"Congratulations, Crislyn! Congrats to all of us! Wanna join us for a celebration at Club Serendra later?" tanong ni Viola. Kaklase niya ito sa loob ng apat na taon niya sa College of Nursing. Iyon ang panimula niya para sa pagtupad niya sa pangarap na maging doktor.
"I'm sorry, but I can't go. My grandfather prepared a dinner for us that I couldn't refuse. You know... granddaughter duty."
"Oh. As always," pairap na wika ng kaibigan pero tumawa din kalaunan. Kilala naman na siya ng mga ito. May curfew siya hanggang alas diyes ng gabi, hindi siya puwedeng uminom nang marami, at hindi rin siya puwedeng humindi sa Lolo Hernani niya. Hindi rin siya nag-i-entertain ng manliligaw kahit puro lalaki ang miyembro ng grupo nilang magkakaibigan.
"Which means the night would be boring and long," pabirong wika ni Will na kahit ilang beses niya nang binasted, nanatili pa rin silang magkaibigan. Alam nila na may boyfriend siyang iniwan sa Pilipinas. Taon-taon naman silang umuuwi kaya't naka-surive ulit siya ng limang taon sa Amerika.
"Don't worry, Viola will keep you entertained the rest of the night. Enjoy guys! Congratulations again!"
Sinundo siya ng Lolo niya dahil sa isang restaurant sila nag-celebrate. Simula nang mapalitan ng Fajardo ang apelyido niya, si Don Hernani na ang kasama niya, kaagapay, kakampi, at tumayong magulang niya dito sa Amerika. Alam niyang nagkaroon na ng panibugho si Brenda dahil naagaw niya ang dapat ay panahon ng dalawa bilang mag-Lolo. Pero hindi niya naman hiningi ang ganitong pagmamahal mula sa matanda. Sinusuklian naman niya ng pag-aalaga at pagsisilbi lahat ng kabutihan nito.
"Congratulations, apo! Sa wakas nakatapos ka na ng kolehiyo. Simula pa lang ito ng pagtupad mo sa mga pangarap mo."
"Thanks, Lo. Hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral kung hindi dahil sa inyo. Maraming salamat ho sa pagmamahal na ibnigay niyo sa akin."
"Walang anuman, Crislina. Natutuwa ako dahil hindi mo sinayang ang pagkakataon na ibinigay ko na makatapos ka," May inabot itong isang maliit na kahon. Brand name pa lang ay alam niya nang hindi biro ang halaga niyon.
"Lo... Nag-abala ka pa talaga na magregalo. Alam mo namang sobra-sobra na ang naitulong niyo sa akin," nahihiya niyang sabi.
"Alam ko naman na gusto mo nang palitan ang luma mong relo. Aba'y regalo ko pa 'yan sa 'yo noong buhay pa ang Itay mo. Sa bayan ko lang 'yan nabili at ilang beses mo nang ipinagawa pero madalas na talagang pumalya. You deserve the best in the world because you are a good daughter. Kayo ni Brenda. Kung may panghihinayang lang ako, iyon ay hindi ko naisama si Brenda dito sa Amerika para mag-aral. Hindi kasi siya gustong payagan ni Loreta. Sana'y nakakasama ko rin ang apo nang ganito."
Nang lumamlam ang mata ng matanda ay tumayo siya para yakapin ito. Pitong taon din silang magkasama dito sa Amerika. Nakita niya lahat ng pinagdaanan nito sa pakikipaglaban sa kanser. May pagkakataong umaayos ang kalagayan nito, pero dahil hindi rin sumusuko ang sakit, bumabalik ito kapag humihina ang resistensya ng matanda. For seven years, they've become each other's rock, a shield, and a safe place. Naroon siya palagi kapag matagal itong nananatili sa ospital, at sinasamahan naman siya nito tuwing nalulungkot siya sa mga naiwan niya sa Pilipinas. He pampered her with a comfortable life.
"At mayroon pa akong isang regalo sa 'yo," wika nito matapos pahirin ang luha sa magkabilang-gilid ng mata.
"Oh, please,.. Lolo naman. Tama na ang mga sorpresa dahil dumadami ang utang ko sa 'yo," biro niya.
"Talaga bang ayaw mo? Sige ka, magsisisi ka," nakatawa nitong wika. Inabot nito sa kanya ang envelope ng Albano Air. Kumunot ang noo niya.
"A plane ticket to Manila? Uuwi na ulit tayo sa Pilipinas, Lo?" tuwang-tuwa niyang sabi. Hindi na mapalis ang ngiti niya.
"Hindi lang 'yan plane ticket. Imbetasyon din 'yan sa anniversary ng Albano Air at iniimbitahan tayo na dumalo. Napakabait ni Doc Zandro. Simula nang makilala natin sa eroplano, parati nang nangungumusta."
"Wow..." Nakatitig siya sa envelope ng Albano Air kung saan may modelo ulit na binata at dalaga doon. Hindi na si Drake ang naroon pero malinaw pa rin sa balintataw niya ang guwapo nitong mukha hanggang ngayon. Nahalikan na siya nang ilang beses ni Adriel kaya't malabo na ang sinabi nito na hanapin ito kung pwede na siyang magpahalik. At mula nang malaman niya ang buong pangalan nito, nasusubaybayan niya sa kung saan-saang artikulo ang pagiging playboy ng bunsong lalaki ni Doc Zandro. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Dose anyos pa lang siya noong una silang nagkita, pero gusto na kaagad nitong humalik.
Despite the playboy image, she still has this crush on him. Celebrity crush kumbaga. Dahil kahit hindi naman artista ang mga Albano, kung saan-saan mababasa ang mga artikulo tungkol sa kanila, simula pa sa magkakapatid na Zane, Ezekiel at Zandro, hanggang sa pinakadulong angkan yata ng mga ito. Paano naman kasi, lahi naman talaga ng kaygagandang lalaki.
But her heart will always belong to Adriel. At dahil tapos na siyang mag-aral sa ngayon, pwede na siyang pumayag kapag nagyaya na itong magpakasal. Babalik pa sila sa Amerika pero baka pumayag naman na itong sumama sa kanya. Sinabi naman nito na kung gusto niya nang magpakasala sila ay magsasama na sila sa iisang bubong.
"The invitation is good for two, ikaw na lang ang isasama ko. Uuwi muna tayo sa Camiguin dahil sa susunod na linggo pa naman 'yan."
"Thank you sa lahat ng regalo mo sa 'kin, Lo. Ikaw na talaga ang best Lolo sa lahat ng Lolo," nakatawa niyang wika sa matanda.
"Nanbola ka pa. Ayan, um-order ako ng maraming pagkain nang kumain ka nang maayos. Parati ka na lang tipid kung maghapunan sa bahay. Dinaig mo pa ang mga modelo sa kapayatan mo."
"Lolo naman, ang lusog ko nga eh. Gusto mo naman akong igaya sa mga Amerikana dito na puro burger at french fries ang kinakain kaya ang lalaki. Tama lang naman ang katawan ko."
"Baka kasi pag nakita ka ng Inay mo sabihin hindi kita pinapakain nang maayos dito. At dahil pupunta tayo sa anniversary ng Albano Air, bibili na rin tayo ng isusuot mo dito bago tayo umuwi sa Pilipinas."
Napangiti siya sa naisip. May naipon naman siya sa mga allowance na binibigay ni Don Hernani sa kanya. Ngayong tapos na siya sa unang yugto ng pag-aaral niya, puwede siyang gumalaw ng kaunti sa savings niya. Bibili siya ng maraming damit na iuuwi sa Camiguin. Magpapaganda siya nang husto para kay Adriel. Konserbatibo siya noon dahil hindi pa naman siya handang mag-asawa. Ngayong puwede na siyang pumayag sa kasal na inaalok nito, ibang Maria Crislina na ang haharap sa nobyo niya. Sigurado siyang mas mai-inlove pa itong lalo.