Ika-labing Siyam na Kabanata - Preparasyon

1843 Words
Kalalabas lang halos ni Selena sa banyo galing sa pagligo nang may kumatok sa pinto. Natatarantang nagsuot na siya ng mga damit panloob dahil nga nakatapis lang siya ng tuwalya. "Sandali lang po!" medyo nilakasan ni Selena ang boses upang masiguradong maririnig siya ng sinumang kumakatok. "Selena, ako ito," boses ni Kiera. Isinusuot na ni Selena ang t-shirt nito nang marinig iyon. Hindi na muna siya nag-abalang magsuklay at kaagad na niyang pinagbuksan si Kiera. "Señorita," aniya pagkabukas niya ng pinto. Ngunit may kasama pala si Kiera. Isa iyong bading at walang ideya si Selena kung anong meron. "Selena, siya ang makeup artist na kinuha nina daddy para ayusan ka," nakangiting saad ni Kiera. Napaawang ang mga labi ni Selena. Hindi niya na naman inaasahan ang bagay na iyon. Kaya niya namang ayusan ang sarili at marunong naman siyang magpahid ng polbo sa mukha. "Bueno, aayusan na kita, ha? Baka ma-late ka pa kung magtatagal tayo," pagsingit naman ng bading na mag-aayos kay Selena. "Doon ka na sa kuwarto ko, Selena. Para makaharap ka sa malaking salamin at makita mo ang pag-aayos niya sa 'yo," wika ni Kiera. Natagpuan na lamang ni Selena ang sarili na sumusunod sa mga nangyayari. Dala ang kaniyang gown, nagpunta sila sa kuwarto ni Kiera at doon na nga siya inayusan ng makeup artist na kinuha ng mga Lemman para sa kaniya. Wala pa rin siyang imik at kung may itinatanong man ang bading sa kaniya ay panay tango o iling lamang siya. "Mahahaba na ang mga pilikmata mo kaya hindi na natin 'yan dudugtungan. Napaka natural ng beauty!" napapalakpak pa nga ang bading sa pagpuri kay Selena. Inabot din ng isang oras ang pag-aayos kay Selena kasama na ang pag-aayos pa sa buhok nito. Ang hanggang balikat at tuwid na buhok niya ay bahagyang kinulot. Ang isang side n buhok niya ay nilagyan din ng disenyong ipit na paru-paro na kulay gray upang tumerno sa isusuot niyang gown. Ang kulay ng lipstick na ipinahid sa kaniyang labi ay coral red. Hindi iyon pula o pulang pula dahil nakahanay iyon sa shades ng orange lipstick. Ang kaniyang kilay ay hindi na rin kinailangang bawasan dahil hindi naman iyon kakapalan. Kaunting blush-on lang din ang inilagay sa magkabilaang pisngi niya. "So beautiful! Bakit pakiramdam ko ikaw na ang pinakamagandang babaeng inayusan ko sa buong buhay ko!" pagpuri muli ng bading kay Selena habang pumipilantik pa ang mga daliri. Alanganin ang naging pagngiti ni Selena. Kahit din naman siya ay nagandahan sa kaniyang sarili habang nakatitig siya sa salamin. Natatandaan niya noong maging muse siya sa dati niyang eskwelahan ay simple lang ang naging ayos sa kaniya ng kaniyang inay. Hiniram pa nga ng inay niya ang lipstick na ginamit sa kaniya noon. Ibang-iba sa ayos niya ngayon. Pakiramdam niya ay nakakita siya ng kakambal lang sa salamin. Kakambal na mas maganda lang sa kaniya. Bigla siyang nalungkot nang biglang may maalala. "Hey, Selena, what's wrong?" napansin naman ni Kiera ang tila paglungkot ng mukha ni Selena. Maging ang makeup artist ay nataranta sa biglaang paglungkot ni Selena. "OMG! Hindi mo ba nagustuhan? G-gusto mo ba ibahin natin ang look mo? Palitan natin ang color ng lipstick mo?" napahawak pa sa kaniyang dalawang pisngi ang makeup artist. "H-ha? Naku! H-hindi po! Gustong-gusto ko po!" napatayo pa si Selena mula sa pagkakaupo at nahawakan ang mga kamay ng makeup artist. "Hay, salamat!" nasapo pa ng makeup artist ang sarili nitong noo at saka maarteng niyakap si Selena. "Kung ganoon ay magbihis ka na, Selena. Nang sa ganoon ay maihatid ka na namin nina daddy at makapag-enjoy ka na," wika naman ng nakangiting si Kiera. Mas lalo pa ngang lumabas ang ganda ni Selena nang maisuot na nito ang gown. Tuwang-tuwa ang makeup artist sa pagtitig sa kaniya ng mga sandaling iyon. "Can I come in?" kinatok nang bahagya ng bagong dating ang nakaawang na pinto ni Kiera. "Hey, mamsh! Come here! Look at her!" excited namang saad ni Kiera at basta na lang hinila ang bagong dating na walang iba kundi si Señora Shiela. "Oh, you're so beautiful!" kitang-kita rin sa mga mata ni Señora Shiela ang paghanga kay Selena. "M-maraming s-salamat p-po," hiyang-hiyang tugon ni Selena. Hindi niya na kasi mabilang kung ilang beses na ba siyang pinuri ng mga taong kaharap nito ngayon. "Siyangapala, kaya ako nagpunta rito," biglang sambit ni Señora Shiela bago inilapag ang isang kahon na dala nito. Saka lang din napansin nina Selena na may bitbit pala ang señora nang pumasok doon. "Oh, no, mamsh... Sandals ba 'yan para kay Selena?" nakangiwi at tila dismayadong reaksiyon ni Kiera. "Y-yes... Why?" bigla namang kinabahan ang señora sa pagngiwi ni Kiera. "Oh, you should've told me, mamsh!" parang batang napapadyak si Kiera. Nagpalipat-lipat lang naman ang tingin ni Selena sa dalawa maging ang makeup artist na katabi niya sa pagkakatayo. "Bumili rin ako ng sandals for her, mamsh!" palatak ni Kiera. Maya-maya ay nagulat si Selena nang sabay na magtawanan sina Señora Shiela at Kiera. Nagkatinginan pa silang dalawa ng makeup artist. "Well, let's see na lang kung ano ang babagay sa kaniya with that dress," pahayag ni Señora Shiela pagkatapos. "Yeah, right, mamsh! Kunin ko lang 'yong nabili ko," sabi naman ni Kiera bago ito maglakad upang kunin sa pinaglagyan ang nabili nitong sandals para kay Selena. Ilang sandali pa ay bumalik na si Kiera bitbit ang isang kahon. "Here it is," baling niya kay Señora Shiela. "Isuot mo muna itong napili ko, Selena. Sigurado akong mas bagay ito," saad ni Señora Shiela habang inilalabas nito ang sandalyas sa kahon. "Don't be so sure, mamsh..." bulong naman ni Kiera sa tainga mismo ni Señora Shiela na itinawa lang naman ng huli. Si Selena ay panay sunod lamang sa kung anong ipinapagawa sa kaniya. Sobrang nagagalak ang puso niya sa klase ng pagtratong ginagawa ng mga Lemman sa kaniya. "See? It fits!" galak na sambit ni Señora Shiela nang maisuot na ni Selena ang pares ng sandals. "Yes, mamsh, it fits. And hooray to that! Pero look, mamsh, ang sagwa! Hindi siya bagay sa dress," pinaikot pa ni Kiera ang eyeballs ng mga mata nito habang nakalapit ang mukha kay Señora Shiela. Muntik namang matawa si Selena sa ginawang iyon ni Kiera. Si Señora Shiela naman ay napasimangot nang mapagtantong hindi nga bumagay ang sandals sa suot ni Selena. Close shoes na kulay pula kasi ang ipinasuot nito kay Selena kaya naman natatawa si Kiera sa gilid. "Anyway, hindi ko kasi alam or wala akong kaide-ideya sa isusuot ni Selena kaya hindi ako nakahanap ng mas okay," saad na lamang ni Señora Shiela na pinanlakihan pa ng mga mata si Kiera. "My turn," tatawa-tawa lang na saad ni Kiera. Pagkatapos ay ipinasuot na nito kay Selena ang isang lace-up wedge heel sandals na kulay silver. "Ayan ang bagay! Ang ganda-ganda!" biglang papuri ng makeup artist na nakikinig lang sa kanila noong una. "See?" baling ni Kiera kay Señora Shiela. "Hindi bale, Selena. Mayroon pa akong ibibigay sa 'yo. Sandali lang," kaagad na umalis sandali si Señora Shiela. "Señorita... Ayos na po ako. Ang dami-dami niyo na pong ginawa sa akin at hiyang-hiya na po talaga ako," mahinang saad ni Selena. "Ano ka ba, Selena. Ayos lang 'yan. Minsan lang naman ito. Kaya huwag ka ng mahiya riyan," pambabalewala ni Kiera. Wala pang tatlong minuto ay nakabalik na roon si Señora Shiela at dere-deretso itong lumapit kay Selena. Mas lalo lang na naman tuloy nailang si Selena sa paglapit na iyon sa kaniya ng señora. "Bigay ko na ito sa 'yo, Selena. Matagal na ito sa akin. Isang beses ko lang itong nagamit noong halos kasing edad ko lang si Kiera," sabi ni Señora Shiela habang ikinakabit sa tainga ni Selena ang isang mahabang star chandelier earrings. "S-sobra-sobra na po yata ito, Señora Shiela..." mahinang saad ni Selena. "Huwag ka ng masyadong mag-isip, Selena. Iyan naman ay hindi ko na ginagamit at hindi ko naman maibigay-bigay kay Kiera dahil ang dami-dami niya ng mga hikaw dati pa," nakangiting ani Señora Shiela. "Teka, Selena. Pahihiramin muna kita ng mas babagay na kuwintas sa ayos mo ngayon," saad naman ni Kiera at akmang tatalikod na ito nang pigilan ito ni Selena. "Señorita 'wag na po!" napalakas ang boses na sabi ni Selena. Tila nagulat naman ang mga kasama ni Selena roon sa lakas ng ng boses niya. "P-pasensiya na po, nabigla lang ako..." paghingi kaagad ni Selena ng paumanhin. "Bigay kasi sa akin ito ng itay ko at hindi ko talaga siya tinatanggal kaya okay na po ako rito," aniya pa. "Kung ganoon ay okay ka naman na pala. Halika na at baka ikaw na lang ang wala roon," sagot naman ni Señora Shiela. Sabay-sabay na nga silang lumabas doon. Ang makeup artist ay nauna ng nagpaalam at lumabas habang hinihintay pa nina Selena si Señor Clenton. Saka lang nalaman ni Selena na kasama pala ang mga Lemman sa paghatid sa kaniya. Ang akala niya kasi ay ang driver lang ang maghahatid sa kaniya. "Napakaganda mo, iha," pagpuri rin ni Señor Clenton nang makita na si Selena. Katulad ng dati ay puro pasalamat lang ang sagot ni Selena. Nang makalabas na sila sa mansiyon ay kaagad na silang nagsakayan sa loob ng sasakyan. Hindi naman napigilan ni Selena ang mapalingon sa paligid. Hinanap ng mga mata niya si Kiel. Mula kasi kaninang umaga ay hindi niya pa ito nakikita. Alam kasi ni Kiel na day-off niya ang weekend. Noong nakaraang Biyernes naman kasi ay hindi siya nakapagplantsa kaya Sabado na siya nagplantsa noon. "Are you waiting or looking for someone, Selena?" Napalingon si Selena kay Kiera. Saka niya napagtantong siya na lang pala ang hinihintay ng mga ito. Dahil doon ay mabilis na siyang umakyat sa sasakyan. "S-sorry, señorita, hinahanap ko lang si Manang Aida. M-magpapaalam lang din sana ako sa kaniya," palusot ni Selena. Napapikit pa nga siya dahil nakapagsinungaling na naman tuloy siya. "Pero nasa pintuan si Manang Selena at kumaway ka pa nga sa kaniya kanina," sagot naman ni Kiera. Tila kriminal na nasukol si Selena sa mga sandaling iyon. "Si Kuya Mel na lang nga pala ang susundo sa 'yo mamaya," si Kiera na ang kusang nag-iba ng usapan. Ngunit sa isip ni Kiera ay tila alam nitong ang kapatid niyang si Kiel ang hinahanap ni Selena kanina. "Sige po. At saka maraming salamat po ulit," sagot ni Selena na nakalingon sa mga Lemman sa backseat. Sa shotgun seat kasi siya pinaupo ng mga Lemman kaya naman nadagdagan na naman ang hiya niya sa mga ito. Para raw hindi masyadong magusot ang suot niya. Prinsesang prinsesa ang turing sa kaniya ng mga ito sa gabing iyon. Habang palabas naman ang sasakyan, hindi nila alam na nasa gilid sa madilim na parte pala si Kiel. Nakabihis na rin ito at handa na para sa Senior Prom ngunit hindi muna ito umalis dahil kay Selena. Alam kasi nitong gabi na kaya inabangan niya lang kung may maghahatid ba kay Selena. At ngayong nasigurado niya na na ligtas naman si Selena ay nagsimula na rin siyang maglakad palabas doon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD