Chapter 7

1502 Words

"Masaya ako sa tagumpay mo, anak. Salamat sa Diyos at natupad ang pangarap namin ng Itay mo na makapagtapos ka sa kolehiyo," naiiyak na wika ng Inay niya. Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo'y nagulat siya sa nadatnan. Maysakit ang Inay niya. Kaya pala palagi itong umiiwas na kausapin siya nitong mga nakaraang araw. "Ano ho ang nangyari sa inyo? Bakit ang payat niyo?" "Ilang araw na kasi akong hindi nakakakain kaya bumagsak nang husto ang katawan ko. Nagkatrangkaso kaso ako ng tatlong araw tapos nanghihina pa rin ako hanggang ngayon." Sa silid niya naman natutulog ang Inay niya ngayon. Hindi naman ito pababayaan ni Arlene na kasama nitong nagkakatulong sa mansyon. At ngayong nandito na siya, siya ang mag-aalaga sa ina. "Nagpa-checkup na ho ba kayo sa doktor?" "Hindi nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD