“Bakit ka umiyak?” Bungad na tanong ni Orwa, matapos naming makalabas sa cafe. Mukhang kanina pa rin niya gustong itanong to sa akin, hindi lang talaga siya nagkaroon ng pagkakataon na ianong, ayaw niya kasi sa lahat na magtatanong siya at maraming tao ang nasa paligid namin. “Hindi naman, napuwing lang ako,” pagsisinungaling ko. “May napupuwing bang dalawang mata ang namamaga?” Hindi ko alam kung bakit ako natawa, samantalang ang seryoso ng mukha niya. Nang mapansin niyang tinawanan ko lang siya, nagsalubong ang dalawa niyang kilay habang ang mga mata niya ay puno ng pagtataka. “Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong niya sa akin. “Wala, ang gwapo mo lang kasi. Umuwi na tayo. Gusto ko maglakad at kumain ng balut,” aya ko sa kaniya. Marahan akong kumapit

