Sa mga explanations ni sir Zeke kagabi ay tila naibsan ng bahagya ang mga isipin ko. Ngayon kasi ay alam ko na kung ano ang totoo sa likod ng kaniyang mga kilos. Hindi naman gano’n kadaling maniwala na isa nga siyang Mafia Boss, ngunit sa mga senyales na nakita ko ay mukhang sapat na iyon para maniwala ako ng kahit na kaunti. Sa araw-araw na damit ni sir ay ni-hindi siya nagsuot ng kahit na anong kulay bukod sa itim. Mula ulo hanggang sa paa niyang itim ang kaniyang gamit. Isa pa’y ang dami ng kaniyang mga tauhan, mayroon na siyang anim na kasama parati tapos ay palibot din ang kaniyang Mansiyon at gusaling pinagta-trabauhan. Pangatlo ay ang kaniyang illegal na gawain tungkol sa pinagbabawal na gamot. Aywan ko ba pero hindi ko rin sigurado kung bakit ni sir pinagsasabi ang mga bagay na ‘y

