“Mabuti naman at nakapag-isip ka nang mabuti, Atasha. Buong akala ko talaga’y susuko ka na… sayang panalo sana ako sa pustahan natin.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Knoxx. Oo nga pala mayroon kaming pustahan tungkol sa pag-stay ko rito. Napabilang ako bigla sa aking mga daliri. “Wooh.” Napatakip pa ako ng aking mga kamay sa bibig. Itinuturo-turo ko pa siya habang napapatalon nf bahagya. “One week na!” “Alam ko.” Iyon lang ang sagot niya sa akin. “‘Yon lang ang sasabihin mo? Kumusta naman ‘yong pustahan natin?” Napakalawak ng ngiti na sabi ko sa kaniya. “Akin na ang ten thousand Pesos ko.” Kinulit ko ng kinulit si Knoxx hanggang sa magtungo siya sa ATM at magwithdraw ng pera. “Ilibre mo ‘ko,” sabi niya sa akin. Masaya na sana ako habang nagbibilang nitong tig-li-limang daang

