“XIMENA, MAHAL KO! Sana hindi mo na muna kinumpronta si Adriana.” Anang Don Simon nang maibigay sa asawa ang baso ng tubig. Umupo ito sa tabi ni Ximena at masuyong hinagod ang likuran nito upang pakalmahin. “I can’t control myself Simon. Sasabog ako sa galit ko dahil kay Adriana. Hindi ako matitigil sa iisang sulok gayo’ng alam ko na kung sino ang may pakana sa pagkawala ng anak ko.” Bakas pa rin dito ang labis na galit. Namumula pa rin ang mukha na parang gusto pa rin manakit. “I know. I understand. Pero hindi ba ang usapan natin hanggat hindi pa tayo nakakakuha ng sapat na ebidensya hayaan na muna natin si Adriana, dahil panigurado akong igigiit niyang wala siyang kasalanan at inosente siya.” Turan pa nito. “I’m sorry mahal ko!” saad nito at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

