas ay nailapat ko na rin ang likuran ko. Masarap sa pakiramdam ang ganito. Kung kaninang naglalakad hindi ko dama ang pagod, ngayong nakaupo na kami, saka ko naramdaman.
Dahil si Orwa ang may hawak ng ipinadala raw, siya nang nagbukas.
Bumungad sa amin ang isang maliit na sobre. Ano naman kaya 'yan? Pera ba 'to? Wala akong naalala na hiningian ko ng pera.
"Buksan mo nga," utos ko kay Orwa na siya namang sinunod nito. Sumalubong ang kilay ko nang makita ang laman.
"Ano 'yan? Tingin na." Inagaw ko 'to sa kaniya.
Sa hindi mawaring dahilan, bila akong nakaramdam ng kaba. Nanginginig ang mga mata kong nakatitig dito. Kung inaakala kong magulo na ang isip ko, may isang bagay pang nagpagulo sa akin. Binagabag nito ang buong pagkatao ko. Ang mga tanong sa utak ko ay lalong dumami.
"DNA test result?" Nanginginig ang boses ko habang binabanggit ito. Nanunuyo ang lalamunan ko at maging kamay ko ay namamawis.
DNA result nino? Sa akin? Pangalan ko ang nakalagay rito at may sulat na positive. Anong ibig sabihin nito? Maaari bang isa sa mga magulang ko ang may-ari nito?
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako sa isang bagay na hindi ko maintindihan. Ang ibig sabihin nito, isa sa mga magulang ko ay kilala na ako? Pero bakit hindi pa siya ang magpakilala sa akin? Sino siya? Sinong nagpadala nito? Nasaan ang mga tunay kong magulang? Bakit hindi nila magawang magpakita sa akin ngayon?
Sa katotohanan na unti-unti kong nalalaman, lalong gumugulo ang utak ko. Lalo nitong ginugulo ang buhay at pagkatao ko. Sino ang tunay kong magulang?