Chapter 34

2645 Words
"Sunshine paki bigay naman ito sa table 3, tapos ikaw Marga linisan mo 'yong table 8. Bilisan ninyong kumilos, kanina pa ang tingin dito ni sir." Halos hindi kami magkanda-ugaga sa pagtatrabaho. Hindi ko akalain na biglang dadagsa ang tao ngayon, kaliwa't kanan rin kung tawagin kami. Dagdag kaba pa ang boss namin, kanina pa siya nag-iikot at titingnan ang galaw namin. Bakit ba ganito? Sunod-sunod naman mas'yado ang iniisip ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. Sa totoo lang, hindi ako nakatulog ng maayos, maging si Orwa, panay ang tingin niya sa akin sa k'warto. Binabagabag ako ng nakalagay sa papel na 'yon. Pero kahit pa ang dami kong iniisip, kailangan kong maging matatag, kailangan kong magtrabaho ngayon. Kung ang isang piraso ng papel na 'yon ang magtuturo palapit sa magulang ko, maaaring ang nagbigay no'n ay kilala ang tunay kong magulang. Sino doon? Ang nanay ko o ang tatay ko? "Sunshine, break ka muna. Baka ipamana na itong café sa kadakilaan mo" Napatigil ako sa paghablot ni ms. Deborah. Balak ko pa sanang umapila, pero pinadilatan lang ako nito at sumenyas na kailangan ko siyang sundin. Hindi ko namalayan ang oras, lagpas na pala ako sa dapat na break time ko. Bakit hindi ako makaramdam ng gutom? Dahil ba 'to sa kung anu-anong iniisip ko? Bakit ba kasi nangyayari sa akin ang ganito? Noon naman tahimik ako, bakit ngayon parang binabagabag ako ng nakaraan. Hindi ko alam kung dapat ba akong natuwa dahil unti-unti ko na ring nakikilala ang mga magulang ko, I natatakot na ako malamang hindi nila ako tatanggapin. Hindi ko na alam. Lutang ako ngayong araw, hindi ko rin magawang makipagkulitan sa mga kasamahan ko. Wala ring nakakapansin dahil busy ang lahat. Narito ako sa pantry, hindi naman 'to gano'n kalaki, tama lang ang tatlong tao sa loob. Hindi naman kasi kami sabay-sabay na kumakain. Inilabas ko na ang pinabaon sa akin ni Orwa, sa totoo lang, ayaw kong kumain, pero alam kong magagalit si Orwa sa oras na malamang niyang hindi ko kinain ang pinabaon niya sa akin. Paburi ko pa naman ito. Adobong atay ng manok. "Hi ate, pasabay." Muntikan ko pang maitapon ang bauban ko nang biglang may sumulpot sa harapan ko. Bwisit na lalaking 'to! Bakit ba nanggugulat siya? Ang ganda na ng pagda-drama ko tapos gan'yan pa siya. "Sorry kung nagulat ka, ngayon kasi break time ko.". Ngumiti ito. Hindi na ako nagbigay pa ng pansin. Wala naman din akong balak makipag-usap. Gusto ko na lang matapos kumain. Naglapag siya ng bauban sa lamesa, nagkatapat kami ngayon, pero wala akong imik. Nakatingin lang ako sa cellphone ko at binabasa ang sweet message ni Orwa. Tuwing nagpapahinga siguro ito, panay ang text sa akin. Para akong nagbabasa ng isang short story sa dami ng text sa akin. Kahit papaano, may isang taong nag-aalis ng stress ko. Kahit gaano kagulo ang utak ko, may isang tao na kagaya ni Orwa. Dumating sa buhay ko, para bigyan ng kasiguraduhan ang isang bagay. Na kahit minsan, may isang taong kaya akong mahalin, kahit alam kong iiwan din niya ako kapag natapos na ang misyon niya. Haaayst! Ano ba naman 'to, bakit ba ang drama ko? Nakakainis na! "Miss ayos ka lang ba? Bakit umiiyak ka? Oy, hindi kita inaway ha? Kakain lang sana ako rito. Aalis na pala ako." "Hoy! Mukha ba akong umiiyak?" Tinaasan ko siya ng kilay. Balak ko sanang mangmaldita, pero natatawa ako sa mukha niya. "Biro lang. Bago ka lang no?" "Kahapon lang nag-umpisa, sa dining ako." "Kaya pala. Day-off ko kahapon kasi. Jeremy Madrigala nga pala." Ipinunas pa niya ang kamay sa manggas ng uniform niya. Base sa ityusra ng suot nito, sa kitchen siya naka-destino. "Sunshine Olivarez." Pag-abot ko sa kamay niya. "Sunshine Olivarez, magandang pangalan." Ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Mukha namang matino ang lalaking 'to. Para siyang kumedyante, may pagkahawig nga siya kay Bayani Agbayani. Mas chubby lang siya. "Bakit ngayon ka lang kumain? Kanina pa dapat break ng mga nasa dining, marami kasing tao?" "Hindi naman, wala lang akong gana. Kung hindi lang magtatampo jowa ko kapag hindi ko 'to kinain, baka andoon pa rin ako." Alam kong pinaghirapan itong lutuin ni Orwa, tapos sasayangin ko lang? Kahit puyat 'yon, nagawa niya pa rin akong bigyan ng oras para paglutuan. "Grabeng sipag mo naman, ikaw tagapag-mana?" Muntikan ko pa tuloy maibuga sa mukha niya ang iniinom kong tubig. Bakit ba palagi na lang sinasabi na tagapag-mana? Nagta-trabaho lang sana ako ng marangal. Well, ayan din naman ang sinasabi ko sa dati kong trabaho, lalo na sa mga bida-bida na feeling may malaking pamana mula sa boss. "May iniisip lang kasi ako kanina." "Grabe naman 'yon, mahal ka ng jowa mo." "Hindi naman kasi 'yon. May problema lang ako sa buhay ko, labas ang boyfriend ko." Saglit na katahimikan ang bumalot, hindi siya muna nakapagsalita. Dahil tapos na akong kumain, niligpit ko na muna ang baunan ko. Nasa trabaho ngayon si Orwa, panigurado akong abala 'yon. Kaya nag-iwan ako ng text, nagsabi akong maayos naman ang kalagayan ko, alam kong pati siya naaapektuhan sa nangyayari sa akin, ayaw ko namang madamay pati ang trabaho niya. "Wag ka paapekto sa lahat, malay mo naman nangyayari ang isang bagay, dahil may dahilan?" Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng kaba. Mabilis ang t***k ng puso ko. Sa tono ng pananalita nito, hindi ko mawari kung ano ang hatid nito. "S-sige, babalik na ako sa trabaho." Pilitin ko pang huwag manginig ang boses, ito pa rin ang kinalabasan. Hindi ko na hinintay pang magsalita siya, inilagay ko na sa locker ang bag ko. May oras pa naman bago ang bakit sa trabaho, pero wala na akong gagawin, gusto ko na lang magtrabaho, gusto ko malihis ang utak ko. Matapos ko mag-time in, inayos ko ang hairnet na suot ko. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa kinatatayuan ng asawa ni ms. Seila. Nakahalukipkip ito habang ang mata ay pagala-gala. Matalim kung tumingin ang singkit niyang mata, mediyo mataas ang hairline niya kaya aakalain mong napapanoot na. May suot pa itong salamin. Naka-polo itong skyblue at black pants. Matangkad din siya, malaki ang pagkahawig nila ni Lyka. Saka lang ako bumalik sa sarili nang napatingin ito sa p'westo ko. Muntikan ko pa ngang matabig ang baso sa sobrang taranta. Bakit ko ba tinititigan ang boss ko? Nababaliw na nga ata ako. Balik-trabaho. Mabilis ding umandar ang oras, ngayong malapit na ang gabi, paunti na rin nang paunti ang mga taong kumakain. Kahit papaano ay nakakapagpahinga kami. "Si ma'am Lyka, kumilos ka kahit wala kang ginagawa," utos ni Marga nang napadaan siya sa nililinis kong lamesa. May ginagawa naman talaga ako at kanina pa ako kumikilos. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Lyka, kausap niya ngayon ang daddy niya. Mukhang seryoso ang usapan na 'yon, hindi ko nga lang alam kung ano, dahil malayo sila sa akin. Isa akong dakilang chismosa, kahit pa man kumikilos ang kamay ko, ang mata ko ay nakatuon sa kaniya. Ilang saglit pa, sabay silang napatingin sa pintuan, dahil chismosa ako, napatingin din ako. Sumalubong ang dalawa kong kilay matapos makita ang naroon. Si Orwa, kausap niya si ma'am. Seila. Take! Anong ginagawa ni Orwa rito? Uwian na pala nila. Napalunok pa ako matapos na makitang lumapit doon sina Lyka at ang dad niya. Potek! Seryoso talaga si Orwa? Tatlong boss namin ang kausap niya. Lalo tuloy akong hindi makapagtrabaho ng maayos. May katagalan din ang usapan at pansin ko ang pagtango ng tatlong boss. Nakipagkamay pa si mr. Jack, rito. Napalunok ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Juskodai! Tanggap na ba si Orwa sa trabaho? "Ang kintab na ng lamesa." "Susmaryosep!" Napalundag ako sa gulat. Nabitawan ko pa ang hawak kong pamunas. Nasobrahan na ba talaga ako sa kape? "Kanina mo pa pinupunasan 'yan, tanggal na ba lahat ng germs?" "Sorry po." Haayst! Ano ba Sunshine? Puro ka talaga kahihiyan, kung anu-anong ginagawa mo. Natuon ba naman ang buong atensyon ko sa apat na nag-uusap malapit sa office ng manager. "Boyfriend mo siya 'di ba? Mukhang dito na rin mag-trabaho? Kaso bawal 'yon, hindi 'yan papayagan ni sir." Humaluki si ma'am Deborah habang tumatnago. Lantaran siyang nakatingin doon na akala mo ay pumupuna ng isang artwork. Jusmiyo! Taas baba pa ang kilay niyang isang guhit lang. "Ibabalik ko lang po–" "Mamaya na. Kunwari ka pang nagtatrabaho ka ng maayos. Tama na kaplastikan mo, tigil mo na 'yan. Sige lang, punasan mo 'yang lamesa." Hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to, ano ba ang gusto niya? Dito lang ako? Magpupunas ng isang lamesa? "Punasan mo 'yan, kunwari may ginagawa ka. Ang pogi ng boyfriend mo, ah? Saan mo nakilala 'yan?" Agoy! Kaya naman pala gusto niyang dito lang ako, gusto niyang mag-chismisan kami rito. Ayos pala 'tong si manager, ang akala ko noon, masungit 'to, hilig din pala ang chismis. "Magaling ba? Mukhang nakakasira ng kama." "Madam!" "Bakit? Ayos lang 'yan, halata naman sa katawan niya, tingnan mo pa ang mga daliri niya." Nakunot ang noo ko sa sinabi niya. Para siyang nagnanasa sa boyfriend ko. Kakaloka! Pati ba rito may aagaw sa akin kay Orwa? "Pero ingat ka, malagkit tumingin si Lyka, malandi 'yan." "Grabe naman, malandi talaga? Boyfriend niya ang boss namin noon." Dahil sa sinabi ko, nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin. Wala na, ganito na lang kami, panay ang chismisan, mukhang binabayaran kami para pag-usapan ang buhay ng boss namin. Mukhang may ikikintab pa ang lamesa, kanina pa ang punas ko rito, mabuti na lang at hindi kami sinista ng mga katrabaho ko. Si manager ba naman mismo ang nag-utos sa akin, tapos gusto pa niyang pag-usapan namin si Lyka. Swerte lang namin, abala ang apat sa pag-uusap. "Tangik, lipat tayo ng lamesa." Hila nito sa akin palapit sa isang lamesa na katatayo lang ng mga kumain. Kaloka talaga! Talagang gagawan ng paraan para lang sa gusto niyang usapan. "Boss mo noon si Tyron?" Sunod-sunod ang pagkurap ng mga mata nito, habang nakatingin sa akin, para siyang chismosang kapit-bahay na nag-aabang ng balita. "Opo." "OMG! Alam mo ba kung bakit sila naghiwalay?" "Malay ko po, wala naman akong pakialam sa kanila. Isa pa, artists si Lyka, maraming lalaking nagkakagusto sa kaniya." Totoo lang. Wala akong pakialam kay Lyka, sa mommy niya p'wede pa, dahil idol ko 'yon. "Dapat may pak–palapit si madam Seila." Pag-iba nito. Agad naman akong naging abala sa pagligpit. "Tapos dapat maayos mong pupunasan 'yan, kailangan malinis talaga 'yan kapag may customer na." Aba! Dakilang mapagpanggap na empleyado pala itong si manager. Kung kailan malapit na sa amin si ms. Seila, saka siya nagsalita. Parang kanina lang sinabihan niyang malandi si Lyka, tapos gusto pa i-chika sa akin kung paano naghiwalay ang dalawa. Hindi ko rin alam kung nasaan na 'yon napunta, busy kasi ako mas'yado sa pagligpit ng mga pinagkainan ng customer. "Sunshine?" Bahagya pa akong napapikit nang marinig ang boses ni ms. Seila. Gosh! Ang lambing talaga ng boses niya, parang mas bata pa siyang pagsalit kaysa sa boses ko. "Po?" Pasimple na hindi ko alam na andito siya. Humarap ako sa kaniya. Ang ganda niya talaga, bagay ang shade ng light pink niyang lipstick. Nakasuot lang siya ng simpleng brown pocahontas top at brown pants, pero para talaga siyang manika. "Kamusta ka naman dito? Nahihirapan ka ba?" Malambing ang pagkaktanong niya nito. Ganito ba siya talaga kabait? "Maayos naman po, thank you po talaga rito." Ngumiti ako at tumango. "Wala 'yon, ang boyfriend mo, gusto rin dito magtrabaho. Ang sweet ninyong dalawa." Totoo nga, kinausap niya talaga ang mga boss ko para lang makapasok dito? Grabe ka na Orwa! "Kahit hindi niyo na po siya kunin, ayos lang naman po sa akin." "Pumayag na ang husband ko. Mabait naman pala ang boyfriend mo, mabuti naman at may nag-aalaga sa 'yo." Hindi ko alam kung bakit ganito ang hatid ng hangin. Hindi mapigil ng labi ako ang ngumiti sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni ms. Seila. Siguro dahil maganda siya at sobrang idol ko? Tapos nalaman kong sobrang bait niya pala talaga. "Mom, I think we should go na? Gusto na ring umuwi ni dad." Sabay kaming napatingin sa gawing kanan kung saan naroon si Kyla. Maarte pa nitong hinawi ang buhok, naalala mo na naman ang sinabi ni Manager. Ano ba 'yan! Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak ko. Grabe man-demonyo naman si manager, hinuhusgahan ko na tuloy ang anak ni ms. Seila. "Sure. Mag-iingat ka palagi Sunshine." Tumango lang ako sa sinabi niya. Gusto ko sana siyang yakapin, pero nasa lugar kami na pag-aari niya. Nauna siyang lumakad, mukhang sinadya ni Lyka na magpaiwan. Dahil grabe kung tumingin sa akin, pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho, paalis na sana ako roon matapos niyang magsalita. "He's not suit for a girl you. Mas'yadong mababa ang pagkatao." Daig pang bumagsak sa akin ang langit sa mga narinig ko. Iba ang hatid na kirot nito sa puso ko. Parang bumalik sa akin ang panlalait ng mga tao noon, dahil sa hindi ako nakatapos ng kolehiyo, na wala akong pamilya. Alam ko ang tinutukoy niya, hindi ko rin naman inasahan na darating sa buhay ko si Orwa. Hindi ako nakatingin sa kaniya, narinig ko na lang ang paglakad nito paalis. Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy na lumakad. Nang mailapag ko ang mga platong nilinis ko, napansin ko ang paglapit sa akin ni manager. "Anong sabi sa 'yo no'ng malandi na anak ni ms. Seila?" Umuling lang ako sa sinabi niya. Ayaw ko namang magbitaw ng salita, kahit masakit ang sinabi sa akin no'n, may katotohanan naman. "Hayaan mo, kakampi mo naman kami. Hindi ko nga alam kung saan nagmana ang babaeng 'yon, ang bait ng mommy niya." Bastos man sa paningin niya, pero lumayas ako roon. Pinagpatuloy ko ang trabaho ko, wala ako ibang gustong gawin kung hindi makalimutan ang lahat. Sunod-sunod naman 'tong problema ko, bakit kailangan pang sabay-sabay silang dumating ngayong araw. Gusto ba talagang mabaliw na ako ng tuluyan? Natapos ang araw ng trabaho. Hindi ako makaramdam ng pagod sa katawan, pero ang utak ko, pagod na pagod na kakaisip. Kailan ba 'to matatapos? Kailan matitigil. "Mahal." Hindi ako umimik. Kanina pa narito si Orwa, hinintay niya rin akong umuwi. "Alam mo bang pumayag na ang boss mo? Sa lunes p'wede na ako mag-umpisa." Masaya ang tono ng pananalita nito. Normal na gabi para sa amin, bitbit niya ang bag ko at magkahawak kami ng kamay. Nag-aya siyang sumakay na lang kami, pero ayaw ko. Gusto kong maglakad, nagbabakasali na mayro'n akong makikitang sagot. "Ayos ka lang ba mahal?" Ilang beses niya akong tinanong, pero wala siyang nakuhang sagot. Nakatingin lang ako sa daan, pero ang utak ko, hati-hati na sa dami ng iniisip. "Sandali nga lang." Pigil nito sa akin sa paglalakad. "Humarap ka sa akin, mahal." "Umuwi na tayo," saad ko mula sa malamlam kong boses. Sobrang bigat ng dibdib ko, gusto kong umiyak ngayon, pero ayaw kong magmukhang mahina sa labas. "Mahal, andito ako para sa 'yo. Kung may problema ka, andito ako, hindi kita iiwan, p'wede mong sabihin sa akin lahat. Kung nasasaktan ka ngayon, mas donble niyan ang nararamdaman ko." Dahan-dahan niya akong hinawakan sa pisngi at hinarap sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin, ramdam ko ang sakit sa mga mata niya. Nakakainis naman! Ayaw ko ng drama, pero bakit sunod-sunod ang kamalasan ko? Bakit ba pilit akong ginugulo ng nakaraan? "Mahal kita, tandaan mo palaging kahit anong mangyari, nasa tabi mo ako." Hindi na napigil ng luha ko ang bumagsak nang higitin ako nito ng yakap. Ang luha na kanina ko pa pinipigil ay tuluyan ko ng pinakawalan. Humigpit ang yakap ko kay Orwa, sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Wala akong pakialam kung nasa labas kami ngayon. Ang alam ko lang, gumaan ang pakiramdam ko sa pag-iyak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD