EpisodeEight

1212 Words
“Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap.” Iyon ang naging bungad sa akin ni Knoxx ng makasalubng ko siya pabalik sa Opisina ni Sir Zeke. Para siyang nagmamadali sa pananalita niya. Sumunod nga ako rito habang in-eexplain niya sa akin ang pagbisitang muli ng apat sa limang tagapagmana ng family bussiness ng mga Andres, at heto nga ‘yon na Kumpaniya kung nasaan ako. “As in ‘yong mga pinsan ni sir?” “May iba pa ba ha?” masungit niyang tanong sa akin. “Wala.” Naka-pout kong sagot sa kaniya na may halong pagtataray ng aking mga mata. “Tulungan mo muna ‘ko, samahan mo si sir Zeke sa loob. Pakiramdaman ko, magtake down notes ka na rin sa mga pag-uusapan nila.” Medyo naguluhan ako sa gusto niyang ipagawa ka akin, medyo weird lang kasi. Ano, meeting lang sa baranggay session, kailangang magtake ng minutes? “Nakapagtataka, alam ko, pero gawin mo na lang para hindi uminit ang ulo ni sir lalo na kapag nakaalis na ang mga pinsan niya. ‘Wag ka ring magulo, naintindihan mo? Maging attentive ka, please lang.” Bakit parang kabadong-kabado naman siya sa mga sinasabi niya? “Sa’n ka ba kasi pupunta? Ba’t hindi na lang ikaw ang sumama kay sir? Hihintayin ko na lang kayo rito.” Gusto ko pang umangal, kasi naman kun ganito lang din naman na natataranta siya’y bakit hindi na lang niya gawin ang gusto niyang ipagawa sa akin? Pati ako tuloy ay natatakot din, papaano’y hindi ko naman alam tamang gagawin pressured pa sa mga hinahabilin niya sa akin. “Trabaho mo ‘yan ah, ikaw na ang gumawa tutal ay narito ka na rin lang naman.” “Wow ha!” Pinameywangan ko si Knoxx. “Oh bakit? Sapat na ‘yon para sa One hundred thousand na sahod mo ng isang buwan. Sige na, pasok na.” At heto na nga’t pinagtutulakan na ako ni Knoxx patungo sa isang silid, panay pa nga ang pakikipagmatigasan ko sa kaniya regarding sa pagpupumilit niya sa akin. “Aray ko!” Wala na, tuluyan nang nakapasok ang kabuuan ng aking katawan sa silid. “H-hi po.” Napatuwid ako ng aking pagkakatayo ng bumungad sa akin ang limang nilalang sa silid na ‘iyon, may mahabang lamesa sa gitna at isang malaking Tv sa harapan. Nakilala ko si Sir Zeke na nasa gitna nakapuwesto ng kaniyang upo, at si Boss Naver na rin na napabaling rin sa akin mga mata. Ang galing talaga niyang magpretend, ni wala man lang kasing bakas sa kaniyang mukha na para bang nakikilala niya ako sa mga oras na ito. Poker lang siya sa akin. Mestiso si sir Naver, mukhang siya rin ang pinakabata sa kanila, halata sa katawan nito na hindi naman kalakihan tulad ng kay sir Zeke. Para lang siyang ‘yong bida sa pinapanood kong mga korean drama. Tapos naman ay mabilis na dumako ang aking mga mata sa magandang babae na naroon din, matured na matured ito kung titignan, ni-walang kahit na cringles na visible sa kaniyang maamong mukha. Sa ganda ng kaniyang pagkakaupo’y masasabi ko’ng galing siya sa isang prominenteng pamilya. Pero hindi pa nagtatapos ‘yon dahil mayroon pang dalawang lalaki na may pagkakahawig sa kanilang physical features, bukod do’n ay makikisig din sila, husband material at mukhang mababango rin. “G-good Morning po.” pagbati ko. “S-sir Zeke, k-kailangan niyo po ba ako rito ngayon?” Ngayon ay bumaling na ako sa aking amo na nakatingin lang din sa akin na para bang naghihintay sa pagdating ko talaga. “Yes, come here.” Nakatingin lang ako sa ibaba habang dahan-dahan na lumalapit kay sir. Masyadong nakakailang ang malalagkit na tingin ng apat na Andres na dumating, para baga akong malulusaw sa kinatatayuan ko. “Stay right behind me, focus Atasha. Makinig kang mabuti sa mga mangyayari, dahil mamaya’y kukunin ko ang Opinyon mo.” Napalunok ako ng laway, inisip ko kung wala bang secretary si Sir Zeke. Kasi ayon sa pinirmahan kong kontrata sa kaniyang hindi naman kasali ang pagiging secretary niya sa trabaho ko. Pero dahil sa wala naman akong magagawa ay sumunod na lang din ako sa sinabi niya. … Sa isang silid kung saan ay nakaupo ang isang lalaki na may oval-shaped face, may kakapalan ang kaniyang kilay na bumagay sa kaniyang singkitin na mga mata ang tumawag sa isa sa kaniyang pinagkakatiwalaang tao sa industriya ng Dark bussiness. Siya si Greg Asuncion, ang Mafia Boss ng kalabang Clan ni Zeke Andres III. Ang dalawa’y mayroong parehas na pinapalakad na negosyo sa Mafia Society. Ang magkabilang partido lang naman kasi ang nag-aagawan sa posisyon ng pinakamataas na Dr*g dealing sa Asya. Parehas silang kilala at nirerespeto sa Sociedad na kanilang ginagalawan, kaya naman sa paglipas ng panahon ay namuo ang tensiyon sa pagitan ng dalawang pinuno. Pareho silang naglalaban kung sino ang magiging Dr*g Mafia King. “Ano po ang kailangan niyo Sir?” tanong ni Nelimer sa kaniyang amo. Nakatukod ang dalawang siko ng lalaki sa lamesa habang nakasalikod naman ang mga palad nito sa isa’t-isa. “Nakakuha ka na ba ng lead tungkol sa insidente sa Event ni Mr. Chow? Ano’ng balita sa pinapa-asikaso ko sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong ni Greg sa kaniyang tauhan. “Wala pa pong balita sa nangyaring gulo sa event, sir, pero ang tungkol sa babae ay nakakuha na po ako ng impormasyon. Bagong hire na empleyado ho siya ng kabila, sir. At mukhang walang alam pa ang babae sa kung ano ang totoong tranaho ng kaniyang amo.” Napatango-tango si Greg. Naging labis kasi ang kaniyang pagtataka nang unang beses na nagsama ng babae si Zeke Andres sa isang auction event na dinaluhan nito. Ang narinig kasi niya’y nagkaroon ng eksena dahil na rin sa lalaking kaniyang katunggali sa negosyo. Wala naman kasi talagang imbitadong Mafia sa event na ‘yon, ngunit nagtungo siya. Nalaman niya ang lahat detalye tungkol sa nangyari sa mga taong pinadala niya nang gabi na ‘yon upang magmanman sa labas ng event. Pagka-uwi nga’y inabutan na lang siya ng litrato na galing sa kaguluhan kung saan ay buhat-buhat ni Zeke ang isang babae mula sa loob ng Hotel. “Gano’n ba? Tingin mo ba’y magagamit natin siya laban kay Andres?” tanong ulit nito kay Nelimer. “Ayon sa estado ni Mr. Andres pagdating sa mga babae ay mukhang maaari nating siyang magamit, sir. Kailangan ko lang alamin pa ang background ng babae para makasiguro.” “Good, sige gawin mo’t balitaan mo ako kaagad. Dalawang buwan na lang para sa selebrasyon ng kaarawan ni Mr. Sy, kailangang ako ang piliin niyang supplier this time. Kung kailangang maglabas ako ng malaking pera ay gagawin natin. At kung kailangang magpa-ikot ng tao ay gawin mo na rin, naintindihan mo?” Tumango naman ang loyal na bodyguard ni Greg, ipinangako niya sa kaniyang amo na gagawin ang makakaya’t ibabalita kaagad nito ang magiging resulta sa amo. Ilang minuto lang ay iniwan na ni Nelimer ang amo na napapaisip pa rin hanggang ngayon. “Hindi ako makakapayag na mauungusan mo na naman ako ngayong taon, Zeke Andres. Sisiguraduhin ko na ako na ang hahawak sa malalaki’t malalawak na Dr*g Den sa bansa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD