Naiwan
Reading-ready n talaga sya sa pagpunta nila ng Pampanha, magma-mountain climbing sila sa popular na bundok nito ang Mt. Arayat kasama ang bestfriend na si Ramil. Muli tsinek nya ang dadalhing bag siniguro nyang wala ng kulang na gamit, matapos masigurong kumpleto na ang laman nito ay napangiti sya at binuhat ang bag. Tinantya nya kung kaya nyang dalhin ito paakyang bundok, kasama man kasi nya ang bestriend nya ay hindi rin naman sya nito matutulungan dahil may dala din ito lalo at buong weekend silang mag-stay doon.
Tiyak niyang mangugulat ang kaibigan kapag nakita sya, hindi kasi nito alam na kasama sya sa lakad na iyon lalo at hindi siya sinabihan nito pero for sure matutuwa ito dahil alam nyang gusto sya nitong kasama.
Matapos maligo at pinatuyo niya ng hairdryer ang hangang balikat na buhok habang sinusuklay at nang matiyak na tuyo na ito ay saka nagsuot ng oversized na tshirt ,maluwang na pantalon ,medyas at sapatos. Ganun talaga sya manamit, mas komportable siyang ganoon ang suot nya kaysa sa blouse at usong jeans na pambabae. Isinuot din nya ang panlalakeng sinturon na pilit nyang hiningi sa kuya nya ng minsan itong dumalaw sa kanila.
Itinali nya ng goma ang buhok saka isinuot ng pabaligtad ang nike na sumbrero, kahit kailan hindi sya lumalabas ng walang sumbrero. Halod mapuno na nga ang kwarto nya ng sumbrero sa kakabili. Basta may makita syang bagong labas binibili nya at ang suot nya ngayon ay kakabili lang nya kahapon.
Bago nya binuhat ang bag ay sinusi muna nya ng ilang beses ang sarili sa salamin kung ayos na ba ang hitsura nya, matapos makumbinsign ayos na nga ang hitsura nya ay saka pa lang nya isinuot sa dalawang balikat ang bag at saka lumabas ng silid, katulad ng dati iniwan na naman niyang magulo at makalat ang silid nya. Wala naman siyang pakialam kung iwan man nya ng magulo ang silid niya dahil maya maya lang ay papasok na ang isa sa mga katulong nila para linisin ito at pagbalik niya ay hindi na namna niya makikilala kung silid nga ba niya ito sa sobrang linis.
"Ma , aalis na ako. " paalam niya sa nag-aalmusal na ina sabay halik sa pisngi nito.
"Mag-almusal ka muna." yaya nito sa kanya.
Bago nya binuhat ang bag ay sinusi muna nya ng ilang beses ang sarili sa salamin kung ayos na ba ang hitsura nya, matapos makumbinsign ayos na nga ang hitsura nya ay saka pa lang nya isinuot sa dalawang balikat ang bag at saka lumabas ng silid, katulad ng dati iniwan na naman niyang magulo at makalat ang silid nya. Wala naman siyang pakialam kung iwan man nya ng magulo ang silid niya dahil maya maya lang ay papasok na ang isa sa mga katulong nila para linisin ito at pagbalik niya ay hindi na namna niya makikilala kung silid nga ba niya ito sa sobrang linis.
"Ma , aalis na ako. " paalam niya sa nag-aalmusal na ina sabay halik sa pisngi nito.
"Mag-almusal ka muna." yaya nito sa kanya.
"Hindi na Ma, baka maiiwan ako. tangi nya at tuluyan nang iniwan ang inang nag-aalmusal.
"Ingat ka. " nasabi na lang ni Mrs. Cortez kahit alam nito hindi na siya narinig pa ng anak dahil nagmamadali ito.
Pinayagan nitong sumama ang anak sa pagpunta sa PAmpanga dahil ang sabi nito ay kasama ang anak ng kanyang kaibigan na kababata naman ng kanyang anak. Kaya panatag ang loog nito dahil batid nitong hindi pababayaan ni Ramil ang kaibigan.
