Ang Pag-iyak

2457 Words
"Tita si Ramil po?' tanong niya  n sa mama  ni Ramil. "Kanina  pa  siya umalis. Hindi ka  ba pinuntahan?"nagtatakang  tanong ng GInang. Kahit nagulat siya sa narinig ay pinilit pa rin niyang ngumiti sa  kaharap. Ngayon lang nangyari na  hindi siya  isinabay ng kaibigan sa pagpasok.  "Sige po Tita, papasok na ako." tanging nasabi niya at lulugo-lugo siyang bumalik sa kanilang bahay para kunin ang kanyang sasakyan. Pagdating sa kanila ay nagdadabog siyang dumiretso sa kayang sasakyan, sa pagkakaalam niya bati na sila. At sa katunayan ang lalake pa nga ang nakusap na magbati sila tapos iiwan siya. "Tinay, pakibuksan nga ang gate!" naiinis niyang sigaw sa katulong nila na agad naman sumunod dahil nakita nito na masama ang timpla nya. Pagkabukas ng gate ay pinaharurot niya ang kanyang sasakyan. Nagulat tuloy si Mrs. Cortez pagkarinig ng tunog ng sasakayan dahil wala namang gumagamit ng sasakyan lalo at nasa ibang bansa ang asawa nito, at di Kaela naman ay sumasabay sa kaibigan nito sa pagpasok. Napalabas tuloy siya bigla para alamin kung sino ang gumamit ng sasakyan. "Tinay sino ang gumamit ng sasakyan?" tanong niya sa katulong na noon ay sinasara na ang gate. "Si ma'am Kaela po." "Siya ang nag-drive?" kinabahan siya? "Opo." "Wala ba si Ramil?" "Iniwanan po yata kaya ayun galit na bumalik." Nag-alala tuloy siya para sa anak, marunong itong mag-drive pero hindi ito nagdadrive ng mag-isa at matagal na mula ng huli itong mag-drive. "Ano na naman kaya ang problema ng dalawa?" napabuntunghininga tanong nito sa sarili. Sa sobra inis ni Kaela sa ginawa ng kaibigan ay halos paliparin niya ang sasakayan. "Talagang pinagpalit mo na ako sa Alice na iyon." mangiyak-ngiyak niyang sabi sa sarili. PInangako niya na kahit mag-sorry pa ito ay hindi niya patatawarin. Nagulat ang mga estudyanteng nasa parking lot ng pabagsak niyang isinarado ang pinto ng kotse. lalo pang nagulat ang mga ito pagkakita sa mukha niyang simangot na simangot na parang nakainom ng isang bote ng sukang datu puti. Tulad ng dati kahitsuot niya ang uniporme ng paaralan ay suot pa rin niya ang pinakamamahal na sumbrero. Dalagang-dalaga sana ang dating niya sa suot na uniform ngunit nasisisra iyon ng kanyang paggalaw at dagdag pa ang suot na sumbrero. Kung kanuna ay nagtataka ang lahat kung bakit dumating ng mag-isa si Ramil ngayon ay alam ay alam na nila ang dahilan lalo pa at dumating na galit a tnakasimangot si Kaela, for sure nag-away ang dalawa, hula ng mga ito. "Hi, Kaela." bati sa kanya ng isa sa mga nakasalubong niya pero dahil sa inis sa kaibigan ay hindi niya ito pinansin. Ilang kakilala din ang bumati sa kanya pero hindi niya pinansin, wala siyang panahong makipagplastikan sa mga ito lalo at inis na inis siya sa kaibigang siRamil. "Hi Kalea." si Geroge classmate niya sa history. Katulad ng mga iba ay hindi niya ito pinansin kaso sinabayan pa siya nito. "Nasaan si Ramil?" tanong nito na para bang nang-aasar. "Heto gusto mo!" inis niyang sabi sabay umang ng kamao niya, ayaw muna kasi niyang marinig ngayon ang pangalan ng kaibigan. "Mukhang wala ka yata sa mood." nagulat na sabi nito. "Obvious ba?" sabi niya sabay iwan dito na hindi naman nagtangkang sumunod. Halos pauwi na lang siya pero ni anino ng kaibigan ay hindi niya nakita, alam siguro talaga nito na galit siya. Dati kasi ay nagpapakita talaga ito sa kanya lalo at break . Kahit magkaiba sila ng department ay sinasadya siya nito. Halos magtatatlong linggo na silang hindi nagkikita ni Ramil, mula ng iwan siya nito ay hindi na ito nagpakita pa. Namimiss na niya ito at gusto niyang pasyalan sa kanila pero natatalo siya ng pride. Ito ang unang umiwas kaya dapat ito ang unang lalapit. Nagtataka si Kaela kung bakit pagpasok niya kinabukasan maingay pa rin ngunit parang may nakakabiglang balita na maari niyang masagap sa mga ito. "ANong meron?" tanong niya sa mga bagong kaibigan na sina April at Chris na siya niyang naging mga kasama mula ng iwan siya ni Ramil. Hindi siya sanay makisama sa iba nang una pero sinanay na niya ang sarili kaysa naman mag people alone siya. "Anong ibig mong sabihin e dati namang ganito ang campus." si April iyon. "Para kasing iba ang ingay ngayon, hindi tulad ng dati na kahit maingay mararamdaman mo ang saya sa ingay na iyon pero ngayon parang may kalakip na lungkot ang ingay na ito." mahaba niyang sabi. "Napansin mo rin pala. " napabuntunghiningang sabi ng dalawa. "Bakit ano ba ang nagyari?"naging interesado niyang tanong. "Bakit hindi mo pa ba alam ang balita?" balik tanong sa kanya ng dalawa at nagkatinginan. "Ang alin?" tanong niya saka ininom ang softdrinks na hawak. "Talaga bang hinid na kayo nag-uusap ng bestfirend mo?" si Chris iyon Gusto sana niyang sagutin ito na kung nag-uusap at close pa din sila ng kaibigan ay pagtitiyagaan kaya niyang pakisamahan ang dalawa. "Bakit may kinalaman ba si Ramil sa balita?" sa halip ay tanong niya. "Hay naku talaga pa lang hindi mo pa alam. On na sila ni Alice, no." pagbabalita sa kanya ni April na sa mukha au halata ang pagkadisgusto. "Ha?!" tanging salitang lumabas sa bibig niya at dumulas pa mula sa kamay ang hawak na bote ng softdrinks, bumagsok ito sa semento at nabasag. Naging dahilan tuloy iyon para pagtinginan sila ng mga estudyanteng nasa pantry . "Ano kamo?" tanong uli niya na wari ba ay hindi nalinawan ang sinabi ng kaibigan at hindi man lang pinansin ang boteng nabasag. "Sabi ko sila na."ulit ni April. "Oo, sila na ni Ms. Confident. "dagdag ni chris upang lalo niyang maintindihan . Ms. Confident ang bansag ng ibang mga estudyante kay Alice dahil sobrang tiwala nito sa sarili. Para siyang binagsakan ng langit at lupa matapos marinig ng pauli-ulit ang totoo. Parang piniga ang puso niya sa nadamang sakit ngunit pinilit niyang itago ang nararamdaman sa mga kaharap. "Ano naman ang kinalaman ng balitang iyong sa lungkot na nararamdaman sa campus? " kunwari hindi siya naapektuhan ng balitnag iyon , kahit pa nabagsak niya ang boteng hawak. "Iyon nga ang pinagmulan ng lahat, alam mo namang marami ang may gusto diyan sa kaibigan mo kaya ayun marami rin ang nasaktan pagkabalita na sila na ni Alice. Pati kami." madrama pang sabi nito sabay turo sa dibdib. Kasama din naman siya sa mga nasaktan , baka mas masakit pa nga dahil umasa siya na siya ang liligawan ni Ramil at kung alam lang ng mga ito ay gusto na niyang bumulahaw ng iyak. "Kapat hindi kayo gusto huwag niyong ipilit ang sarili niyo." payo niya sa dalawa at tumayo mula sa pagkakaupo. Ewan niya kung papayag ba ang mga ito sa payo niya dahil siya mismo ay hindi payag sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Kung magagawa nga lang niyang makipaglapit uli sa kaibigan dahil mahal niya ito pero masakit ang ginwa sa kanya ni Ramil na bigla na lang siyang pinagpalit sa iba. "Nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo nararamdaman ang nararamdaman namin." ingos ni April sa kanya. "Kung alam mo lang sana April." bulong lang niya sa sarilil sabay tingin sa grupo ng mga babaeng paparating sa gawi nila na. Sinundan namn ng dalwa ang tingin niya. "Paano mo nga pakla kaming maiinitindighan e hindi naman tayo pareho ng gusto," sabi ni chris matapos malaman na mga babae ang tinitinginan ni Kalea. Gusto niyang tumutol sa sinabi ni Chris dahil hindi naman iyon totoo ngunit katulad ng ginawa niya kay Ramil ay hinayaan na lang niyang maniwala ang mga ito na lesbian nga siya kahit pa kasi aminin niyang tunay siyang babae ay hindi na maibibabalik pa ang samahan nila ni Ramil na tuluyan na nitong kinalimutan. "Hoy!" pukaw sa kanya ni Chris nang hindi na siya kumibo, "Bakit?" nagulat niyang sambit. "Kita mo nakakita ka lang ng babae nawawala ka na sa sarili mo." sabi ni April. "Kayo naman , bakit pa ako maghahanap ng iba e nandiyan naman kayo."pagbibiro niya. "Hoy! Hindi naman tayo talo." mabilis na sabi ng dalawa sabay layo sa kanya. "Hindi naman kayo mabiro."natatawa niyang sabi sa naging reaksyon ng dalawa habang tinatanggal ang suot na sumbrero upang ayusn ang buhok. "Sandali." pigil ni April ng isusuot na niya ang sumbrero. "bakit?"nagtatakang tanong niya "Basta." sagot nito sabay lapit sa kanya."Kaela ang ganda mo pala lalo na kapag nakalugay ng ganyan ang buhok ." sabi ni April na umikot pa sa kanya upang makita ng maayos ang mukha niya. "Hay naku. tigilan niyo nga ako." sabi niya at itinuloy na ang pagsusuot ng sumbrero.Nailang at nahiya din kasi siya. "Baka namn gutom lang kayo." "Anong gutom e kakamiryenda lang namin." si Chris iyon na nakatitig pa rin sa mukha niya. "Tara libre ko kayo ng pizza." sabi niya dahil na ilang sya. Naglakad sila patungo sa pizza parlor na malapit sa school nila , habang siay siya ay nakagitna at akbay ang dalawa. Talagang pinangatawanan na niya na lesbian siya. Hindi niya gustong pinupuri ng dalawang kaibigan dahil kung maganda talag siya e di sana siya ang niliogawan ni Ramil at hindi si Alice. Sana siya ang napapabalitang girlfriend nito ngayon. Pagdating sa loob ng pizza parlor ay naghanap agad sila ng bakanteng mesa. Matapos niyang tanungin kung ano ang gustong flavor ng mga kaibigan at nagtungo na siya sa counter para umorder. "Dapat pala lagi nbaming sinasani na maganda ka para lagi kang nanlilibre at lagi kaming busog."pagbibiro ni Chirs ng makabalik siya dalaang kanilang mga order. "Ngayon lang ito, napansin ko kasing parang pumapayat na kayo,.Nakakahiya naman kung parang mga tingting ang mga girlfriend ko."pagbibiro niya na sinabayan ng pilyang ngiti. "Excuse me, hindo mo kami mga girlfirned !" malakas na sabi ng dalawa na tumayo pa at namaywang sa harap niya. "At isa pa hindi kami namamaytat, sumeseksi lang." dugtong pa ni Chris. Hindi naman siya kaagad nakapag react dahil puno ang bibig niya, nilunok muna niya ang kinain bago nagsalita. "Kayo naman hindi na mabiro , hindi naman ako pumapatol sa mga friends." "Dapat lang kung ayaw mong mawalan ng magagandang kaibigan." sabi ni April bago itinuloy ang pagkain ng pizza. "Oo na maganda na kayo."kunwari ay pilit niyang pagpayag. Mabuti na lang at napalapit siya sa mga ito dahil kung hindi baka nasa rooftop siya ngayon ng isa sa mga building sa scholl nila at nagluluksa sa nabalitaan niya tungkol sa kaibigan. "Napipilitan ka lang yata." Si Chris. Nagpatuloy siya sa pagkain na parang walang narinig. "Hoy!" sabay na namang sabi ng dalawa ng hindi niya pinansin ang mga ito . "Ano na naman?" "Anong ano na naman eh ikaw itong hindi namamansin sa amin." sabi ni April. "Paano ko kayong papansinin eh wala na yata akong narinig sa inyo kuni maganda kayo." "Toto naman di ba." panabay na sabi ng dalawa at nagpose pa na parang nagmomodel sa harap niya. Napangiti na langbtuloy siya at inaisipang biruin uli ang dalawa. "Akala ko ba ayaw niyonh patulan ko kayo pero mukhang sinesedue niyo na ako." BIglang namula ang dalawa sa sinabi niya. "Kung ikaw na lang huwag na, marami pa namang cats diyan na naghahabol sa amin." sabi ni April at muling bumalik sa pagkakaupo. "Oo."susog ni Chris . Nagkibit balikat na lang siya at muling hinarap ang pagkain. Laking guklat ni Mrs. cortes ng marinig ang malakas na pag-iyak ng anak kaya dali-dali iotng nagtungo sa kwanrto nito. "Napaano ka?"nag-aalalang tnaong nito kay KAela. Bigla naman siyang natigil sa pag-iyak pagkarinig sa boses ng ina , hindi kasi niya namalayan na nakapasok ja pala ito at isa pa nakadama siya ng hiya sa ina sa pag-iyak niya, "HA?!'tanging nasambit niya. "Bakit ka umiiyak?" "Ha! A e- ano nagpapractice lang po para sa drama namin next week Ma." kandautal siya sa pagsisinungaling,alangan namang sabihin niyang iniyakan niya si Ramil dahil hindi siya nito niligawan. "Ganoon ba, akala ko naman napaano ka na." nakahinga ng maluwang na sabi ng mama niya. Ngumiti naman siya bilang pasasalamat sa pag-aalala nito kahit pilit. "Iyan ba ang role mo ?" Tumayo lang siya. "Ayusin mo kasi para kang bakang kinakatay."pagbibiro pa nito bago lumabas sa silid niya. Pag-alis ng mama niya ay bumulahw uli siay ng iyak this time hindi dahil kay Ramil kundi dahil sa sinabi ng mama niya. Ganoon ba talaga ang pag-iyak niya parang bakang kinakatay. Lalo pa tuloy niyang nilakasan ang pag-iyak dahil alam niyang hindi na babalik ang mamaniya dahil nagpaliwanag na siya kahit hindi totoo. Hanggang kusina ay umabot ang pag-iyak niya na nartinig ng kanilang mga katulong. Eksakto namang pumunta ng kusina si Mrs. Coryez kaya nagtanong ang isa sa mga ito. "Napano po si Maam Kaela?" "Practice daw sa drama nila." sagot nito na pinipigilang pagtawa dahilsa klase ng pag-iyak ng anak. "Ganoon po ba. Akala namin napaano na." "Kahit nga ako nagulat pagkarinig ko sa kanya pero sabi nya sa drama daw iyon kaya jhindi na ako nagtanong pa." nakangiting paliwanag ng Ginang. "Pero maam ang pangit naman po yata ng role nya.' "Iyon nga rin ang naisip ko pero baka maganda naman ang kalabasan niyan , hayaan niyo isasama ko kayo kapag ipeperform na nila." "Talaga Ma'am." masayang sabi ng mga ito kung sajkali kasi ay ngayon lang sila makakasama sa lakad ng mga amo. "Oopara naman makita niyo kung gaano kagaling umarte si Kaela." nagmamalaking sabi nito na hindi alam na nagsinungaling lang ang anak para pagtakpan ang pag-iyak nito. Muli narinig nila ang pag-iyak ni Kaela. "Huwag niyo na lang siyang pansinin."sabi pa ng Ginang bago ito umalis ng kusina. Alam ni Kaela nakakabulahaw na siya pero wala siyang pakialam basta mailabas niya ang nararamdaman. "I hate you Ramil." madiinniyang bulong. Hindi niya pwede isigaw iyon dahil magtataka na ang mama niya. Dala ng pag-iyak ay nakatulog na siya at sak lang siya nagising ng kumalam ang sikmura niya sa gutom. Bumaba siya sa kusina at angtimpal ng gata at pagkatapos ay binuksan ang ref at tiningnan kung ano ang pwede kainin. Nakakita naman siya g fruit salad at iyon ang kinain niya bago uminom ng gatas. Pagkatapos mailigpit ang pinagkainin ay muli siyang bumaliksa silid niya. Kahit papaano ay nagluwag na ang dibdib niya sa ginawang pag-iyak ngunit naroon pa rin ang ghapdi sa dibdib sa nalamang may ibang babae ng kasama ang kaibigan. Wala sa loob na umopo siya sa harap ng tokador at nagulat pagkakita sa namamagang mga mata niya. "s**t!" ini niyang sambit sabay haplos sa namamagang mga mata. " Paano kaya ito, may klase pa man din ako bukas." kausap niya ang sariling repleksyon. "Ano ang gagawin ko kapag nakita ni mommy ang mga mata ko." "Ikaw kasi iiyak - iyak ka pa." inis niynag sabi sa sariling repleksiyon. Kung nakakapagsalita lang siguro ang repleksiyon niya ay baka tinarayan na siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD