Ika-dalawampu't Apat na Kabanata - Closeness

1048 Words
Sa mga nagdaan pang araw ay labis ang tuwa sa puso ni Selena. Sa eskwelahan ay mistula silang matalik na magkaibigan ni Kiel ngunit pagdating sa mansiyon, si Kiel ay isang supladong señorito at siya ang kawawang personal maid nito. Nakakatawang isipin, ngunit nais niya rin sanang ma-impluwensiyahan si Kiel pagdating sa pamilya nito. Gusto niya naman kasing maranasan nina Señor Clenton at Señora Shiela ang nakikita niyang kabaitan ni Kiel. Nararamdaman niyang may mabuting puso ang lalaki, ngunit pilit nitong itinatago dahil lang sa hindi pa rin nito kayang tanggapin ang stepmother nito. Kapag naaalala niya pa nga ang closeness nina Señora Shiela at Kiera na nakita niya noong inaayusan siya para sa Senior Prom, humihiling ang kaniyang puso't isipan na si Kiel din ang makita niya sa ganoong senaryo. "Alam mo, Selena, naniniwala talaga akong may mala-fairy tale kayong happy ending niyang si Kiel," wika ni Shane kay Selena habang naglalakad sila papuntang canteen. "Puwed ba, Shane," pag-iling naman ni Selena. "Mark my word," maikling tugon ni Shane. Napangiti na lang si Selena sa mga sinasabi ng kaibigan. Natutuwa siyang kasama niya na ulit si Shane kahit pa panay ang pagpansin nito sa kanila ni Kiel. Pagkapasok nina Selena at Shane sa canteen ay siya namang lapit ni Kiel. "Did you ask her if she wanted to join us? Or, just the two of you, gaya ng dati?" nagsalita kaagad si Kiel pagkalapit sa kanilang dalawa. "Oh, it's fine!" mabilis at medyo paarte namang sagot ni Shane. "Mas okay ngang marami tayong para happy," dagdag pa nito. Mula kasi noong hindi pa ulit nakakapasok si Shane, madalas ng kasama ni Selena si Kiel at ang kaibigan nito. Naka close na rin ni Selena ang mga kaibigan ni Kiel lalo na ang nag-iisang babae roon na si Beth—ang inakala ni Selena na girlfriend ni Kiel. Nang araw ngang iyon ay mas sumaya pa ang kumpulan nila sa pagdating ni Shane. Likas na kasi kay Shane ang pagiging masayahin, ma-kwela, at may kulit na kaunti. Nang mag-uwian kinahapunan ay sabay-sabay din silang lahat sa paglabas sa gate. May mga magkakasabay, may mga iba ang direksiyon, habang sina Selena at Kiel ay masaya ng nagsasabay sa tricycle. Hindi na gaya ng dati na walang nagsasalita. "Can we walk?" tanong ni Kiel nang malapit na sila sa Ciero Mil. "Sure, na-miss ko na rin ngang maglakad, eh," sagot naman ni Selena. "Kuya, 'wag mo na pong ipasok sa loob ng Ciero Mil, ha? Pakibaba na lang po kami sa labas," sinilip ni Kiel ang tricycle driver mula sa kaniyang puwesto. "No problem, children," sagot naman ng driver na siyang palagi ng naghahatid sa kanila. Kilala na kasi sila ng driver kaya sadyang pagdating sa paradahan ay ito na ang automatic na sinasakyan nila. "Thanks, Teacher," nakatawa namang sagot ni Kiel. Pagkababa nila sa tricycle ay sabay na nga silang naglakad papasok sa Ciero Mil. Hindi pa man sila masyadong nakakalayo nang biglang tumunog ang cellphone ni Selena. "Itay!" masayang sagot ni Selena. Halos araw-araw nitong nakakausap ang mga magulang at halos palagi rin siyang sabik sa mga boses nila. Panaka-naka namang tinatapunan ng tingin ni Kiel si Selena habang patuloy sila sa paglalakad. Pinapakinggan lang nito ang pakikipag-usap ni Selena. "Opo, 'Tay, mababait po ang mga Lemman. Si Seño—" hindi natapos ni Selena ang sasabihin sana dahil biglang humarang si Kiel sa daraanan niya. "Don't mention anything good or nice about me..." mahinang anas ni Kiel habang nakaharang ang isa niyang palad sa bibig ni Selena. Nagulat naman si Selena sa ginawang iyon ni Kiel. Dahil sa sobrang lapit ni Kiel sa kaniya, amoy na amoy niya ang bango ng lalaki. "Selena, anak? Nandiyan ka pa ba?" ang malakas namang boses ni Felimon mula sa kabilang linya dahil sa pagkawala ng boses ni Selena. Mabilis namang tinanggal ni Kiel ang palad sa bibig ni Selena. Nakaramdam din ito ng hiya sa ginawa. Nabigla lang din naman siya sa ginawang iyon dahil lang sa kagustuhang mapigilan si Selena. "Itay, tatawagan ko na lang po ulit kayo kapag nasa mansiyon na po ako," pagpapaalam ni Selena sa kaniyang itay. "Siya sige, i-kumusta mo na lamang ako sa kanilang mag-asawa at sa kanilang mga anak," sagot ni Felimon sa kabilang linya. "Sige po, itay... I-ku-kumusta ko po kayo lalo na po sa napakabait na si Señorito Kiel," hindi alam ni Selena kung bakit naisipan niyang asarin si Kiel ng mga sandaling iyon. Si Kiel naman ay nanlalaki ang mga matang humarang ulit sa daraanan ni Selena at saka nameywang gamit ang isang kamay. Tila na-enjoy naman ni Selena ang ginagawa dahil imbes na tumigil ay pinanlakihan niya rin ng mga mata si Kiel. Pakiramdam ni Selena ng mga sandaling iyon isang matalik na kaibigan ang kaharap. Idagdag pang natutuwa siya sa reaksiyon ni Kiel. "What did I tell you?" salubong ang kilay na tanong ni Kiel nang maibaba na ni Selena ang cellphone nito. "Wait lang 'Kiel'," at sinadya pang idiin ni Selena ang pagkakasabi sa pangalan ni Kiel. "May I remind you, ang sabi mo sa akin, kapag wala tayo sa mansiyon ay normal tayong magkakilala. So, meaning, no room for your pagsusuplado," na-enjoy lalo niya ang pang-aasar kay Kiel kaya naman nagpaka conyo pa sa siya sa pananalita. "Hindi mo bagay," pasimangot na sagot ni Kiel bago ito muling nagpatuloy sa paglalakad. Natatawang pahabol na naglakad si Selena. Si Kiel naman ay binilisan pa lalo ang paglalakad upang makarating na sila sa gate ng bahay nila. Patuloy lang naman sa pagtawa si Selena at nang makarating na nga sila sa harapan ng gate ng mansiyon, tila robot na na-susian si Selena dahil sa bilis nitong tumigil at sumeryoso. Mabilis ng inihagis ni Kiel ang bag kay Selena lalo na nang matanaw niya sa pintuan ang kaniyang daddy. Mas pinakita niya pa ang pagbagsak ng bag kay Selena upang mas mapansin iyon ng ama. Si Selena naman ay napasimangot. Hindi dahil sa pagbagsak ni Kiel ng bag nito sa kaniya kundi dahil sa intensiyon ni Kiel. Nakita niya rin naman kasi ang señor kaya alam niyang nagpakita lang ng kagarapalan si Kiel. Kung maaari niya lang nga sanang sabihin na lamang sa señor ang ginagawa ni Kiel ay baka nga sinabi niya na ng walang pahintulot ni Kiel...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD