Chapter 4

1362 Words
"Kumain na tayo, puro masarap yata ang inihain ni Trining," wika ni Don Hernani nang sumunod sila sa hapag-kainan. Hindi pa siya nakakaramdam ng gutom dahil ang gusto niya ay puntahan sana si Adriel. Sosorpresahin niya ito. At gusto rin niyang dumalaw sa puntod ng Itay niya na tatlong taon din niyang hindi nadalaw. "Mamaya na. Sumalo ka muna sa amin sa pagkain," salungat ni Don Hernani nang magpaalam siya. "Dito ka sa tabi ko. Ngayon lang tayo ulit magkakasalo-salo na buong pamilya, hindi ba?" Wala siyang nagawa kung hindi ang umupo sa tabi ni Don Hernani. Naglaan naman siya ng upuan para sa Inay niya pero tumanggi itong makisalo sa hapag-kainan. "Kumain na ako kanina dahil nagugutom na ako. Sige na, sumalo ka na sa kanila habang nililinis ko ang kwarto mo." Tinanaw niya na lang ang ina na umalis sa kusina at tuloy-tuloy na nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay. Walang patid ang kwentuhan ng mga Fajardo na ibinibida ang pamamahala ni Brenda ngayon sa buong hacienda. Hindi siya interesado doon dahil mas gusto niyang mag-aral ng medisina kaysa agrikultura. "Puwede nating i-extend and lanzones farm hanggang sa kabilang bukirin, Papa," wika ni Gaspar. "Kapag nagkataon, and hacienda na natin ang susunod na may pinakamalaking produksyon ng lanzones dito sa Camiguin." "That's good news! Pagpalain nawa tayo ng Panginoon para matupad ang pangarap ng dalawang batang ito. Anihan na sa susunod na linggo, hindi ba? Ano kaya kung magkaroon tayo ng thanksgiving party dahil sa matagumpay na ani ngayong taon?" suhestyon pa ni Don Hernani. "Magandang ideya 'yun, Papa. Kailangan din nating i-celebrate ang pagbabalik niyo dito at ang maayos niyong kalusugan. Ilang taon din nating hindi na-celebrate ang birthday niyo dito sa hacienda." "Imbitahan mo ang mga kaibigan mo dito," baling sa kanya ni Don Hernani. "Marami tayong biniling tsokolate para ipamigay. Sulitin natin ang bakasyon habang nandito tayo sa Pilipinas." Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan niya dahil naiinip na siya sa mahabang kwentuhan ng mga Fajardo. Nang matapos kumain ay kaagad siyang nagpaalam sa mga ito na pupunta siya sa puntod ng Itay niya. "Samahan na kita, apo, nang hindi ka na mag-abang ng traysikel sa labas. Tawagin mo ang Inay mo nang makasama sa atin." Kaagad siyang nagtungo sa silid para tawagin ang Inay niya. Excited siyang maglibot sa buong isla katulad ng dati. At dahil madadaanan nila ang bahay ng nila Adriel, matatanaw niya ito at puwede siyang bumaba sandali para ihatid ang pasalubong niya. Binilhan niya kasi ito ng T-shirt na may San Francisco. Tiyak na magugulat ito kapag nakita siyang pababa sa kotse ni Don Hernani. "Hindi ba sabi niyo sasama ho kayo sa paglilibot sa hacienda para makita ang mga hinog na lanzones?" narinig niyang tanong ni Brenda kay Don Hernani. Kasunod niya ang Inay niya habang pababa sila sa hagdan. "Kailangan ko munang samahan si Crislina sa puntod ng Itay niya, apo. Pagbalik namin susunod na lang kami sa inyo sa bukirin." "Puwede naman silang mag-trisekel, bakit kailangan pa kayong sumama?" "Hindi na sanay mag-trisekel ang kapatid mo. Uuwi rin kami kaagad para makasunod sa inyo," pilit ng matanda na ikinasimangot ni Brenda. Nang makitang nakababa na sila ng hagdan ay tumalikod na lang ito na tila may sama ng loob. "Pwede naman ho kaming mag-trisekel ni Inay, Lo. Tska may pupuntahan pa ho kami sa bayan," pagdadahilan niya. "Mas lalong dapat ko kayong samahan dahil baka abutin kayo ng dilim. Kukunin ko lang ang susi ng kotse, hintayin niyo ako sa garahe." Lumakad sila ng Inay niya palabas ng bahay nang makasalubong niya ang lalaking dapat ay sosorpresahin niya ngayon. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Adriel at paghanga sa mga mata nito. Sumilay naman ang maluwang na ngiti sa mga labi niya, bagama't hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin. "H-hi..." Siya pa rin ang unang bumati. "Dumating na pala kayo. Lalo kang gumanda," buong paghanga nitong wika. Pinamulahan siya ng mukha. Hindi alam ng Inay niya na may relasyon na sila ni Adriel kaya't nagdahilan siya na may nakalimutan sa kwarto niya. "May pasalubong nga pala ako sa 'yo, gusto mong sumama sa itaas?" "Sige. Kung alam ko lang na darating ka nagdala sana ako ng pastel," wika naman nito na nakasunod sa kanya sa likuran. Paborito niya ang pastel. Isa sa produkto ng pamilya nito ang isa sa pinakamasarap na pastel sa Camiguin Island. Pagdating sa silid ay atubiling pumasok si Adriel. Inikot nito ang mata sa kabuuan ng silid niya habang naghahalungkat siya ng tsokolate na pwedeng ibigay dito. "Itong tsokolate para sa kapatid mo. Itong T-shirt para sa 'yo." Inabot niya ang plastic na tinanggap naman ni Adriel. Hindi naman na nito inalis ang pagkakatitig sa kanya. "Hindi ako makapaniwala na hindi na kita sa telepono lang nakakausap. Puwede bang... hmmm..." "Pwede bang ano?" nakangiti niyang tanong. Nagkakahiyaan pa silang dalawa dahil halos ayaw nilang magdikit sa isa't isa. "Puwede ko bang mayakap ang girlfriend ko? Wala akong gagawin, gusto ko lang masiguro na hindi ako nananaginip." Tumango lang siya habang nakangiti. Ilang hakbang ang ginawa ni Adriel bago siya nakarating sa mga bisig nito. Naasiwa siya at kinakabahan. Ito ang kauna-unahang may yumakap sa kanya nang ganito. Nang tangka siyang hahalikan ni Adriel ay mabilis siyang umiwas. Hindi pa siya handa sa ganoon. Mabuti na rin na nakaiwas siya kaagad dahil bigla ring bumukas ang pinto ng silid niya. Kumunot ang noo ni Brenda nang makita na kasama niya sa loob ng silid si Adriel. "Ano ang ginagawa mo dito?" kaagad nitong tanong kay Adriel. Pagkatapos ay lumipat ang tingin sa kanya. "Nag-aakyat ka ng lalaki dito sa silid mo? Ganyan ba ang natutunan mo sa Amerika?" "Wala kaming ginagawang masama, Brenda," sagot si Adriel. "Anong walang ginagawang masama e magkayakap kayo." "B-boyfriend ko na kasi si Adriel, Brenda," lakas-loob naman niyang wika. "Pero wala naman talaga kaming ginagawang masama. Binigay ko lang 'yung mga pasalubong ko sa kanya." "Kinse anyos ka pa lang, Crislina, dinaig mo pa ako sa pakikipagrelasyon. Alam ba 'to ni Lolo na lumalandi ka na gayung pinag-aaral ka ng pamilya namin sa Amerika?" "Please, Brenda, we're friends. Wala akong masamang intensyon kay Crislina at nangangako ako na hihintayin ko siyang makatapos ng pag-aaral." "Kung gayun bumaba kayo at huwag kayong magsasama dito sa kwarto na kayo lang kung ayaw niyong mag-isip kami nang masama," huli nitong wika na tumalikod na para iwanan silang dalawa. Kaagad naman niyang niyaya palabas si Adriel. "Papunta kami sa puntod ni Itay para dumalaw." "Pwede bang sumama?" tanong nito. "Magagalit ba ang Lolo Hernani mo kapag nalaman niya na may relasyon tayo?" "Ewan ko. Pero huwag na muna nating sabihin ngayon. Siguro kapag mga isang linggo na kami dito." "Kunsabagay... Hindi naman ako nagmamadali. Pero siguro naman pwede akong dumalaw dito araw-araw para makasama ka habang nandito ka sa Pilipinas?" "Oo naman. Basta palagi kang may dalang pastel ha," pabiro niyang sagot. Masyado siyang masaya ngayon para alalahanin na magsusumbong si Brenda sa Lolo Hernani niya. Kung malaman man nila ang relasyon nila ni Adriel, handa naman siyang ipaglaban ito para hindi maputol ang ugnayan nila. Naglakas loob pang magpaalam si Adriel kay Don Hernani kung pwede itong sumama sa kanila sa pagdalaw sa puntod ng Itay niya. Alam niyang gusto lang siyang makasama ni Adriel. Natuwa naman siya dahil pumayag ang matanda. Si Adriel pa ang nag-drive ng kotse kaya't lalo siyang na inlove dito. Pagbalik nila ay nagyaya pa si Adriel na dumaan sa kanila para kumuha ng pastel. Kalaunan, hindi na sila nakasunod sa bukirin dahil nalibang na si Don Hernani na makipagkwentuhan sa mga magulang ni Adriel. Doon na rin sila naghapunan kaya't walang pagsidlan ang tuwa niya dahil nagkasama sila ni Adriel nang matagal. Pagbalik nila sa mansyon ay pagod na si Don Hernani kaya't nagpasya na itong matulog nang maaga. "Hintay kami nang hintay sa bukid, hindi naman pala kayo dadating," masama ang loob na wika ni Brenda. "I'm sorry... Napasarap kasi ang kwentuhan nila." Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kay Brenda. Hindi niya rin naalala na naghihintay ang mga ito dahil nalibang na siyang kasama si Adriel sa unang araw nila sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD