Ika-labing pitong Kabanata - Senior Prom

1745 Words
Isa ang Pre-cal o Pre-calculus sa mahirap na subject ni Selena nang araw na iyon ngunit lumilipad ang isip nito. Nakatingin lang siya sa kanilang guro ngunit hindi pumapasok sa isipan niya ang mga sinasabi ng guro. Maya-maya ay napako na nang tuluyan ang kaniyang mga mata sa blackboard. Masyado siyang apektado sa mga nangyari ng mga nagdaang araw. "Ms. Silva, are you with us?" napansin ng guro nila na nakatulala si Selena. "Huy... Selena..." pabulong na pagtawag naman ni Shane kay Selena. Hanggang sa lumapit na lamang ang guro kay Selena at saka nito ikinaway ang palad sa harapan ni Selena. Ngunit halos hindi kumukurap si Selena. Kaya naman nagpasya ang guro na yugyugin na lamang siya sa balikat. "M-Ma'am..." napatayo kaagad si Selena nang makita ang guro sa kaniyang tabi. "Are you okay, Ms. Silva?" may pag-aalala namang tanong ng guro. "Y-yes, ma'am..." pilit na ngumiti si Selena. "You can excuse yourself, Ms. Silva. I think you're not feelin well," saad ng guro. "No, ma'am! I'm fine..." mabilis at napalakas na sagot ni Selena. "Are you sure?" tila nananantiyang tanong ng guro. "Yes, ma'am," tango ni Selena. Hindi na nga nangulit pa ang guro at bumalik na ito sa harapan. "Okay, balik tayo tungkol sa Senior Prom ninyo," pagsisimula muli ng kanilang guro. Pasimple namang sinulyapan ni Shane si Selena at saka nito itinaas ang isang hinalalaki. Tinatanong niya kung okay lang ba si Selena na nakangiti namang tinanguan ng huli. "Uulitin ko, class, required ang um-attend ng Senior Prom. Bukod pa 'yan sa plus points ninyo sa subject ko. At isa pa, kailangan niyong maranasan 'yan. Isa sa magagandang pangyayari sa senior high iyan," mahabang saad ng guro. Nalukot naman kaagad ang mukha ni Selena. Hindi niya naman kasi gustong um-attend ng Senior Prom. Pakiramdam niya ay baka may mangyari na namang hindi maganda sa kaniya. Katulad na lang nga noong sa San Martin pa siya nag-aaral. Naging muse siya at pagkatapos, naging magnanakaw na siya bigla. "Ma'am," naglakas loob ng magtaas ng kamay si Selena. "Yes, Ms. Silva." "Paano po kung hindi po talaga makakapunta?" ang tanong ni Selena. "Kasasabi ko lang kanina, Ms. Silva, hindi tatanggapin ang salitang 'hindi makakapunta' kaya ibig sabihin, makakapunta ka," masigla ang boses na sagot ng guro. "What if... May valid reason po?" pagbabakasakali ni Selena. Ayaw niya talagang um-attend sa Senior Prom na iyon. "What's the reason? Tell me," naupo muna ang guro sa upuan nito upang pakinggan si Selena. Napaikot naman ang mga mata ni Selena. Tinitingnan niya ang reaksiyon ng mga kaklase. "Ahmm... Una po, ma'am, wala po akong maisusuot o magagamit para sa Senior Prom... At may trabaho rin po ako. Hindi po ako puwedeng—" "Gabi ang Senior Prom, Ms. Silva. Ano ba ang trabaho mo at hindi ka puwede kahit gabi?" tanong ng guro. "Katulong po ako ng mga Lemman, ma'am... Maaga po ang gising ko para sa mga gawin kaya ayaw ko po sanang mapuyat dahil sa Senior Prom..." sagot ni Selena. Ilan sa mga kaklase ni Selena ang napahanga at ang ilan naman ay nagtaas ng kilay. "Lemman? Lemman family? Ciero Mil?" tila naniniyak na tanong ng guro. "Opo, ma'am..." "You can come, Ms. Silva. I know the Lemman family and I can tell them that it's required," nakangiting tugon ng guro. Hindi halos makaimik si Selena. Gusto niyang tumutol pero hindi niya na alam kung ano pa ang puwede niyang sabihin... Nang mag-uwian ay talagang sobrang tamlay ni Selena. Pakiramdam niya ay nagkasunod-sunod ang mga bagay na ayaw niya. "Ang bait naman pala ni señorito." Napalingon si Selena kay Shane. Ito ang nagsalita at nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan ay hindi nga siya nagkamaling si Kiel iyon. Señorito lang naman kasi ang nakahiligan ng itawag ni Shane kay Kiel. "Let's add something... Gentleman. Nice guy. Hindi ka ba nagkakagusto sa kaniya, Selena? Araw-araw kayong magkasama at personal maid ka pa niya," parang kinikilig na sambit ni Shane. Kita ni Selena habang tinutulungan ni Kiel ang sa pagbitbit sa mga gamit ang isang guro. Kasunod naman niyon ay nang may isang babae na muntik ng matapilok ngunit maagap itong nahawakan ni Kiel. Pagkatapos niyon ay naglakad si Kiel at may nilapitan itong kumpol ng mga estudyante. Kung hindi siya nagkakamali, iyon din ang mga estudyanteng nakita niyang kasabay nito noon sa canteen. Hindi niya namalayan na napapangiti na pala siya habang nakatingin sa ngayo'y tumatawang si Kiel. "Hmmm... Nice view?" Napakislot si Selena sa nang tampalin ni Shane ang balikat niya. Malinaw niya ring narinig ang sinabi ng kaibigan. "Tara na nga," yakag na lang ni Selena upang pagtakpan ang pamumula ng mukha. Lingid sa kaalaman ni Selena, alam o napagtanto ni Kiel na siya ang topic nila. Si Kiel ay kanina pa talaga nakaabang sa paglabas ni Selena kaya alam niyang nakatingin sina Selena sa kaniya. Nang maglakad na nga palabas sina Selena ay mabilis ng nagpaalam si Kiel sa mga kasama. "Sige, ingat. Oo nga pala, sinong date mo sa prom night?" si Paul habang nakaakbay kay Beth. Ngumiti lang si Kiel. "Huwag mo na ring tangkaing hindi pumunta sa Senior Prom natin kasi siguradong malalagot ka sa lahat ng teacher natin," pahabol naman ni Rex. "Oo na," sagot na lamang ni Kiel at mabilis na itong umalis doon. Hindi mawala-wala ang pamumula ng magkabilaang pisngi ni Selena kahit nasa loob na ito ng tricycle. Dahil nga iyon sa hindi siya tinigilan ni Shane na asarin habang naglalakad sila palabas kanina. Pigil-hininga rin siya nang sumakay na si Kiel sa tricycle. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib niya at pakiramdam niya ay baka marinig iyon ni Kiel. Kaagad na nagkulong si Selena sa kaniyang kuwarto nang makarating na sila sa mansiyon. Halos takbuhin niya pa nga kanina ang kuwarto ni Kiel mauna lang siya sa paglalagay doon ng bag ng lalaki. "A-ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?" pabulong niyang wika habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan niya iyon... ********************** Matapos gawin ni Selena ang mga dapat niyang gawin nang gabing iyon ay mabilis na siyang nagkulong sa kaniyang kuwarto. Dalangin niyang huwag kumatok si Kiel sa kaniyang pinto at mag-utos na naman ng kung ano-ano. Subalit napakislot siya at kumabog na naman ang dibdib niya nang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Gusto niya sanang magpanggap na tulog ngunit wala pang limang minuto siyang nasa kuwarto. Kaya kahit na ayaw niya, tumayo na siya upang buksan ang pinto. Abot-abot ang kaba sa kaniyang dibdib sa isiping bubungad ang mukha ni Kiel sa pagbukas niya ng pinto. "Hi, Selena." Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita si Kiera. "Maaari ba akong pumasok?" ang tanong ni Kiera. "O-opo naman, señorita. Pasok po kayo," muntik ng tampalin ni Selena ang sarili dahil nakatunganga lang pala siya kay Kiera. "Nalaman ko lang kasi na Senior Prom ninyo next week? Friday night next week, right?" pagtanong ni Kiera nang makapasok na ito sa kuwarto ni Selena. Napamaang naman si Selena. Hindi niya alam kung paano iyon nalaman ni Kiera samantalang sa ibang eskwelahan naman ito pumapasok. Nasa private school si Kiera at hindi niya alam kung bakit mas pinili naman ni Kiel ang mag public school. "Selena?" untag ni Kiera na ngiting-ngiti. "A-ah, o-opo, señorita," naisagot ni Selena. Hindi niya alam kung bakit ba naman kasi parang napapadalas ang pagiging tulala niya kapag may kausap. "Gusto nina daddy na samahan kitang magpatahi ng gagamitin mo sa Senior Prom ninyo," nakangiting ani Kiera. Muli, napaawang ang labi ni Selena. "Si Kiel kasi, narinig nina daddy na may kausap sa cellphone. Mga kaklase niya siguro. Nagpapasama raw siyang magpagawa ng isusuot. Doon nalaman nina daddy ang tungkol sa Senior Prom ninyo," tila sinagot ni Kiera ang pagtataka ni Selena. "Pero hindi ko naman kailangan ng maganda o magarbong isusuot, señorita... Mayroon din po akong puwedeng isuot dito. Sandali lang señorita at ilalabas ko," tarantang sagot ni Selena at kinuha sa cabinet ang sinasabi niyang isusuot. Kaagad na iniladlad ni Selena ang isang puting bestida sa harapan ni Kiera. Pinigilan ni Kiera ang mapangiwi o mapatawa nang makita iyon. Isa kasi iyong plain white dress. Straight lang ang tabas at naninilaw na rin ang kulay. "Ahmmm... Maganda naman iyan, Selena. Pero mayroon kasing mas okay na mga dress. Saka, parang ang nipis na niyan, eh. Tapos puti pa. Alam mo na, baka kita na riyan ang suot mong panloob," sinubukan ni Kiera na magpaliwanag nang hindi makakasakit kay Selena. "Ganoon po ba..." nahihiyang nayakap ni Selena ang bestidang ipinakita. "Pero don't get me wrong about it, ha?" hinawakan ni Kiera ang kamay ni Selena sa isiping baka na-offend niya ito. "Alam mo, mabuti pa, pumayag ka na lang. Kasi I'm sure, ipagpipilitan din ito nina daddy," pinasaya niya ang boses nang sabihin iyon. Marahang tumango at ngumiti si Selena. Hindi naman siya nadismaya sa sinabi ni Kiera, ang totoo kasi ay hiyang-hiya siya. Sobra-sobra ang kabaitan ng mga Lemman sa kaniya. Maliban na nga lang kay Kiel lalo na at hindi niya alam na nagkukunwari lang naman ang lalaki... "So, paano, sa hapon ng friday tayo aalis? Para pagbalik mo rito sa Linggo galing San Martin, gawa na," saad ni Kiera. "Hindi ako uuwi ngayong Sabado sa amin, señorita. Kaya okay lang na sa Sabado na lang po tayo, no need to rush po sa Friday lalo na at alam ko pong pagod ka sa araw na iyon galing eskwela," ang magalang na sagot ni Selena. "Bakit? May nangyari ba?" curious na tanong ni Kiera. "Wala naman po, señorita..." maikli lang na tugon ni Selena. Hindi niya naman puwedeng sabihin na dahil iyon sa kuwintas na suot niya. Nakakaintindi naman si Kiera kaya hindi na ito nagtanong pang muli. "O, sige, maiwan na kita nang makapagpahinga ka na rin," paalam na ni Kiera. "Maraming salamat po talaga, señorita," pasasalamat naman ni Selena. Ngumit si Kiera bago ito tumalikod. Pero minsan pa, lumingon ito bago tuluyang makalabas sa pintuan. "Selena, I hope you have enough patience with my brother. Hindi ko alam kung nahihirapan ka ba sa kaniya o kung may mga bagay ba siyang nagagawa sa 'yo na hindi tama. Pero I just want you to know that he's not like that before..." tipid na ngumiti si Kiera bago ito tuluyang lumabas ng pintuan. Naiwan namang nag-iisip si Selena. Gustong-gusto niyang malaman kung ano ba ang dahilan ng pagkakaganoon ni Kiel...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD