"Hintayin mo na lang muna si madam dito. Inaayusan pa siya ni Trixie. Pero unfairness sis ang handa mo, hindi ka mukhang PA." Manipis akong ngumiti sa sinabi ng baklang make-up artist ata ni ms. Seila.
Mataas na ang sikat ng araw, ramdam din ang mainit na singaw ng lupa. Mabuti na lang at nahahagip ako ng hangin galing sa electric fan.
Narito ako sa loob ng isang tent. Hindi pa official na ako ang PA ni ms. Seila, pero pinapunta nila ako rito para personal siyang makita.
Parang may kung ano sa dibdib ko ngayon. No'ng tumawag nga sila at pinapapunta ako rito, halos magsisigaw ako sa tuwa. Shet! Makikita ko na ang idol ko.
Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi maalis ang tingin sa pinto. Mamaya bigla na lang pumasok ang idol ko. Feeling ko talaga hihimatayin ako kapag makita ko siya ng malapitan.
"And'yan na si ms. Seila."
Halos dumausdos ako sa kinauupuan ko ng marinig ang sinabi ng bakla kong kasama. Inayos ko ang buhok ko at huminga ng malalim. Kalma ka lang Sunshine.
Namilog ang mga mata ko matapos bumukas ang pinto, nauna pang pumasok ang stylist ni ms. Seila at hindi naglaon, pumasok na rin siya.
Sandaling tumigil ang mundo ko nang makita siya. Halos tumigil din ang pagtibok ng puso ko nang sandaling magtagpo ang mga mata namin. May kakaiba sa nararamdaman ko ngayon. Ito ang unang beses ko siyang nakita sa personal, pero bakit daig ko pang nakasama na siya ng matagal noon? Ganito na ba ako kabaliw sa pag-idolo sa kaniya? Grabe naman ang pagiging fan girl ko.
"Ms. Seila siya po pala ang pinadala ni Tyron. Bago niyong personal assistant." Pagpapakilala sa akin ng bakla. Dali-dali akong tumayo, nanginginig pa ang mga kamay kong inabot kay ms. Seila.
Shet! Ang ganda niya talaga. Para siyang isang dinawata na napadpad lang sa lugar na 'to.
Sunod-sunod ang pagkurap ng mga mata ko habang hindi pa rin maalis ang atensyon sa kaniya. Ang swerte ko naman. Kukunin na ba ako ni Lord? Magkikita na ba kami ni lola kaya pinakitaan na ako ng ganito kagandang nilalang?
"S-Sunshine po."
Kahit pa nanginginig ang boses ko, magpakilala pa rin ako. Mukha atang napansin niya ito kaya mahinhin siyang natawa.
Sobrang kainis talaga ng mukha niya, pati mga mata niya ang ganda. Bagay na bagay sa kaniya ang burgundy red niyang buhok ngayon.
"Girl, iabot mo na ng resume." Doon ko lang naalala ang pakay ko kaya narito ako. Hindi pala ako dumalaw lang dito, nag-apply pala ako ng trabaho.
"Sorry po."
"It's okay."
Mahinhin niyang saad at inabot ang resume ko. Napalunok ako ng laway matapos niyang buklatin ang folder.
"Dito tayo," aya niya palakad sa isang gilid. May upuan doon.
May kalakihan ang tent na ito. May mga damit na naka-hangger sa gilid, may iilang staff ng set o baka tauhan din ni ms. Seila. Ang mga bakla kanina na kasama ko, lumabas muna saglit.
May shooting sila rito ngayon, mukhang magtatagal pa sila rito kaya hindi rin ako mahihirapan kung sakali na ako ang makukuha niyang personal assistant.
"So, ikaw si Sunshine Olivarez..." napatigil siya matapos mabasa ang pangalan ko. Napatingin din siya sa akin at halata ang gulat sa mga mata.
"Opo, apilyedo po 'yan ng nanay ko," paliwanag ko rito. Tumango lang siya at muling tinginan ang resume ko.
Habang binabasa niya ito, nakatingin lang ako sa resume ko. Ilang saglit pa, napansin ko ang mahigpit nitong paghawak sa resume ko.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mga kamay niya. Sumilip pa ako sa resume ko, baka may mali ako nailagay? Pero ilang beses na 'yang na-check. Ang OA niya namang mag-react kung may mali sa resume ko. Ganito ba mga artista?
"Bumalik na lang. Patatawagan kita." Deretsyong saad nito at sinara ang folder.
"Sige po, pero pwede po bang magpa-picture?" Nahihiya kong tanong. Itinaas ko pa ang cellphone ko.
Ilang saglit siyang tumitig sa mukha ko, parang bawat sulok ng mukha ko inaalam niya.
"Kung okay lang po sana. Ako rin po pala 'yong nanalo ng gift certificate sa contest niyo. Sorry po kung feeling ko magkamukha tayo."
Ngayon ko na 'to sinabi lahat, feeling ko kasi hindi ako ang makukuha nito para sa trabaho. Hindi ata nagustuhan ang nakita sa resume ko.
Sunod-sunod ang kurap ko at pilit ang ngiti. Naiilang ako sa titig niya sa mukha ko. Hindi ko maintindihan kung nilalain na ba ako nito sa isip niya. Gano'n na ba ako kapangit? Baka nagtataka siya kung paano kami naging magkamukha at paano ako nanalo. Feeling maganda talaga talaga ako.
"Ms. Seila?" Mahina kong tawag rito, tatlong beses ko pang binanggit ang pangalan niya bago ito bumalik sa sarili. Kulang Siguro 'to sa tulong. Lutang din si idol, e.
"W-what is that again?"
"Kahit isang picture lang po, magkasama tayo. Kung ayos lang po?" Mgumiti akong labas ang ngipin. Wala siyang salitang binanggit, tumango lang siya.
S'yempre dahil ultimate fan girl ako. Tuwang-tuwa akong tumabi sa kaniya, kahit pa weird siyang nakatingin sa akin kaniya.
Itinapat ko ng camera sa unahan namin, todo kung ilabas ko ang ngipin sa pagngiti. Mahinhin namang nakangiti si ms. Seila. Ang ganda talaga niya, mukha talaga akong alalay kapag katabi siya.
"Salamat po, mauna na po ako. Ang ganda niyo po talaga." Tumango lang ito.
Nagpaalam na ako sa kaniya, pero bago ako magkalabas ng tent tinawag niya ako.
"Sandali."
Napahinto ako at lumingon sa kaniya. Napatingin pa ako sa iisang staff na nasa loob, pero mukhang wala silang pakialam. Lahat sila abala sa mga kani-kanilang gawain, may mga nag-cellphone at naglalaro pa ata.
Humakbang ako palapit kay ms. Seila. Ang weird pa rin ng reaction niya, para siyang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
"Kung gusto mo ng trabaho, pwede kitang ipasok sa restaurant namin."
Ilang saglit akong nag-isip sa sinabi niya. Akala mo talaga may choice ako. Nahawa na rin ata ako sa kalutangan nito. Nakakhawa pala ang pagiging lutang.
"Thank you po. Kahit aaan naman po, basta malapit lang."
"Sa Marquxx café."
"Sige po. Ano po bang kailangan kong dalhin na requirements po?"
Halata sa boses ko ang excitement. Kung hindi man para sa akin ang pagiging personal assistant ng idol ko, ang mahalaga sa pag-aari pa rin niyang café ako magtatrabaho.
"Ako na ang magsasabi sa kanila. Maybe tommorow you can start na."
Sunod-sunod ang pagtango ko habang may malawak na ngiti. Parehas kaming nakatayo ni ms. Seila, nakaharap ako sa kaniya kaya kitang-kita niya kung gaano ako kaabnormal.
"Maraming salamat po talaga. Totoo nga ang sabi nila, ang bait niyo po. Pwede pong payakap?"
Hindi pa man siya pumapayag sa gusto ko, agad ko siyang niyakap. May katangkaran siya. Nakapikit ang mga mata ko habang dinadama ang yakap na ito.
Napakagaan sa pakiramdam. Hindi ko kayang ipaliwanag ang damdamin na 'to. Napaka-kumportable at nagiging panatag ang puso ko. Ganito siguro ang pakiramdam ng kayakap ang nanay. Ganito siguro ang nararamdaman ng nga taong may magulang pa. Sa akin kasi, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kapanatagan. Parang walang lungkot.
Naramdaman ko ang paghagod nito sa likuran ko. Mukha atang mas'yado na akong naging ma-drama, baka isipin nitong gusto ko rin maging artista.
"Sorry po sa pagyakap. Kahit papaano nasubukan ko maranasan mayakap ng isang ina. Hindi ko pa po kasi nayakap ang nanay ko." Bahagya akong lumihis at nag-punas ng luha.
"Nasaan na ba ang nanay mo?"
"Wala na po. Patay na raw po sabi ni lola. Sorry po mas'yado akong ma-drama, salamat po sa trabaho na ibinigay niyo. Kailangan ko po talaga 'to."
Walang sawa at tigil akong nagpapasalamat sa kaniya. Totoo pala talagang hindi lang siya maganda, mabait din siya. Sana marami pang mga taong katulad niya na makakatulong sa mga taong kagaya ko.
"Ika–"
Naputol ito sa dapat niyang sasabihin matapos na may magsalitang isa sa staff.
"Ms. Seila, pinapatawag po kayo ni direk." Sabay kaming napatingin sa lalaking staff.
"Sige po, mauna na rin ako. Maraming salamat po. Hulog po kayo ng langit. Hinding-hindi po kayo magsisisi na pinasok niyo ako sa trabaho."
"Sige, mag-iingat ka."
Malawak ang ngiting iginawad niya sa akin, ngunit may iilang tanong akong napansin sa mga mata niya. May nais sabihin ang mga mata niyang hindi kapag bigkasin ng bibig. Pero wala naman ako sa sitwasyon na para itanong kung ano 'yon. Binigyan na nga niya ako ng trabaho aangal pa ba ako?
"Alis na po ako," paalam kong muli at saglit na yumakap sa kaniya.
Haaayst! Kahit pala papaano may napala ako rito. Ang bait talaga ni ms. Seila, kaya hindi ko naiwasan ang mainggit kay Lyka. Ang swerte niya, si ms. Seila ang nanay niya, alam kong inaalagaan siya nito.
Habang naglalakad ako mag-isa papunta sa sakayan ng jeep. Biglang pumasok sa isipan ko ang nanay ko.
Ang malapad na ngiti ko kanina, napalitan ng lungkot. Mas'yado ata akong nadala ng yakap ni ms. Seila.
Nasaan na kaya ang nanay ko? May mga anak na rin kaya siya? Paano niya kaya alagaan ang nga anak niya? Gaano niya kamahal ang mga 'yon? Sa tuwing inaalagaan niya ang nga anak niya, minsan kaya naisip niya na may anak siyang iniwan? O binaon na rin niya ang lahat sa hukay?
Haaay! Bakit ba ang drama ko? Dapat nga masaya ako ngayon, dahil bukod sa nakita ko na ang idol ko, may trabaho pa ako.
Dapat itong I-celebrate. Tutal wala namang ginagawa si Sunny ngayon, pupuntahan ko na lang sila sa bahay nila.
Hindi ako nagsabi kay Sunny na dadalaw ako sa kanila ngayon. Paniguradong magugulat 'yon dahil hindi pa siya naliligo. Ihahanda ko talaga camera ko, kailangan makuhanan ko ang mukha niyang walang make-up at gulo-gulo ang buhok. Nadedemonyo ako ngayon ayaw ko muna maraming drama.
Malapit lang sa pinuntahan ko ang bahay nina Sunny. Nang makababa ako ng, unang jeep na sinakyan ko, kailangan ko pang sumakay ng isa pang jeep. Bago 'yon, dumaan muna ako sa palengke, bibili ako ng pasalubong sa kaniya. Mamaya pa naman ang uwi ni Orwa, nag-text na ako sa kaniya at sabay raw kaming uuwi. Mukhang sa mall na lang kami magkikita mamaya.
Nang makabili ako, naglibot muna ako saglit. Maraming tao ngayon, maraming mga bata ang namamalimos at ang iba nagtatakbuhan pa. Paalis na sana ako ng biglang may humila sa aking isang matanda.
Muntikan pa nga akong matapilok dahil sa ginawa niya, mabuti na lang at wala akong taong naitulak. Loko 'to ah, kung namamalimos naman siya bibigyan ko naman siya ng pera. Kailangan ba talaga akong hilahin? Kapag ako talaga napilay hilutin mo 'to.
"May barya po ako rit–"
"Hindi ko kailangan 'yan!" asik nito. Agad namang nagsalubong ang dalawa kong kilay. Attitude ka sis? Ayaw ata ng barya nito.
Madungis ang mukha ng matanda. Kung susumahin, nasa edad otsenta na ito. Nakayuko na rin ito dulot ng katandaan. Kumunot ang balat at gulo-gulo ang buhok na tinalian ng plastic ng ice candy.
"Ano po bang gusto niyo lola?"
Balahura man ako, marunong pa rin akong gumalang sa matanda. Kahit pa ang sakit ng pagkakahila niya sa akin kanina.
Una nitong tinitigan ang mukha ko, saglit pa pababa sa leeg at tumitig siya sa kuwintas na suot ko. Mabuti na lang at nakasuot ako ng t-shirt ngayon. Baka isipin kong tinitingnan niya ang cleavage ko–well, wala rin pala akong cleavage.
Hindi rin kami pinapansin ng mga tao rito. Parang normal lang ang lahat. Teka, normal naman kaming pareho, wala lang atang pakialam ang mga tao rito, hindi sila interesado sa eksenang 'to.
"Ang bagay na to."
Napaigtad ako matapos niyang hilahin sa leeg ko ang kuwintas. Saglit akong natulala no'n bago ko hinila pabalik. Orchid heart pa naman 'to, hindi ako papayag na maaagaw lang sa akin 'to. Hindi naman 'to ginto, bakit niya pag-interesan.
"K-kilala ko ang unang may-ari nito," hirap niyang sambit.
Mabilis kumalabog ang dibdib ko matapos itong marinig. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o budol-bidol lang 'to para makuha niya ang orchid heart.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Maging pagsasalita ko ay hirap na rin, dulot ng kaba.
Ano bang mayroon sa araw na 'to. Kung kailan patapos na ang araw bigla na lang may matandang hihila sa akin, tapos sasabihin na kilala niya ang unang may-ari nitong kuwintas na suot ko. Totoo kaya ang sinasabi nito?
Walang nagbago sa posisyon naming dalawa, narito pa rin kami sa labas ng palengke. Nakatayo habang walang pakialam sa mga taong bumabangga sa amin.
"Ang unang may-ari nito...ang babaeng may masalimuot na kapalaran."
Nagpaayos ako nang tayo at napalunok. Lalo akong nabibingi sa sarili kong heartbeat. Bakit ba ayaw niya pang sabihin lahat? Bakit kailangan ko pang abangan bawat salita?
"Teka lang po. P'wede po bang sabihin niyo na lahat?" Ubos na ang pasensya ko kakatanong. Sabog na ang utang ko baka naman p'wede na niyang sagutin ang tanong ko?"
"Para makaiwas ka sa sumpa, kailangan mong bumili nito. Masarap 'to, tupig bagong-bago. Limang piraso kukuhanin mo 'di ba?"
Bumagsak sa lupa ang panga ko dahil sa sinabi niya. Nakatuon ang buo kong atensyon sa bitbit niyang plastic. Hindi ko alam kung anong nangyari, ang alam ko lang binigay niya ang isang supot at binayaran ko siya ng 250 pesos.
Potek naman! Na-scam talaga ako. Dahil sa curious ko sa sinabi nabentahan tuloy ako ng pagkain. Ayos na rin 'to, kakainin na lang namin ni Sunny. Ano pa bang magagawa ko? Nabayaran ko na 'to. Juskodai! Ang galing ng style ni lola para makabenta.
Nang nakasakay ako sa jeep, itinago ko sa loob ng t-shirt ko ang kuwintas. Baka biglang mamaya may magsabi na naman sa akin na kilala nila ang taong may-ari nito. Tapos baka sabong pampaputi na ang ibenta.
Sa isang compound nakatira si Sunny, pero kilala naman ako ng mga tao rito kaya hindi nila ako sinaway. Katulad ng sabi ko, nakaabang ang camera ko sa pinto nina Sunny habang kumakatok.
Itong bagay na 'to na lang ang iisipin ko, para lang ilihis ang katangahan na naganap sa akin kanina.
"Huliiiiii!"
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Namilog ang mga mata at nabitawan ang kutsara na nginangata. Gulo-gulo ang buhok at walang kaayos-ayos. Ganito siya kapag nasa bahay nila, daig pang pulubi. Hindi pa 'to naliligo alam ko at ang kutsara na dinidilaan niya ay ang pinapapapak niyang palaman.
"Gaga ka talaga! Patayin mo 'yan!' tili nito habang inaagaw sa akin ang cellphone ko. Agad ko namang pinatay ang video at itinago sa bulsa, pero walang nagbago sa mapang-asar kong mukha.
"Ibibigay ko 'to kay Rick, para kapag nakita niya 'to p'wede pa magbago isip niya. Tabi nga, papasok ako." Agad ko siyang hinawi, sa noo ako humawak kaya agad siyang nadikdik sa pinto.
"Lola may pasalubong po ako!" sigaw ko nang tuluyan akong makapasok sa loob. Inilapag ko ang supot na dala ko sa center table at umupo sa sofa.
"Wow ha? Feeling bahay mo? Wala ti lola dito, ako lang mag-ita."
Ilang araw pa lang kaming hindi magkasama pero miss na miss ko na siya kaagad. Ang sarap ba namang asarin, kapag badtrip ako, kailangan mas badtrip siya.
"Anong balita ta 'yo?" tanong nito habang isinasara ang pinto. Nang masigurado na sarado na, lumakad siya palapit sa akin. Hindi siya umupo dahil binuklat muna nito ang dala kong plastic.
"Ayot ah. Taan mo nabili ang tupig na 'to?" Dahil sa sinabi niya, muli ko na namang naalala ang ganap kanina. Kumuha muna siya ng isang piraso bago ito umupo sa tabi ko. Itinaas pa ang dalawang paa at parang patay gutom na kumakain.
"Nata kabila ti lola ngayon, mamaya pa balik no'n. Hindi ka manlang nagtabi na pupunta ka, tapot kinuhanan mo pa ako ng video. Kapag 'yan binigay mo kay Rick,patay ka ta akin."
Sa totoo lang hindi naman nakakatakot ang pagbabanta na ito. Para siyang isang bata na bulol at hilig makipag-away.
"May kwento ako. Makinig ka dahil ayaw kong paulit-ulit, ha?" Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya. Gusto ko sana maging seryoso pero natatawa talaga ako sa pagmumukha niya.
"Ang pangit mo." Tapik ko sa noo niya. Ngumiwi lang ito at inirapan ako.
"Hindi, seryoso, ito na." Tumikhim ako at muling nag-umpisa magsalita magkwento.
Lahat ng naganap sa akin. Mula roon sa pagkikita namin ni ms. Seila. Pati ityusra nito, kung gaano kaganda at kahinhin. Pati kung paano ako nito bigyan ng trabaho, lahat-lahat. Pati ang naganap sa matanda na nambudol sa akin para mabili ang nilalantakan niyang pagkain. Ang ending? Hindi na siya natigil sa pagtawa. Halos mabulunan na siya sa katangahan ko.
"Bobo ka talaga!"
"Tangik, malay ko ba? Kasi naman para siyang makalumang babae na may alam kay Orwa." Totoo naman talaga. Hindi ko naman akalain na bentahan ako no'n. Nadala ako ng magaling niyang pag-arte, siya dapat ang kuhanin ni ms. Seila na bagong artista. Kapani-paniwala talaga.
"Oo nga pala, tuloy tayo ta Itla de Potipot?" singit nito sa usapan. Oo nga pala, isa 'to sa dahilan kung bakit ko siya pinuntahan.
"Oo, doon na lang ba kayo sa bahay matutulog?" tanong ko habang dumadampot ng pagkain. Siguro naman p'wede ko rin 'tong kainin. Parang sa kaku-kwento ko siya na lahat umubos ng pagkain namin.
"Oo ba. Nagpaalam na ako kay lola, nagpapahinga pa naman ako ngayon, taka na ko mag-work. Oy! Congrat nga pala, ta café ka pa ng idol mo." Malawak na ngiti ang ginawad ko sa kaniya.
"Oo nga pala no? Papayagan naman siguro ako mag-vacation leave." Bumuntong-hininga ako at mulinhg sumandal. Lumihis ako ng tingin at sandaling tumulala.
Haayst! Ngayon ko lang naalala na may trabaho na ako. Sana naman pumayag si ms. Seila, isa pa, napanalunan ko naman 'yon sa ginawa niyang contest. Dapat maaga pa lang magsabi na ako sa kaniya.
Hindi natapos ang k'wentuhan naming walang k'wenta. Panay tawanan na biglang mauuwi sa drama. Nakaka-miss talaga ang makasama ang babaeng 'to. Napuno ng asaran ang usapan pero may kaunting advice. May balak na nga talaga siyang sagutin si Rick. Sa Isla de Potipot niya na lang daw pala gagawin 'yon.
Masaya ako para sa kaniya, at least alam ko na nasa maayos at tamang tao siya. Hindi siya sasaktan ni Rick. 'Yon naman talaga ang gusto ko para sa kaniya.
Kahit na magiging busy kaming parehas sa magiging buhay naming hindi na magkatrabaho, sana walang magbago. Sana ganito pa rin kami, sa oras na kailangan ko siya andyan siya o kahit pa hindi ko siya kailangan, and'yan pa rin siya pa badtripin ko at bwisitin ako.
Ang drama ko na naman ata. Tama na nga 'tong drama ko. Mamaya lang din naman makikipaglandian ako kay Orwa. Ehe! Sabay pa pala kaming uuwi mamaya, mukhang mag-iinarte na naman ako nito. Mamaya ko na lang din sasabihin kay Orwa ang tungkol sa trabaho ko. May pasok na ako bukas, kailangan ko maging maaga. Baka patalsikin kaagad ako, saka na muna ang pagiging late ko. Ang mahalaga sa akin, may trabaho na ako at galing pa sa idol ko.
Sana makita ko pa ulit siya. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko, magpapa-picture pa ako sa kaniya hindi lang isang beses.
"Akin naman 'to lahat no? Salamat sa pasubong, sana ganito palagi at ng may pakinabang ka naman."
"Ay wow? Ako pa talaga? Pitikin ko 'yang noo mo."
Katulang ng sinabi ko, pinitik ko talaga ang noo niya. Ang bilis umikot ng inis, a. Ang tawag niya kanina napalitan ng pamumula ng inis niya ngayon.
Ganito talaga, ang mahalaga masaya kaming magkaibigan.