Ika-labing Apat na Kabanata - Pagtatalo

1780 Words
Kasalukuyang gumagawa si Selena ng assignment niya sa kuwarto nila ni Manang Aida nang sumulpot si Kiel. "I need you to clean my room. Change the beddings. Everything," ang saad ni Kiel. "Sige po, señorito," mabilis na iniligpit ni Selena ang mga nagkalat na gamit niya sa ibabaw ng mesa. "Come quick. You can fix your mess later. I'll be staying outside for one hour only," sabi pa ni Kiel bago ito umalis doon. Sandaling natigilan si Selena. Pagkatapos ay parang natatarantang napatakbo na sa kuwarto ni Kiel. One hour means, bilisan niya. Pagpasok niya sa kuwarto ni Kiel ay kita niyang magulo ang kama, nagkalat ang mga damit na labahin sa sahig. Laking pasasalamat niya lang at walang nagkalat na brief. Mabilis niya ng inayos ang kama muna bago iniligpit ang ibang kalat. Kumuha siya ng walis at pamunas sa mga ibang gamit doon ni Kiel. Pakiramdam niya iyon na ang araw na sobrang bilis ng kilos niya. Sa loob ng kalahating oras ay hapong-hapo na kaagad siya. Kailangan niya pang palitan ang bedsheet, punda, at kumot ni Kiel. Inihuli niyang linisan ang C.R. Hindi man madumi ang C.R., kinuskos niya pa rin iyon nang mabuti. Napangiti siya sa sarili nang makitang limang minuto pa bago mag-isang oras ngunit tapos na siya. Eksaktong paglabas niya sa C.R. ay mabilis na siyang naglakad papunta sa pintuan. Naroon din malapit sa pinto ang mga labahin ni Kiel at ang mga tinanggal niyang bedsheet, punda, at kumot. Kailangan niya lang iyong dalhin sa taga laba. Sinabi na sa kaniya nina Señor Clenton na hindi na iyon kasama sa trabaho niya. Siya lang ang magdadala ng mga iyon sa kuwarto ni Kiel sa sandaling matupi na. "You're done?" tila hindi makapaniwalang turan ni Kiel. Bahagya namang nagulat si Selena nang makitang nasa pintuan na pala si Kiel. "Opo, señorito," nakangiti niyang tugon bago binuhat ang mga labahin. Noong una ay hindi kaagad nakasagot si Kiel. Ang inaasahan kasi nito ay ang mapagalitan niya si Selena. Inakala kasi nitong hindi matatapos si Selena sa loob ng isang oras gaya ng plano nito. "Wait," pagpigil ni Kiel sa paglabas ni Selena. Lumingon naman si Selena at nagtatanong ang mga mata niya. Hinihintay niyang magsalita si Kiel. "What about the curtains? Why you did not changed them?" taas ang isang kilay na sambit ni Kiel. "A-ah... S-sige po, señorito... Pasensiya na po, hindi ko kaagad naisip," paghinging paumanhin ni Selena. "Sa susunod ayusin mo ang trabaho mo," iritable at malakas na sabi ni Kiel. "What's happening here?" Bahagyang nagdiwang si Kiel nang marinig ang boses ng ama sa kaniyang likuran. Sinadya niya kasing lakasan ang boses dahil alam niyang maririnig iyon ng ama na kalalabas lang sa kuwarto nito. "She's not doing well, that's the problem," galit na pagharap ni Kiel sa ama. "Kiel..." mahinang sambit ni Señor Clenton. "Then teach her, dad!" inis na umalis doon si Kiel. Habang pababa si Kiel sa hagdanan ay lihim siyang nagdidiwang. Siya namang salubong niya kay Señora Shiela. "Kiel..." alanganing tinawag ni Señora Shiela si Kiel. "What?" may pagka arogante niyang tanong. "Do you want to—" "I want you to get lost," galit niyang pagputol dito at nagpatuloy na siya sa pagbaba. Napatulala naman si Señora Shiela at napaluha nang hindi niya namamalayan. Ngunit nakita pala ni Kiera ang nangyari dahil nagkataong pababa rin ito. Dahil doon ay matapang ang mukhang binilisan niya ang pagbaba upang sundan si Kiel. "K-Kiera—" magsasalita sana si Señora Shiela dahil alam nitong pagsasabihan ni Kiera ang kapatid ngunit hindi naman nagpapigil si Kiera sa kaniya. "What's wrong?" bigla namang bungad ni Señor Clenton at mabilis itong lumapit sa asawa. Hindi napigilan ni Señora Shiela ang mapaiyak nang makalapit na sa kaniya si Señor Clenton. Ilang sandali pa ay sunod nilang narinig ang malakas na boses ni Kiera sa labas. Nagmamadaling lumabas si Señor Clenton at sumunod din sa kaniya ang asawa. "You are such a coward! Dahil alam mong may kasalanan ka, sinusubukan mong ibato sa iba dahil hindi mo matanggap na ikaw ang dahilan!" Iyon ang mga katagang binanggit ni Kiera na narinig at inabutan ng mag-asawa sa paglabas nila. Magkaharap ng mga sandaling iyon sina Kiera at Kiel. "Stop this, please..." mabilis na pumagitna si Señor Clenton sa magkapatid. "No, dad! Sumosobra na siya, eh!" malakas pa rin ang boses na sabi ni Kiera. "I never said that I want to be here..." mahina ngunit mariing sabi ni Kiel sa kaniyang Ate Kiera. "Yes, of course, I almost forgot! Kami lang pala ang may gustong nandito ka," patuyang ani Kiera. "Enough!" muling saway ni Señor Clenton. Bumuntonghininga si Kiera, "How I wish you were there..." patungkol pa rin nito kay Kiel. Sukat doon ay nasampal ni Señor Clenton si Kiera. Maging si Kiel ay nabigla. Dahil malakas ang pagkakasampal na iyon, dahan-dahang pinahid ni Kiera ang dugo sa kaniyang labi. "I-I'm s-sorry... I-I didn't mean—" "I'm the bad one now, huh..." sambit ni Kiera at nagtatakbo na ito papasok ng mansiyon. Mabilis namang nilapitan ni Señora Shiela si Señor Clenton. Niyakap ito ng señora at si Kiel naman ay nakayukong naglakad upang pumasok na rin sa mansiyon. Si Selena naman ay mabilis na pumasok sa kuwarto nila ni Manang Aida nang makitang papasok na si Kiel. Nang matapos niya kasing palitan ang mga kurtina sa kuwarto ni Kiel ay bumaba na rin siya. Doon niya narinig ang malalakas na boses sa labas at napakinggan niya nga iyon. Nakita niya na tila nanlulumong umakyat si Kiel. At kung hindi siya nagkakamali, umiiyak ito... ********************** Ang mga sumunod na araw ay naging ilang kay Selena lalo na tuwing ipinapatawag siya ni Kiel kapag may ipinapagawa ito. Nakaramdam na rin siya ng inis sa lalaki dahil pagkatapos ng nangyari noong nakaraang gabi, patuloy pa rin naman ito sa dating ugali. Hindi niya maintindihan kung sadyang walang puso o napakasamang anak lang talaga ng lalaki. Ang hindi niya rin higit maintindihan, ay kung bakit hindi na lang ito pabalikin ng kaniyang mga amo sa Australia. Kung sa gayong paraan naman magiging tahimik ang Lemman, sa tingin niya ay mas mabuti iyon. Katulad na lamang ng ginawa ng mga magulang niya sa Sirenia, itinapon siya sa mundo ng mga tao para siguro sa ikatatahimik o ikabubuti ng Sirenia o ng pamilya niya mismo. "I'm hungry." Napalingon si Selena sa pintuan at nakita si Kiel. Alas tres iyon nang hapon. Tila nakasanayan na nga rin yata ni Kiel ang basta na lang sumulpot sa pintuan ng kuwarto nila ni Manang Aida. Nang makaalis na roon si Kiel ay mabilis na siyang nagpunta sa kusina. Alam niyang kailangan niya lang ipaghanda ng meryenda si Kiel. Kabisado na rin niya ang hilig meryendahin ng lalaki kaya mabilis niya na iyong naihahanda. Ang mga nakaraang araw kasi matapos ang nangyari sa labas ng mansiyon ay masyadong nagpatahimik sa paligid. Kahit sa tuwing ihahatid siya ng mag-asawang Lemman tuwing umaga ay parehong hindi umiimik ang mga ito. Si Kiel naman ay patuloy sa hindi pagpansin sa kaniya sa eskwelahan na ipinagpapasalamat na lang niya. Ngunit tuwing uwian naman ay lagi itong naghihintay sa kaniya sa labas at hindi pa rin naman nagsasalita. Nakakasabay niya ito sa pagpasok sa Ciero Mil at tuwing bababa na sila ay inihahagis nito ang bag sa kaniya. Basta't ang napansin niya, tuwing nasa eskwelahan sila ay wala itong pakialam sa kaniya. Kapag naman nasa mansiyon sila, todo utos ito sa kaniya at tila nananadyang inisin si Kiera at mga magulang nito. Katulad na lamang ng araw na iyon, Biyernes nang hapon, habang siya ay nag-aayos ng mga babaunin niyang damit pauwi ng San Martin sa Sabado, si Kiel naman ay umalis ng mansiyon. Mag-a-alas sais na nang gabi nang dumating si Kiel at nagkaroon na naman ng diskusyon sa pamilya Lemman... "Kiel, where have you been? Kanina pa kami alalang-alala sa 'yo," salubong ni Señor Clenton sa kadarating lang na si Kiel. "Please, I want to rest now," pambabalewala naman ni Kiel at nilagpasan na ang ama. "Kiel..." mahina namang pagtawag ni Señora Shiela. Tumigil sa paghakbang si Kiel at nilingon si Señora Shiela. "What again?" "Can you give me a chance, please?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Señora Shiela. "Shiela..." nahawakan naman ni Señor Clenton sa braso ang kabiyak. "I'm sorry, but I don't give chances to people I'm not interested with," pakli ni Kiel at tuluyan na itong umakyat. Ang nangyaring iyon ay nasaksihan pa rin ni Selena at mas lalo lang lumalala ang pagkainis niya kay Kiel. Naaawa siya sa mag-asawang Lemman. Minsan nga ay nahiling pa niyang sana ay kasing tapang ng mag-asawang Lemman ang panganay nilang si Kiera. Habang pinaplantsa niya ang ang mga damit at uniporme ni Kiel ay inis na inis niya iyong dinidiinan. "Kung puwede lang sana ulit kita pabayaang masunog, eh," mahina ang boses at inis niyang bulong habang namamalantsa. "Who are you talking too?" Muntik nang mabitiwan ni Selena ang hawak na plantsa dahil sa boses na iyon ni Kiel. "S-Señorito..." dalangin niyang hindi narinig ni Kiel ang ibinubulong niya kanina. "I need you to talk to may parents, right now," maawtoridad ang boses na sambit ni Kiel. "B-bakit po, señorito?" kinabahan siya. Hindi niya alam kung may problema ba na naman ito sa kaniya o ano. "Tell them to transfer you in one of the rooms upstairs. So that it's easy for me to talk to you. I'm tired using stairs everytime I need something from you," at pagkatapos sabihin iyon ni Kiel ay umalis na ito. Naiwan na namang nakatunganga si Selena. Hindi niya gusto ang ipinapagawa ni Kiel. Isa pa, nasanay na siyang kasama si Manang Aida sa kuwarto. Pero wala rin naman siyang choice kundi ang sumunod. Kaya naman mabilis na siyang nagpunta sa kuwarto ng mag-asawang Lemman upang ipabatid ang ipinapasabi ni Kiel. "Are you okay with that, Selena?" tanong ni Señor Clenton sa kaniya matapos niyang magsalita. Hindi kaagad siya nakasagot. Gusto niya sanang sabihing ayaw niya. Ngunit alam niyang baka pagsimulan na naman iyon ng gulo sa pagitan ni Kiel at ng mag-asawa. Naiipit tuloy siya sa sitwasyong iyon. "Wala pong problema sa akin," kabaliktaran ng gusto niya talagang sabihin ang lumabas sa kaniyang bibig. Dahil nga mamayang madaling araw na ang alis niya pauwing San Martin, nagpasya siyang huwag ng matulog. Inasikaso na lamang niya ang paglilinis ng kuwartong gagamitin sa itaas. Katabi lang iyon ng kuwarto ni Kiera bago naman ang kuwarto ni Kiel. Nailipat niya kaagad ang mga gamit sa tulong ni Manang Aida bago pa siya umuwi ng San Martin. Kagaya nga ng sinabi ng mag-asawang Lemman, inihatid na siya ng driver ng mga ito pauwi ng San Martin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD