CHAPTER 46

3481 Words

“TATAY, KUMUSTA na po ang pakiramdam ninyo?” tanong ni Hada sa matanda habang nakaupo siya sa gilid ng kama nito. Hawak-hawak ang kamay ng ama at kung minsan ay ginagawaran pa niya iyon ng halik. Kanina pa rin nakaalis ng ospital si Cohen upang magtungo sa Paraiso para makausap ang magulang nito pati na rin ang kapatid nitong si Enara. “P-pasen-sya ka na a-nak.” Nahihirapan man ay pilit na nagsalita ang Minandro. Ngumiti siya rito. “Huwag po kayo humingi ng pasensya sa ’kin ’tay,” aniya. “Wala po kayong kasalanan. Kung mayroon man po ritong dapat na parusahan, hindi po ikaw ’yon. Pagaling ka po para makauwi na tayo sa bahay.” Dagdag pang saad niya at bahagya pang hinaplos ang buhok ng kaniyang ama bago siya kumilos at muling niyakap ang matanda. Ngumiti na lamang ng mapait ang Minandro.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD