“Ano’ng g-get married ang sinasabi niyo, sir?” Nauutal-utal pa ako habang nagtatanong kay sir Lucas ng tungkol sa kung ano ang kasal na ‘yon. “You don’t know? We have this kind of family agreement na kung sino man ang kailangang magpakasal ay dapat na magpakasal. We, had this vow since we were kids, that whoever needs our name should be taken in the family ring.” Anong klaseng paliwanag ba iyon ni sir Lucas? Ang gulo sa utak ko, eh. “Eh?” “You needed a father for your child, right?” Marcus asked. “Nagbibiro lang naman ako no’n sir nung sinabi ko kay sir Zeke na… ano nga po…” “It wasn’t counted as an excuse, Miss Atasha, sorry.” “Pero sir Lucas…” sabi ko. “Sir Zeke, t-tunay po ba ‘to o goodtime lang?” bumaling ako kay sir na ngayon ay nakatutok din pala ang mga mata sa akin, kaya na

