Tahimik na lang ako magmula nang matapos ang madugong usapan ng magpipinsang Andres kanina. Halos lumuwa nga ang aking utak sa kakaproseso ng kanilang mga pinag-uusapan. Masasabi kong wala sa matinong pag-iisip ang sino man na pag-uusapan ang tungkol sa kung papaano nila patutumbahin ang isang tao. Diyos ko, ang kilabot ko sobra habang nagpapalitan sila ng kanilang mga kuro-kuro kung papaano isasagawa ang naturang senaryo. Ito namang si sir Zeke ay nanghihingi pa nga sa akin ng Opinyon kung ano raw ba ang masasabi ko sa proposal ng kaniyang mga pinsan. Like what? Gusto niya talagang magbigay ako ng statement sa kung ayos ba sa akin na ipatapon lang ang isang tao sa liblib na ilog habang nakaposas ang mga kamay sa kotse. Hindi naman gano’n ka halang ang aking kaluluwa upang mag-isip ng hindi maganda sa aking kapwa.
Kaya nga naman napapaisip ako ngayon kung tama ba ‘tong napasukan ko. Nasa mabuti ba talaga akong mga tao o nagkamali na naman ako this time.
Mga killer ata ang mga Andres na ito, kailangan ko nang makaalis. Bahala na, hindi ko na kailangan ang twenty million pesos. Ang importante’y naipadala na sa magulang ko ang halaga na kakailanganin nila para kay tatang.
Ang sunod kong ginawa ay dahan-dahang naglakad papalabas ng Opisina ni sir Zeke, kanina pa nga pala nakaalis ang mga dumating niyang bisita kaya ngayon ay busy na ulit siya sa kaniyang sariling trabaho.
Hindi na siguro ako magpapaalam pa sa kaniya. Pero ang tanong, saan naman ako pupunta nito kung sakali. Wala pa ‘kong pera na hawak ngayon, at tanging ang keypad phone lang ang nasa bulsa ko. Nasa bahay rin ni sir ang mga damit at ilang papeles na dala ko pagpunta rito sa Maynila.
“Where are you going?”
Na gulat ako sa boses na iyon ni sir, hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan ay naramdaman na niya ang presensiya ko na papaalis.
“Ah, ano sir…”
“I thought you’ve gonna give me your opinion now?”
In slow motion akong humarap sa kinaroroonan ni sir Zeke, nakapasil pa ang napipiitang ngiti sa labi ko na sumagot sa kaniya. “M-mag c-cr lang po sana ako, sir?”
“You just finished to take the comfort room ten minutes ago, Miss Atasha. Actually, you already done in five times in just an hour.”
“E-hehe.” May pagkamot pa ako sa ulo. Ngayon na huling-huli ako sa aking alibi ay mukhang wala akong ligtas kay sir. Naramdaman na ata niyang na-turn off ako sa mga narinig kanina.
Tumayo si sir. Tumalima naman ako’t inayos ang aking sarili, lunok laway na kinakabahan ako sa kaniya. Naiisip ko na agad na baka isang kisap-mata ko lang ay bigla na lang akong bumulagta sa aking kinatatayuan dahil sa inatake na niya ako’t pinatay.
“Tell me Atasha… What do you think of my cousin’s plan? I mean, our plan?”
Nangunot ang noo ko sa harapan ni sir. Bakit ba desididong-desidido siya na malaman kung ano ang opinyon ko sa pinag-usapan nila? Tinotorture niya ba ang isipan ko? Ano ang motibo niya?
“Ah, ano kasi sir…” pinaglaro ko pa ang makabilang dulo ng aking hintuturo dahil sa tensiyon na nasa dibdib ko ngayon.
Nanatiling nakatitig si sir sa akin.
“Kailangan ba talagang malaman niyo kung anong nasa isipan ko tungkol sa… pagtatangka niyo sa buhay ng iba?” humina ang aking boses sa mga huling salita na binitiwan ko. Ingat lang dahil baka sakaling may makarinig sa amin, kahit na nasa loob pa kami ng Opisina.
“Yes, I badly needed it.”
“Huh?” Nakanganga kong sagot kay sir. Kagat ang aking labi na tumitig ako sa kaniya. Paano ko ba sasabihin ang totoo na hindi kailangang maka-offend. Nakakatakot kasi baka mamaya’y ako na ang kitilan nila ng buhay dahil lang sa ang sagot kong taliwas sa kaniyang gustong marinig sa akin.
“K-kailangan niyo po b-ba talagang g-gawin ‘yon?” nangangatal na tanong ko kay sir.
Diretso lang ang mga titig niya sa akin na para bang ine-estima kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi nagbabago kung gaano siya ka talim kung tumingin, pero kahit na gano’n ay hindi naman maitatago ang kakaibang emosyon mula roon… hindi siya gano’n ka-lungkot hindi rin masaya.
“Yes.”
Tumikhim ako’t hinanda ang aking sarili sa sasabihin.
“Wooh.” Pagbuga ko pa. “Sa totoo lang po kasi…” lunok laway.
Napapikit pa ako. “H-hindi po maganda ang plano ninyong magpipinsan, pasensiya na po pero mahalaga ang buhay ng bawat tao sa mundo. Ayon sa narinig ko’y mukhang may kasalan sa inyo ang tao na topic niyo kanina?” patanong talaga ang ginawa ko. “Bakit hindi niyo na lang ipaubaya sa otoridad ang tungkol sa kaniya? Mas maigi po siguro sir na ‘wag niyo nang dumihan ang mga kamay niyo… ahm, ‘yon lang po.”
Diyos ko po, sana ay tama nga ang naging sagot ko, sana’y hindi nila ako tina-trap lang sa pagtatanong na ito.
“S-sir?” tinawag ko na ang pansin niya dahil nanatili na lang siyang nakatitig sa akin matapos kong masabi ang aking sagot. “P-P’wede na po ba akong umalis muna s-sir?”
Sa reaksyon niyang para bang tinanggap niya ang sagot ko, pagkatapos ng kaniyang buntong-hininga’y tumango-tango siya sa akin. “Thank you for your thoughts, Atasha. You may now go.”
Nilayasan na ako ni Sir Zeke, bumalik na siya sa kaniyang kinauupuan, binulatlat ang ilang papel sa harapan na para bang walang nangyaring usapan sa pagitan naming dalawa. Napngiwi na lang din ako as my reaction sa nangyari. Hindi ko naman masabi na malupit si sir tulad ng sinasabi ng iba, masyado lang talaga siyang walang pakialam sa ilang bagay sa paligid niya… sa mga taong pakiramdam niya’y hindi naman niya kailangan bigyan ng kaniyang atensiyon. Pero nakikita ko na sumusubok siya, hindi nga lang niya ma-express kung papaano gagawin ‘yon.
Hays.
Pero balik ako sa nangyayari ngayon, lalabas na muna pala ako. Ayaw kong ma-stress sa pag-iisip kung ano ang tumatakbo sa utak ni sir tungkol sa plano nilang magpipinsan. Bahala na kung hahanapin niya ako, kailangan ko rin munang ma-isip ng sarili kong plano kung papaano makakaalis sa kinalalagyan ko ngayon.
I value my life, ayaw kong maging isang chop-chop lady soon.