“Ano na naman ang pinapabili mo ngayon?” Inismiran ko ang tanong na ‘yon sa akin ni Knoxx habang naglalakad kami papasok ng Mall. Ibang Mall na ito, hindi iyong pinuntahan namin kanina. Mas malawak at mas malaki ang isang ito. Mag-a-alas sais nga kami nakarating rito, tunay na maaga ngang mag-out si sir para lang makabili ng sinasabi niyang isusuot ko raw. Binalikan ko ng tingin si Knoxx nga ngayon ay deretso na ang tingin sa daan, mas naging alerto ito kumpara kanina. Kaming tatlo lang ang pumasok, iniutos ni sir na maiwan na lang ang lima pang bodyguards niya dahil kaya naman na raw namin ito. “Wala akong pinapabili, ‘wag kang judgemental.” Pabulong lang iyon para hindi na marinig pa ni sir Zeke na patuloy lang din ang lakad, nasa unahan siya namin ni Knoxx. “‘Wag ka nang magdeny pa,