Mabilis namang nakalipat si Kaela sa kabilang bahay, kapitbahay lang nila sina Ramil at ng mapansin niya na nakabukas ang gate ng bahay ay dire-diretso na siyang pumasok sa loob. Sanay na siya sa paglabas masok sa bahay ng kaibigan dahil mula pa pagkabata ay magkaibigan na sil dahi magkaibigan ang mga mommy nila.
"Good morning , Tita." bati niya sa mommy ni Ramil nang datnan niya ito sa sala at katulad ng ginawa nya sa mommy nya ayt hinalikan nya it.
"Good morning." bati nito sa kanya. "Kasama ka kina Ramil?" duggtong pa nito ng makita ang bihis nya.
"Yes , Tita. Nasaam siya?"
"Sa kwato, nagbibihis pa yata." sagot nito at muling binalikan ang binabasang magazine na pambabae.
Sige po, pupuntahan ko na siya." paalam niya sito at tinungo na ang hagdan para pumunta sa kwarto ng kaibigan.
Tango na lang ang sinagot sa kanya ng mommy ni Ramil dahil abala na ito sa binabasang magasine, sanay na rin kasi ang ginang na labas masok siya sa kwarto ng kaibigan.
Pagdating sa tapat ng pinto ay pinihit nya ang seradura at dahil hindi ito nakalock ay walang katok siyang pumasok upang magulat lang sa makikita.
"Ay! Sorry!" nabigla niyang sabi at muling lumabas at isinarado ang pinto. Nanginginig syang sumandal sa pinto na habol ang hininga. Hindi na rin niya namalayan ang pagbagsak ng dala niyang bag. Paano ba naman ay nakita niyang nagsusuot ng brief ang kaibigan mabuti na lang at nakatalikod ito kung hindi sana ay nakita niya ang hind dapat na makita. Sanay naman siya na makitang ganoon ang kaibigan pero noon iyong mga bata pa sila at hind ngayong nasa kolehiyo na sila.
Nagulat din naman si Ramil katulad ni Kaela pero hindi dahil sa nakita kundi sa biglang pagbukas ng pinto kaya kahit muntil na itong masubsob sa nangyari ay minadali nya ang pagsuot ng brief. Pagkasuot ng brief ay nag tapis ito ng tuwalya upang alamin kung sino iyong walang manners na nagbukas ng pinto ng hindi man lang kumakatok.
Nakasandal pa si Kaela sa pinto ng bigla itong buksan ng binata kaya muntik na siyang matumba, mabuti na lang at maagap ang kaibigan na saluhin sya. Hindi malaman ni Kaela kung bakit bigla siya nailang sa hawak ni Ramil kaya dali-dali siyang kumalas dito.
"Tapos ka na?" tanong niya matapos kumawala sa pagkakahawak ni Ramil ay dumiretso siya sa kama nito at umupo.
"Sabi ko na nga ba at ikaw yan eh. "sabi nito na hindi man lang ngumiti sa kanyan.
"Tapos ka na ?" ulit niya kahit nakita niyang nakatapis pa ito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman bakit biglang uminit samantalang nakaaircon naman ang kwarto ng kaibigan.
" Nakita mong nakatapis pa ako di ba?" papilosopong sagot nito at tumayo sa harapan niya.
"Bakit?" tanong niya pero hindi makatingin ng diretso sa kaibigan , parang natuyo ang lalamunan niya.
"Magbibihis ako."
"Edi magbihis ka." sabi niya at kahit naiilang bahagya niyang itinulak ang kaibigan.
"Lumabas ka."
"Ayoko ko."
"Magbibihis ako." naramdaman niya naiinis na din ang kaibigan.
" Ano ngayon, nakabrief ka na naman." kibit-balikat niynag sabi at pilyang napangiti mapangiti ng maalala ang naabutan kanina.
"Anong nakita mo?"
Ramdam ni Kaela na inis na ang kaibigan.
"Hindi no!" tanggi pa rin niya.
"Hindi e bakit ganyan ka makangiti?
"Talangan ganito naman ako ngumiti ,di ba? " painosente niynag sabi.
"Hindi dahil pakiramdam ko may ibang kahulugan iyan."
"A iyon ba, ikaw naman para puwet lang ang nakita ko naconscious ka na kaagad." sabi nya sabay hampas sa kaibigan.
Namula naman ang binata sa pag- amin ng kaibigan kaya para mapagtakpan iyon ay sumeryoso ito.
"Kaela'" umpisa nito sa kaibigan.
"Ano?" tanong niya na noong ay nakahiga na sa kama ng kaibigan.
"Sa susunod huwag ka ng papasok ng kwarto ko ng hindi kumakatok."pinigil nito ang inis. Kung balta palang siguro sila ay naaway na nito ang dalagga at tiyak uuwi na naman itong umiiyak kaso hindi na pwede pareho na silang malaki at hindi na mga batang paslit na laging nag-aaway.
"Bakit e dati ko namang ginagawa iyon.?" napatingin siya na nakakuniot noo sa kaibigan.
"Noon iyon, mga bata pa tayo noon pero magkaiba na ngayon. " sabi nito at tinalikuran ang dalaga matapos kunin ang damit na nasa kama.
" Anong pagkakaiba ng noon at ngayon eh magkaibigan pa rin naman tayo." naiinis na sya kaya pinaikot-ikot nya sa kamay ang hinubad na sumbrero. Anong meron at ang arte yata ni Ramil ngayon.
"Kyle" iyong ang nakasanayang tawag sA kanya ng kaibigan. "Iba na ngayon binata na ako at dalaga ka na kaya dapat-----"
Pwede ba dalian mo at baka maiwan pa tayo" putol niya sa iba pang sasabihin ng kaibigan.
"At saan tayo maiiwan?" nagtatakang tanong ni Ramil sa kanya at nilingon siya.
"Saan pa e di sa pagpunta sa Pampanga, tingan mo naman at reading - ready na ako samantalang ikaw ay hindi pa tapos magbihis. "tumayo pa siya para makita ng kaibigan na bihis siya. "Nasa labas na nga ang bag ko."
"At sino namang maysabi sa'yong sasama ka?" tanong nito habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay.
"Ako."maikling sagot niya , hindi naman kasi niya pwedeng sabihin na isa sa mga kaibigan ni Alice ang nag-imbita sa kanya lalo at nangako ito na hindi niya sasabihin.
"Ibang lakad ito, hindi ka sasama."matigas na sabi ng kaibigan.
"Bakit ayaw mo ba akong makasama?" may tampo na ang boses nya at muling umupo sa kama at ipinatong ang mga nakasapatos na paa.
NAkita nakan ni Ramil ang ginawa niya.
"Ang paa mo ,nakasapaots ka."
"Ang arte naman nito."reklamo niya pero binaba na din ang mga paa.
"HIndi ako maarte pero marumi ang sapatos mo tapos ipapatong mo sa kama ko." at humarap ito sa kanya.
"Excuse me. hindi marumi ang sapartos ko at kahit pahalik ko pa ito sa'yo pwede. Kabibili ko lang kaya nito kahapon. "pagtatanggol nya sa sapatos at itiniaas pa ang mga paa para makita nito na malinis nga.
"wala ako pakialam kahit kabibili mo lang niyan ngayon o kahapo basta huwag mong ipapatong sa kama ko"
"Ibinaba ko na di ba?" naiinis na rin siya , parang bumabalik tuloy sa alaala niya ng mga bata sila. walang bagay na hindi nila pinagtatalunan katulad na lang ngayon. "Dalian mo na at baka hindi pa tayo makasama sa sobrang kabagalan mo." dugtong niya.
"Hoy , hindi ka sasama!"pabiglang sabi nito na ikinagulat niya kaya bigla siyang napatayo sa kama at nakalimutan na naman niya na nakasapatos siya.
"Ang sapatos mo." buong panggigil na sambit nito at kung pwede lang sigurong ilabas nanito sa kwarto ang dalaga ay ginawa na nito.
"At bakit nga hindi ako pwedeng sumama.?" tanong pa rin niya na hindi pinansin ang pangigigil ng kaibigan pero bumaba na rin siya sa kama.
"Lakad ng mga lalake iyon."sagot nito na ang pansin ay nakatuon sa bakas ng sapatos niya na naiwan sa puting bedsheet. "Tingnan mong ginawa mo?" dugtong pa nito.
"Madali lang namang labhan iyan at isa pa hindi ikaw ang naglalaba."Walang pakialam niyang sabi. "Dati mo naman akong sinasama kahit puro lalake ang kasama mo. "dugtong pa niya. Kahit na ang totoo alam niya na may mga kasamang babae ito , kaibigan nga ni Alice ang nagyaya sa kanya. Nag-uumpisa na siyang maiinis pero kailangan niyang pigilan kung gusto niyang makasama.
"Dati iyon pero hind na ngayon kaya pwede ba lumabas ka muna par amatuloy ko na ang pagbibihis ko o kaya umuwi ka na lang kasi kahit anong pilit mo hind ka sasama."
"Sino namang may sabi sa iyong hindi ako makakasama dahil dahil sa ayaw mo? "pang-iinis niya sa lalake na noon ay pinagpag ang pantoalon na isusuot. "At saka bakit ang arte yata ngayo ng kaibigan ko at ni hindi na makapagbihis sa harapan ko." dugtong pa niya at lumapit sya sa lalake at walang sbaing hinila nag tuwalyng nakatapis dito kaya tumambad tuloy ang hubad na katawan ng binata na brief lang ang suot.
Pagkakita niya sa hitsura ng kaibigan ay bigla siyang natulala at biglang lumakas ang t***k ng puso niya, kagaya ng naramdaman niya kanina. Ewan niyo kung bakit ganoon ang kanyang naramdaman samantalang sanay naman siyang makitang ganoon ang binata mula pa ng bata sila at minsan nga wala pang brief pero bakit ngayon ay iba?
"Kahit kailan hindi na nawala ang pagkaisip bata mo." naiinis na hila nito sa kamay ng dalaga na hindi pa kakakabawi mula sa pagkabigla.
"Paano kasi ang arte mo." pinilit niyang maging kaswal kahit na ang totoo alam niyang may mag=iiba na sa relasyion nila. Bumalik siya sa kama at umupo.
Wala namang nagawa si Ramil kung hindi magbihis na lang kahit nandoon pa ang kaibigan.
"Anong nginingiti mo dyan?" tanong ni Ramil sa kanya matapos magbihis.
"Wala." maikli niyang sagot dahil kahit siya ay hindi niya namalayan ang pagngiti niya basta nag alam niya malakas ang kabog ng puso niya. "Ang cute mo palang magbihis." dugtong niya para mawala ang pagkailang.
Walang namang nagawa si Ramil kundin ang tingnang ng buong pagkainis ang kaibigan at upang hindi na ito maging tourist spot sa paningin ng kaibigan ay binilisan nito ang pagbibihis.
"Hay sa wakas , natapos din." tumayo na siya at naglakad papunta sa pinto. "Tara na" sabi niya matapos buhatin ang bag ba nabagsak nya kanina .
"Ako lang ang aalis , ikaw maiwan ka dito o umuwi ka sa inyo."
"Ayoko"
"Alam mo para kang batang kausap ang hirap paliwanagan."
"Kasi kahit sabihin mong hindi ako pwedeng sumama,sasama pa rin ako" malakas niyang sabi at nilapit pa ang mukha niya sa mukha ng kaibigan para mabingi ito.
"Alam mo ang kulit mo at ang hirap mong kausap."nangigigil na si Ramil pero batid nito na kahit anong pigil nito ay sasama pa rin ang kaibigan.
" So paano tuloy na tayo." nakangiti niyang sabi.
"Basta huwag na huwag kang papaalalay sa akin dhinl hindi kita aalalayan>"banta nito sa kanya.
"Di huwag." umismid niyang sabi at sumunod na sa kaibigan na noon ay pababa na ng hagdan.
Pagdating niya sa baba ay nakita niyang palabas na ng pinto ang kaibigan at taos ng magpalam sa mama nito.
"Alis na kita tita." Nakangiti niyang paalam sa mama ni Ramil.
"Kyle , ano sasama ka ba o hindi?" sigaw ni Ramil sa kanya na noon ay nakatayo sa may pinto.
"Hintay."nagmamadali na din siyang sumunod sa binata matapos makapgpaalam. Nagmamadali na siyang naglakad para makaagapay sa kaibigan pero pakiramdam niya ay bumibigat ang bag sa katagalang pagbuhat niya.
Pagkalabas niya ng bahay ay palabas naman ng gate ang kaibigan.
"Ramil,hintay." pilit niyang binibilisan ang lakad kahit nahihirapan na sa dalang bag. "Hindi mo dadalhin ang kotse mo?" tanong nya nang maabutan ang kaibigan an noon ay nakatayo sa labas ng gate.
"Hindi , van ni Charles ang gagamitin." seryosong sagot nito na halata pam rin ang pagkadisgusto sa pagsama niya.
Tumango=tanong na lang iya at hindi na nagsalita pa. pinagmasda na lang niya it at itnnatiya kung pwede na siyang magsalit apra hindi na maragdagan pa ang pagkainis nito.
Maya - maya lang ay nagbago na ang ekpresyon ng mukha nito ng makita ang prating na van.
Huminto ito sa tapat nila at bumukas ang pinto.
"Kasama siya? " nakasimangot na tanong ng isa sa mga nasa loob ng dadakyan.
Tumango lang ang kaibigan niya.
"Sakay na ." sabi ni Ramil sa kanya , hinintay nito na mauna siya pumasok sa loob,
Pasakay na sana siya ng mapansin niya na wala siyang suot na sumbrero , hindi siya sanay na walang sumbrero.
"Sandali lang nakalimutan ko ang sumbrero ko"sabi niya at mabilis na nilagay sa loob ng van ang bag at doon niya napansin ang mga fgrupo ni Alice. "Hintayin noy ako, kukunin ko lang sa taas ang cap ko." dugtong niya bago muliong pumasok sa loob ng bahay.
"O, iha bakit? " tanong ng mommy ni Ramil ng makitang nagkukumahog siyang patakbomsa taas.
"Nakalimutan ko po kasi ang cap ko." sagot niya na hindi man lang tinapunan ng tinging ang ginanag.
"Akala ko ba hindi iyan sasama?" tanong ng isa sa mga lalakeng nasa loob ng van kay Ramil ng makaupo ito sa loob.
"Ewan ko, nagulat na nga lang ako ng puntahan ako kanina.
Hindi na nito napansin ang lihim na pagngiti ng mga babaeng kasama nila.
"Sinong kapartner niyan baka agawan pa tayo ." sabi nito na ang tinitukoy ay ang mga kasam nilang babae. Ito rin ang may alam na ininmbitahan ng isa sa mga ito si Kael at plano nilang iwan ito basta magkaroon ng pagkakataon. Hindi naman tala=ga nila balak na isam a ang babae.
"Hindi tomboy ang kaibogan ko, ganyan lang talaga yan manamit. " pagtatangol no Rmail sa kaibigan.
"Hindi e parang daig pa ang tunay na alalke kung umasta." hindi kumbinsidong sabi ng isa.
Inis na lang na tiningnan ni Ramil ang nagsalita kung ayaw lang niya sogurong magkaroon ng ibang kaibigan ay inaway na niya ito sa sinabi pero gusto din kasi niyang makaranas na magkaroon ng ibang kaibigan maliban kay Kaela.
"Mabuti poa iwan na natin tutal hindi naman talaga siya kasama sa plano." sabi ng nasa manibela at pinaandar na ang sasakyan.
"Mabuti poa nga singit ng babae sa likuran.
Gustuhin mang tumutol ni Ramil ay hindi niya magawa dahil too namanng hindi itpo kasama sa plano. tumahimik na lang siya at nagsimula ng mag isip ng magandang dahilan sa kaibigan kapag nagkita sila sa lunes.
Si Kaela naman ay lalo pang binilisan ang pagtakbo ng marinig ang tunog ng sasakyan. Nang makalabas ng gate ay halos maiyak sya dahil wala na doon ang sasakyan pero nagbakasakali pa rin siya at tuumingin sa magkabilang kanto sa pag -asang naroon lang ito.
Sa sobrang inis ay iitnapon niya ang hawak an sumbrero na syang dahilan kung bakit siya iniwan ng grupo.
"lagot ka sa aking Ramil ka." nanggigigil niyang bulong habang pauwi sa kanila. Gusto niyang maiyak sa inis.
"O bakit nandito ka pa? " nag tatakang tanong nang mommy niya sa kanya lalo at nakita nito na lukot ang mukha nya.
"Iniwan nila ako." mangiyak-ngiyak niyang sumbong.
"Hind ba kanina ka pa , paanong nagyaring naiwan ka?"
Dahil sa tanong ng ina ay tuluyan na siyang na apiyak, iniwan na lang niya ito at dumiretso sa kwarto niya. Nahihiya siay na hanggang nagyon ay iyakin poa rin siya.
Nangingit lang namang sinundan ng tingin ni Mrs.Cortez ang anak dahil hangagng ngayon ay para pa rin itong bata na sa tuwing pupunta sa kabila ay tiayk an umuuwing umiiyak dahil inaway daw ni Ramil.
Pagkapasok niya sa silid at buong laks niyang sinara ang pinto at pabagsak na humiga sa kama.
"Lagot ka talaga sa akin Ramil." bant aniya habang nakatingin sa kisame. "Tingnan mo lang kung papansinin kita ."dugtong pa niya.
Nang mga oras namnan iyon ay nababagabag si Ramil sa ginawa sa kaibigna kahit hindi siya angdesisiyon na iwan ito. Bestfirend niya si Kaela pero dahil sa mga bagong kakilala ay nagawa niynag iwan ito. Para mabawasan ang pagka guilty ay tinwagan nya ang kaibigan ngunit nagulat siya ng marinig ang tunog ng ringtone ito sa loob ng bag.
"Patay, lalo akong lagot nito." sabi niya matapos makilala ang dalang bag ng kaibigan.
"Kanino iyon?" tanong ni Charles na siyang nasa manibela.
"kay Kaela , tatawagan ko sana."
"Tiyak na galit na galit sa'yo iyon" nangingiting sabi ng isa sa mga babae.
"Sinabi niyo pa. " napabuntunghininga siya. Kilala niya ang kaibigan kaya tiyak mahihirapan na namn siya na paamuin ito.
Pagkagising kinabukasan ni Kaela ay tinanaw niya nag silid ng kaibigan , mula aksi sa bintana ng sild niya ay tanaw ang silifd ng kaibigan. HIndi pa rin mawala ang inis niya sa kaibigan.
"Mabuti ka pa nag saya-saya mo samantalang ako ay walang maisip na gawin."buong hinanakit niynag sabi na animo ay kaharap ang lalake.
Ngayong lang yata hindi naging masaya ng weekend niya kung hindi sana siay naiwan tiyak nag enjoy din siya lalo at hindi pa siya nakakapunyta ng Pampanga o kaya naman sana ay hindi na rin sumama ang kaibigna para may kasama siyang manood ng sine o mamasyal. Wala namangh siyang ibang maisip na isama dahil si Ramil lang talaga ang kaibigan niya at kahit sa university ay ito rin ang kasama niya. Mula pagkabata taning ito lang ang nakasanayang niyang kasama at umasang siyang sila mlang lagi ang magkasama. Pero nitong mga huling araw ay napansin niyang nagbago na ang kaibigan at iyon ay mula ng makilala nito ang grupo ni Alice.
"Ah , ang maarteng Alice na ioyn'" inis niynag sambit.
Hindi na tulad ng dati ang kaibigan na kahit anong gawin niya ay hindi siya kinokontra at lagi silang magkasama.
"I hate you , Ram." sabi pa niya at nagdadabog na lumayo sa bintana.
Si Ramil naman ng mga oras na iyon ay hindi mapakali dahil naalala nito ang kaibigan/
"Napaano ka?" puna ni Alice sa kanya ng mapansin ang pagkabalisa nito.
"Naalala ko lang si Kyle'"
"Forget her nand don"t let that lesbian spoil out day." sabi nito at biglng hinalikan ang binata.
Nasaktan man siay sa sinabi nito ay hindi na nagawang pang ipagtanggol ang kaibigan dahil nadala na siya sa ginawnag paghalik ng babae.
Lihim namanng napangiti ang babae ng wala itong marinig na pagtatangol mula sa binata. Inis na inis talaga ito kay KAela dahil alam nito na ito ang magiging hadlang sa pagmamahal nito sa binat . Kaya nangako ito na gagawa ito ng paraan para masira nag pagkakaibgan ng dalawa. Ang angyari kanina a y pinlano ng grupo na mabuti na lang at nakiayon ang pagkakataon.