Ayoko sa Kanya

3216 Words
 "Good morning , Tita." bati ng kararating na si Ramil sa mama ni Kaela. "Good morning din ,iho. "nakangiting bati nito sa binata. "Nakabalik na pala kayo?" dugtong pa nito. "Yes po Tita, kaya nga po ako nandito ay para humingi ng paumanhin sa nagyari. "nahihiyang sabi nito na ang tinutukoy ay ang pagkaiwan kay Kaela. "Hay naku iho huwag ka sa akin humingi ng paumanhin kundi sa kaibigan mo, dahil ang laki ng tampo sa'yo. Mula ng umalis kayo ay hindi na lumabas ng kwarto." maunawaing kwento ng ginang. Nagpaalam na lang si Ramil na pupuntahan sa kwarto ang dalaga. Bitbit ang bag na naiwan ni Kaela ay naglakad na sya patungo sa kwarto nito. Katulad ng ginawang pagpasok ni Kaela sa kwarot nito ay pumasok sya na hindi man lang kumakatok. Nakasanayan na kasi nila iyon mula pa ng mga bata sila. Nadatnan niyang natutulog pa rin ang dala kaya para tuloy siyang nakonsensiya dahil hindi naman mahilig magbabad sa kama ang kaibigan. Sa ganoong oras na halos ay alas-dose na ay dapat kanina pa ito gising pero dahil sa wala siguro itong maisip na gawin ay nagbabad na lamang sa higaan. Ibinaba nito ang dalang bag bago nilapitan ang natutulog na dalaga. "Kyle." gising nya habng hinahaploas ang noo nito. Sa ginawang iyon ni Ramil ay nagmulat ng mata si Kyle at napangiti ng makita ang mukhang nakatunghay sa kanya. Matagal na aksi itong hindi nalalagi sa silid nya at ito pa ang una niyang nabugnagran ng magising siya. Ngunit ang ngiting iyon ay madali din naglaho matapos niyang maalala ang kasalanan ng kaharap. Kaadag siya bumangon at intinulak ang nakatunghay na binata. "Anong ginagawa mo dito?" pagalit niyang tanong. "Galit ka pa ba? Akala ko pa naman okey na tayo ng ngumiti ka kanina." "Hoy! Ramil, hindi ganoon kadaling mawala ang galit ko." namaeywang niyang sabi na naging dahilan para malaglag tuloy ang kumot niya na ibinalot niya sa kanyang katawan. Nalantad tulpy sa binata na panloob lang ang kanyang suot. Ganoon kasi sya matulog , manipis an sando at panty lang ang suot. "Wow!" tanging nasabi ni Ramil. Sa tagal na kasi nilang magkaibigan ay ngayon na lang nito nakitang ganoon ang suot ng dalaga mula ng magdalaga ito. Nagulat naman siay sa reaksyon ng kaibigan kaya napatinging siya sa sarili. "Bastos!" tanging nasabi niya at dinampot tang nalaglag na kumot. "Labas>" pagtataboy niya sa kaibigan para maitago ang pamumula ng kanyang mukha. Naalala tuloy niya ang nagyari noong nakaraan araw, dati sya ang nag-aasar dito ngayon ay pats na sila. Kung nasilipan man niya ito ay nasilipan rin siya. "Hindi ako lalabas hanggat hindi mo sinsabing hindi ka na galit sa akin." sabi nito at umupo sa gilid ng kanyang kama , halatang walang balak na lumabas. "Hindi kita patatawarin dahil iniwan mo ako at nagsinungaling ka pa na puro kayo lalake."buong hinanakit niyang sambit habang dinuduro ang lalake. Siniguro niyang hindi na muling malalaglag pa ang kumot na nakabalot sa katawan niya. "A . yun ba." sabi nito at malakas na tumawa. "Huwag mo nga akong pagtawanan.!"feleing niya lalo siyang naiinis sa kaibigan. "Paanong hindi ka namin iiwan eh wala kang partner at isa ---" "At ikaw meron?"putol niya sa sasabihin ng lalake. "Oo si Alice." buong pagmamalaking sabi nito. Sa sinabi ng lalake ay lalong naningkit ang mga mata niya sa inis. Pinagpalit na talaga siya ng kaibigan, dati sila ang magkapartner pero ngayon hindi na. "At isa pa." sabi nito sa hindi makakibong si Kaela. "At isa pa ano?!" pasigaw niyang sabi. Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. "Tama lang kasi sa amin ang mag kasama naming babae' natakot sila na agawa mo pa kami." sabi nito sabay kndat sa kanya. MUli namula siay sa sinabi ng binata, pinalalabas ba nito na tibo siya? dahil doon ang nararamdaman niyang hinanakita sa kaibigan ay lalong naragdagan hindi na ba siya kilala ng kaibigan? Mula pa ng mga bata sila ay alam na nito na hindi sya tomboy pero bakit ganito ang pinapalabas nito. "Mabuti pa lumabas ka na." pagtataboy niya sa kaibigan para maitago ang pamumula ng mga mata. "Lalabas lang ako kung sasabihin mong patatawarin mo na ako." pangungulit pa rin nito na hindi pinansin ang pagbabago ng hitsura niya. "Sige bti na tayo." napilitan nioyang sbai para lang limabas na ang lalake dahil nagbabanta ng pumatak ang mga luha niya, "Thank you. Tol. "natutuwang sabi nito at hinalikan siya sa pisngi bago lumabas. Nagdala ng kaakibang sensasyon sa kanya ang halik an iyon,hindi niyta alam kung bakit dahil lagi namang ginagawa ng kaibigan iyon sa kanya. Kasabay ng pagpindot niya sa lock ng pinto ay ang pagpatak ng kanyang mga luha, natatakot kasi siya na muli itong bumalik at makita ang pag-iyak niya niya. "Thank you, tol. " parang naririnig pa rin niyang sabi ni Ramil sa kanya. Tol ang tawag sa kanya hindi na ang malambing na Kyle. Itinuturing na ba nito na kauri siya. "I'm not a lesbian." sabi niya a t binato ang mga unan sa pinto. Kinahapunan ay muling bumalik sa kanila si Ramil at kagaya ng nakagawian nito ay nagtuloy-tuloy ito sa kwarto niya ngunit nagtaka ito ng mabatid na nakalock ang pinto ng silid ni Kaela. "Kyle." tawag tawag nito havbang kumakatok. "Kyle." ulit nito at nilakasan ang pagkatok ng wala pa rin itong marining na pagkilos sa loob ng kwarto. "Sandali lang." sagot ni Kaela. Nakangiting mukha ni Ramil ang tumambad sa pupungas-pungas pang si Kaela. "Anong ginagawa mo dito?" taas kilay niyang tanong sa kaibigan. "Akala ko ba bati na tayo?" sabi nito nanawala ang ngit sa mga labi sa reaksyon ng kaharap. Bigla pumormal ang mukha niya matapos maalala na pinatawad na pala niya ang lalake. "Anong kailangan mo?" muli siyang naglakad pabalik sa kama. "Aanyayahan sana kitang kumain sa labas." "Ayokong lumabas." maikli niyang sagot at muling humiga sa kama hindi inalitana ang presensya ng lalake. " Matutulog ka na naman." puna nito sa kanya. Gusto sana niya itong sagutin ng "Anong pakialam mo " ngunit dahil naalala niya na bati na sila ay hindi na lang siya kumibo at ipinikit ang mga mata. "Tol, tayo na dyan. "Pilit siyang hinihila ni Ramil. "Maggirl seeing tayo sa mall, di ba iyon ang trip ng mga lesbian?" dugtong pa nito at oinatigas ang huling salita. Halos lumabas yata ang mga mata niya sa pagmulagat matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. Gusto niya itong pagsasampalin ng pauli-ulit upang magising at malaman kung ano ang mga sinasabi nito. Ngunit hindi niya nagawa dahil sa sobrang gulat yata niya ay wala ni isnag salitang lumabas sa bibig niya at parang hinihigop pababa ang lakas niya kaya ang balak niyang pagsampal ay hindi niya natuloy. Nanatili lang siyang nakatingin sa kaibigan. Dali na ." nakangiti pa rin nitong sabi na hindi pinansin ang reaksyon ng kaharap."Mabuti pa at maligo ka na ng makaalis na tayo.Tingnan mo may muta ka pa sa mata. "dugtong pa nito. Dahil sa sinabi nito ay napilitan siyang tumayo at tumingin sa salamin para masiguro kungb totoo ang sinabi ng kaibigan. "Wala naman ah." Ngumiti lang ang binata at tinalikuran siya. "Ano nga pala ang gudto mong isuot? Ako na ang puipili. " sabi nito at lumapis sa closet niya. Wala naman siyang kibong tumingin lang sa lalake, masisiyahan sana siya sa treatment nito kung alam niynag babae ang turing nito sa kanya at hindi isnag tomboy. "A, ito na lang ang suot mo.Tiyak na lalakeng-lalake kang tingan dito'" sabi nito at itinaas ang kulay blue an t-s**t. HIndi man lang nya tiningan ang damit na sinabi ng lalek sa halip ay hinila pumasok siya sa isang pinto sa isang sulok ng kanyang silid . Habang naliligo ay naipasya niyang sakyan na lang ang kaibigan kung iyong ang taging parran para maging close sila katulad ng dati. katulad ng panahon na wala pamng alice na umeeksena. Lingid naman kay Kaela ay sinasadya talaga ni Ramil na ipakita na lesbian ang turing niya dito bilang hamon sa kaibigan upang ipakita nito na babae talaga siya. Umaasa ito na sa pinapakitanito ay magpasyang magbago ng image ang dalaga from boyish ay magiging babae na talaga ito.Kailanganga mabago nito ang kaibigan para mabago din ang impresyong ng mga tao dito. Nangangamba kasi ito na madala ng dalaga ang image nito hanggang sa makagraduatesila ng college lalo at nasa 2nd year na sila. Maya-maya lang ay lumabas na si Kaela sa banyo at sa paglabas niyang iyon ay lalo pa nitong pinatigas ang pagkilos gaya ng kanyang pasya. "labas ka muna, magbibihis ako." "Bakit pa , hindi naman ako maninilip." "Sabagay pareho naman tayo ng nararamdaman at isa pa hindi tayo talo." panggagaya niya sa pagtawag nito sa kanya. Nagulat naman si Ramil sa naging resulta ng ginawa nito, di yata talagang lesbian ang kaibigan gaya ng sabi ng grupo ni Alice. Dahil yata sa pinakita nito na tangap ang kaibigan ay tuluyan na itong umamin . Natulal tuloy si Ramil para tuloy itong naengkanto na nakatingin sa dalaga ngunit wala doon ang tunay na pansin. Parang namanhid ang buo niton katawan sa isipin na tomboy nga ang kaharap kaya wala siyang naramadaman ng tanggalin ani Kaela ang tauwaly at nagbihis sa harap niya na tnaging panloob lang ang suot. Gustong tumutol ng puso't isip nito sa natuklasan ngunit maliwanag sa mga pinapakita ng kaibigan na tomboy nga ito. Kailangan na pakla nitong kalimutan ang nararamdaman para sa kaibigan bago pa ito masakatan . Kailangang ibaling na nito ang pansin sa iba. Si Alice ang pwede niyang pagbalingan ng nararamdaman, si alice na sa lahat ng aspeto ay babae at hindi katulad ni Kaela na panlabas lang na anyo ang babae. HIndi naman nalingid kay Kaela ang pagkatulala ng kaibigan matapos niyang sadyain na magbihis sa harap nito. "Sige maglaway ka." sabi niya sa sarili sa pag-aakalang ang pagbibihis niya sa harapan nito ang dahilan ng pagkatulala niya. Kung alam lang sana niya na iyon ay dulot ng pagpapanggap niya na lesbian siya ay hindi na sana niya ginawa dahil iyon ang magiging dahilan ng pagkasira ng samahan nila. "O' ano pang ginagawa mo dyan?"puna niya sa lalake ng hindi pa ito kumikilos sa pagkakaupo samantalang palabas na siya ng pinto. "A-alis na ba tayo?'nagulat na tanong ni Ramil ng makabawi sa pagkatulala ni hindi nito namalayan na tapos na palang magbihins ang pina kamamahal na kaibigan at ngayon ay na katayo na sa may pjnto. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Kaela habang naglalakad sila palabas ng bahay nila. "Ikaw." sabi ni Ramil habang pinaliliguan ng tingin ang dalaga. Mukhang lalake pa nga ang hitsura nito sa kanya, panlalake na nga ang suot ay may suot pang pabaligtad na sumbrero at kahit mahaba ng buhok nita ay nakatali naman. Lihim namang kinikilig si Kaela sa ginagawang pagtingin sa kanya ng lalake, inaakala kasi niya na iniimadyin nito ang nakitang hitsura niya kanina habang nagbibihis. "Ako ang masusunod?" tanong ni Kaela. Tango lang ang isinagot ni Ramil, sa totoo lang kasi ay nawalan na ito ng gana matapos mapatunayan na totoo ang hinala nila Alice sa kaibigan. "Good, doon tayo sa maraming girls." "Ikaw ang bahala." nagpatinano na lang na sabi ni Ramil. Kung kanina ay ito ang naghahamon na mag girls seeing sila, nagyon ay hindi na, hindi kasi niya akalain na papatulan ni Kaela ang hamon nito. "Tol, look o." sabi niya kay Ramil habang ang pansin ay nakatuon sa seksing babaeng paasok sa restaurant na pinuntahan nila. "Wala iyan, mas seksi iyong kanina." sakay na lang ni Ramil kahit na ang totoo ay naiinis ito sa natuklasan na mas matinik pa pala ang kaibigan kaysa sa kanya. Inakala pa man din niya na kahit ganoon ito magbihis ay babae pa rin ang puso at pagkantao nito pero nagkamali pala . "Ano nga pala ang dream girl mo, Tol." muli ay tanong ni Kaela sa kaibigan sa tooto lang ay nababaduyan na siya sa drama niya pero kailangna niyang sakyan ang kaibigan kung gusto niyang manatili ang friendship nila. Hindi niya yata hahayaan masiraang pagkakaibigan nila na mula pagkabata ay inalagan na niya. "Hoy!" sabi ni Kaela matapos hindi sumagot si Ramil sa tanong niya. Paano nga ba sasagutin ng lalake ang tanong na ioyn kung ang mismong dream girl nito ay ang kaharap kaso tompboy pala ito. "Kinakausap mo ba ako?!" kunwari ay nagulat ang lalake. "Obvious ba e samantalang ikaw lang naman ang kasama ko dito." "Sorry may naalala lang ako." kunwari ay sabi not. "Ano nga pala ang tanong mo?" "Ang sabi ko ano ang gusto mo sa babae?"ulit niya ."Teka bago mo sagutin ang tamong ko gusto mo malaman kung ano ang naalala mo?" dugtong niya. "Wala. Mabuti pa sagutin ko na lang ang una mong tanong." "Mabuti pa nga ." sabi na lang niya kasi alam niya na hindi niya mapililit ang lalake an sabihin kung sino nga ba ang naalalanito. "Ang dream girl ko ay simple, mabait, seksi at totoong babae." pasaring ni Ramil sa kaibigan na diniinan pa ang pagkakabigkas sa mga huling katangiang binanggit nito. Nagpanting naman ang tenga ni Keala sa sinabi ng kaibigan para kasing siya ang pinatataman nito. Halos gusto niya itong pamaywangan at sabihin "Ako ba ang pinatataman mo?" Pero pinagilan niya nag sarili sayang naman kasi ang drama niya kung masisira lang ito ng mga parinig ng kaibigan. "Ang babaw naman ng gusto mo sa babae pero sabagay mas maganda iyon kasi hindi ka mahihirapang maghanap." "Marami nga at nakita ko na." "Sino?" escited niyang tanong baka sakali kasing sagutin siya nito ng "Ikaw." "Si Alice." sagot ng tinanong niya na halos magpalaglag da kina uupuan niya. "Si - si Alice?" nauutal niyang ulit. "Bakit? "nagtaka tuloy si Ramil sa reaksyon ng kaibigan, "Wala, akala ko kasi hindi mo magugustuhan ang maarteng iyon." sabi niya at dinampot ang aso ng juice at minsanang ininom. "Sa kaartehan namang niyang iyon ay makikita mo na tunay na babae siya."pasaring ni Ramil. "Hindi tulad mo na tomboy."gusto pa sana nito na idugtong kaso pinigilan nito ang sarili dahil baka awayin ito ng kaharap. "May mga babae naman na hindi maarte pero tunay ding babae." pagtatanggol niya sa sarili. "Sino ang tinutukpoy mo? Naumid ang dila niya sa tanong na iyon, paano nga ba naman niya sasabihin an ang sarili niya ang tinitukoy niya. "Ano nga ba ang nagustuhan mo sa babaeng iyon ?" pag -iiba na lang niya sa usapan. "Well,maganda siya at seksi. " sagot nit Ramil at nagpalabas ng pilyong ngiti upang mapaniwala ang kaharap na gusto talag nito si Alice. Tumahimik na lang siya baka kasi masabi niya sa kaharap na mas maganda at seksi pa sya kay Alice. Hinintay muna niya na kumalma ang sarili bago nagsalita. "Iyon lang ba ang nagustuhan mo sa kanya. Ayko kasi sa kanya para sa'yo." matigas nioyang sbai pero ang paningin niya ay nakatuon sa pgkain sa harapan niya baka kasi makita ng kaharap ang tunay niyang nararamdaman. Talagang ayawa niya sa babae dahil para sa kanya sila langang magkabagay ng kaibigan. Mula pagkabata ay magkasama na sila kaya hanggan sa huli dapat sila pa rin. "Ayaw mo sa kanya?" Tumango siay. "Ok give me ten reasons kung bakit ayaw mo sa kanya at kapag naibigay mo at reasonable naman ay hindi ko na itutuloy ang panliligaw kay Alice. " hamon nito sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha niya dahil kahit sobra pa sa sampu ay kayang niyang ibigay. "Ten lang?" "Yap." "Okay, una mas matanda siya sa'yo ng dalawang taon, pangalawa mas matangkad siya ng kaunit sa'yo t kapag nakaheels pa siya ay ganito kayong tingnan." sabi nito at ipinakita sa poamamagitan ng mga daliri niya ang pagkakaiba ng height ng dalawa."nakaktawang tingan hindi ba." "Pangatlo marami na siyang naging syota samantalang ikaw ay wala pa. "syota ang ginamit niya dahil ang kahulugan non ay short time agreement.Sa pagkakalama kais niya ay walang tumagal na karelasyon si Alice. "Pang-apat?" si Ramil "Pang- apat, mahilig siyang maglakwatsa , opposite klayo. Panglima kunwari ay sosyal siya a takala mo kung sino pero sa totoo lang ay hindi naman. Pang anim , maikli ang buhok niya , sa pagkakalam ko gusto mo sa babae ang mahaba ang buhok. Pangpito , suplada siya at mukhang pangit ang ugali hindi ba sabi mo kahit pangit ang hitsura basta maganda ang ugali. Pangwalo halos puro lalake ang mga kaibigan niya at napakamoderna niya hindi ba mag gusto mo ng simple. Pangsiyam ay hindi siya magugustuhan ni Tita kasi masyado siyang liberated at pang sampu--"napatigil siya kasi hindi niya alam kung paano sasabihin ang pangsampung dahilan. "Ano?" nabiting tanong ni Ramil. "Pangsampu, ano nga ba iyon." kunwari ay nag-isisp siya. " Wala na yata akong maisip'" kunwari ay sumukong sabi niya pero ang totoo alam niya kung ano ang pangsampu at iyon ang pinaka importante sa lahat pero paanonga ba niya sasabihin ang pangsampu ay mahal niya ang kaharap. "So dahil kulang ang dahilan mo ay tuloy ang panliligaw ko kay Alice." "Hindi b pwedeng 9 na lanbg ." ungot niya. "Hindi pero bibigyan kita ng karapatan na malaman ang eksplanasyon ko sa lahat ng mga dahilan mo. Una sinabi mo na mas matanda siya sa akin,. well age dosn't matter . Tol." Ngayon ay siya naman ang tahimik na nakikinig [pero kung kanina ay pangitingiti lang si Ramil na nakikinig sa kanya ngayon naman ay nakasimangot siya. " Sa height , 2 inches lang naman ang lamang niya sa akin. Three , mas okay na mas marami siyang experience sa akin dahil mrami akong matututunan sa kanya. Remember the saying na " wise person learn form the experience of others from from their own." buong giting nitong sabi habng si Kaela ay nagngingitngit na sa sobrnag inis at selos dahil talaga yatang inlove ang kaibigan niya sa babaeng maarte dahil ang dami nitong dahil at ayon sa mga naririnig niya ang taong inlove ay maraming dahilan/ Bakit si Alice pa ang natutunang mahalin ng kaibigan samantalang nandito naman siya. Nagngingitngit niyang tanong sa sarili. "Four, sabi mo opposite kami,nakalimutan mo yata na opposite attracts . Five, dahil sosya siya hindi na ako mahihirapng ibilang siya sa lipunang ginagalwana natin. Six, pwedeng pahabain ang maikli niyang buhok. Seven, nagbago na ako ng prinsipyo na kung dati ay okay lang na pangit basta maganda ang ugali ngayong hindi na naisip ko kasi na pwede riong mabago ang ugali. Eight , dahil millenium na ngayon okay lang na moderna siya dahil matagal ng natabunan ng nagdaang panahon ang kasimplehan. Nine , kahit hindi siya magustuhan ni mommy ay okay lang dahil hindi naman siya ang makikisam kunid ako. Ang last but not the least hindi kita pwedeng poagbigyang dahil kung ang reason mo," nang-iinis na ngiti ang binigay sa kanya ng kaibigan matapos iotng magsalita. Si Kaela naman ay halos hindi na maipinta nag mukha matapos marinig ang mga sinabi ni Ramil. "O, napaano ka?" tanong i Ramil matapos makita ang reaksyon ng kaharap. "Wala." "Wala pala ey bakit natahimik ka at ganyan ang hitsura mo?" "Dahil ayokong si Alice ang ligawan mo." "Bakit?" sa pagkakataon iyon ay seryoso at hindi ngumiti ang kaibigan. TIningnan nito ng diretso sa mata si Kaela. Wala naman siyang maisagot kaya yumoko na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD