Nang makapasok ako sa loob ng office ng manager, napatigil kaaad si madam Deborah sa ginagawa niya. Ilang saglit pa ay tumayo siya para kusang lmapit sa akin. Namumuo man ang mga luha sa mata ko, nakita ko pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Napansin ko kung gaano rin siya mag-alala sa drama ko kahit na hindi pa niya alam kung bakit ba ako umiiyak. Nang yakapin niya ako ay hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Para akong isang bata na walang pagsumbungan ng problema ko. Hindi namna ako ganito pinalaki ng lola ko, sa totoo nga ay ayaw na ayaw pa niyang umiiyak ako, dahil kailangan daw ay palagi akong matapang. Ngyn lang ata akong humagulgol ng iyak. Mukhang ang mga problema ko simula pa noon ay naipon na lahat ngayon. Hindi na rin siya kinaya ng puso ko kaya kahit na maliit na b

