EpisodeSeven

1363 Words
Naghilamos ako ng aking mukha nang makapasok sa comfort room. Kailangan kong ma-freshen up upang mawala ang pagkahumaling sa amo ko. Masyado na ata akong nagpapakita ng aking motibo sa kaniya. “Pero, hindi ba’y iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa? Kailangan kong mapaamo si Sir para sa 20 million pesos. Hindi naman siguro masama kung magkakaroon ako kahit crush lang sa kaniya, ano’ng magagawa ko, eh ang gwapo ni sir Zeke.” Nakasampa ang aking mga palad sa maputing lababo habang nakatanga sa harapan ng malawak na salamin sa CR. Na basa ang ilang hibla ng aking buhok sa noo, tumulo pa nga ang ilan sa may patilya ko ngunit sige pa rin ang pakikipagtalo ko sa aking sarili. “Ano ba naman ‘yong kahit na sa pantasya ko na lang ay ma-chansingan ko si sir.” Determinado ako sa gano’ng mindset ko, aba naman, minsan na lang ako kung ma-attract sa isang lalo, lulubusin ko na.” “Mukhang hindi madaling mapasunod si Sir sa aking mga charms, siguro dapat ay mas laliman ko pa ang gagawin na pang-aakit sa kaniya. Hindi ko naman siguro kailangan na maghubad pa sa harapan niya, e no?? Diyos ko, hindi ko ata kakayanin ang gano’n.” Kumuha ako ng tissue’t dahan-dahan na nagpunas ng aking mukha. Wala akong dala kahit na pulbos kaya naman lumabas ang pagka-oily ng aking pisngi. “Ano ba ‘yan!” Inayos ko rin ang na gulo kong buhok para naman hindi ako magmukhang katawa-tawa paglabas ko rito, baka isipin pa ng makakakita sa akin ay isa akong utusan. Ngunit habang nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa ay pumasok ang tatlong kababaihang halos ay naka pormal na ayos. Magaganda sila’t makikita kung gaano ka professional tignan. Ngumiti ako upang magbigay ng greeting sa kanila kahit na parang hindi naman nila ako napansin sa tabi nila. “Sinabi mo pa, kaya nga hindi talaga ako nag-o-overtime kapag alam kong Ot din si Sir Zeke. Masyadong nakakatakot ang aura niya mga sis. Pa-mysterious na hindi nakakakilig, alam mo ‘yong tulad sa mga drama? Siya kasi ‘yung tipo na gwapo pero as much as possible ay lalayuan mo talaga.” Iyon ang umpisa ng usapan na nabuo ng makapasok sila sa loob. Si sir Zeke ang pinag-uusapan nila? At ano naman kaya ang issue na mayroon si Sir sa kaniyang Opisina. Hindi naman ako sa nakikichismis ha, sadyang may ginagawa talaga ako kaya naman hindi ako kaagad nakalabas. Ngunit tutal naman ay narito na rin lang ako, lubusin ko na, makikinig na talaga ako para may maibalita rin ako kay sir tungkol sa kung ano ang impression sa kaniya ng kaniyang mga empleyado. “Napaka-terror naman kasi talaga niya, tapos masydong allergic sa babae, ano kaya ‘yon? Sayang nga eh, guwapo pa naman.” sabi pa ng isa. T-terror? “Kaya nga sis, pero ang usap-usapan kasi, ‘di ba, eh ano.” Nagkunwari akong muling naghuhugas ng kamay, bigla kasing tumigil ang babaeng may maikling buhok at saka mahina na nagsalita lang. “Bakla raw ‘yong si Sir?” Nag-apir pa ang dalawa sa kanila habang palatak na tumawa. Ngunit ako’y tila wala lang pakialam sa kanila. “Pero mga sis, tingin niyo ba’y totoo ‘yon? Kasi kung oo ay isa pang sayang ang kaniyang ano.” Itinigil ng isa ang kaniyang sinasabi’y nagpigil ng kaniyang itatawa. “Mukha kasing daks si, sir, ‘di ba?” Bigla ngang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nila. N-nakita na ba nila na daks si sir Zeke? Or let me rephrase it… may nakakita na ba na kahit sino sa kanila? “Ah, basta feeling ko talaga ,ay something sa boss natin.” Nag-a-apply na ang isa sa kanila ng foundatin sa mukha habang ang isa ay dumiretso sa cubicle. Pakiramdam ko nga’y hindi nila napapansin ang presensiya ko sa tabi nila, wala kasing tabas ang kadaldalan nila eh. Hindi man lang ba nila naiisip na baka may makarinig sa kanila’t isumbong sila sa kanilang boss? “Sana’y bumisita na ulit sina sir Naver, nami-miss ko na siya. Mabuti pa ‘yon mabait, tapos ay mabait sa mga tao nila. May pa free milktea pa sa lahat, right?” “Sinabi mo pa sis, isa pa sir Lucas kahit sabihin na mas tahimik pa siya kay sir Zeke ay mas ma-appeal pa rin siyang tignan. Agree ba kayo?” “Oo tama ka diyan,” iyong nasa cubicle ang sumagot. “Pero sa totoo lang sis, si Sir Marcus talaga ang mas gusto ko sa kanila. Lalo na sa tuwing mapapatingin siya sa desk ko. OMG! Para akong nasa langit sa sobrang saya. Gusto ko na lang siyang takbuhin at hilain… tapos ay hubaran na.” Hindi ko na napigilan pa ang pag-igik sa kanilang mga sinasabi. Alam ko na ang tinutukoy ng mga ito ay ang sinabi ni Knoxx na mga pinsan ni sir Zeke, pero tama ba na pagkumpa-kumparahin nila ang apat na lalaki? Wala namang kasalan ang mga taong iyon para pagpyestahan nila ng kanilang mga walang ka-kwenta kwentang comparison. “Yes? You have anything to say Miss?” basag ng isa sa akin. “Pansin ko nga kanina ka pa riyan, eh. Chismosa ka rin ano?” ang isa pa ulit.Iyong busy sa kaniyang foundation kaya naman ngayon ay ang kapal na ng naitapal niya sa kaniyang mukha. “A-ako?” pagmamaang-maangan ko na tanong. “May iba pa ba?” mataray na sagot na akin nitong may pinta sa kilay. “Kanina pa pala niyo ko napapansin pero hindi naman kayo tumitigil sa kaka-chismisan niyo ng hindi maganda riyan. Natural may tainga ako kaya naririnig ko ang sinasabi niyo. Natawa ‘ko sa sinabi niyo kaya naman di ko na napigilan ang pag-react, mali ba ulit ‘yon?” “Aba! Sumasagot ka pa ha, ano bang department mo ha? Hindi mo ata alam na boyfriend ko ang isa sa Manager sa Kumpaniya na ito. P’wede kang mawalan ng trabaho once na isumbong kita.” Pagmamayabang ng isa na ngayon ay nakasalikop na ang mga braso sa kaniyang harapan. “Sus! Akala mo naman talaga eh, ano palakasan na lang dito? Ganiyan ba ang pamamalakad sa Kumpaniya na ito? Isa pa’t ni wala nga akong ginagawa sa inyo. Mahiya nga kayo sa mga apog niyo, Hoy! Hindi kayo ang tagapagmana ng Kumpaniya kaya lumugar kayo ng tama.” Ako naman ngayon ang nagsalita. Hindi na kasi maganda ang tabas ng kanilang mga dila kaya habang maaga pa’y kailangan ng maagapan. “‘Wag mo kaming idaan sa mga walang kwenta mong sinasabi. Amin na ang pangalan mo’y kung ano’ng department ka para naman makita natin kung sino ang mas may abilidad sa akin. Sa hitsura mo’y mukhang bago ka lamg rito.” “Bago nga ako,” sabi ko sa kanila. Lumabas na ang babae mula sa cubicle at siyang humarap sa akin. Kasunod pa nga’y ipinunas pa nito ang kaniyang kamay sa sleeve ng aking suot na damit. Hindi nga ako kaagad nakapalag dahil sa nagawa nitong hawakan ang aking kabilang braso. “Stay still.” Kadiri siya, basa kasi ang kaniyang kamay tapos ay ginagawang basahan ang aking damit. Ano bang ginawa niya roon? Tumae? “Let me tell you a story, Miss… whoever you are. Ikaw ang lumugar sa kinatatayuan mo, kung ano ang narinig mo’y hindi mo p’wedeng ipagsabi sa iba, kuha mo? Kapag nagleak ito’y ikaw lang ang b-bwelatahan namin. Talagang ipapaalis kita sa trabaho mo… kasintahan ko ng isa sa mga boss dito… ni Naver Jan Andres kaya naman kahit na anong hilingin ko’y ibibigay niya sa akin. Gets mo ba?” Tinaas-taasan pa nga ako nito ng kilay bago binitiwan ng patulak na siyang dahilan ng ga-muntikan ko nang pagka out balance. “Seal your lips, huh!” Tinapik ako sa balikat ng isa sa kanila. Nagkatuwan pa ang mga ito, kahit na wala naman akong nakikitang nakakatuwa ngayon. Pagkatapos ay iniwan na nila ako roon, panandaliang tila lumayo ang kaluluwa ko sa aking katawan. “Ano ‘yong nangyari? Bigla ba akong na-bully? O ako ang mambu-bully?” Hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD