LATAG na ang dilim nang makarating sa mansion si Señora Adriana. Pagkapasok pa lamang sa salas ng bahay ay agad na namataan nito ang Don Fabian at Señora Clara na naroon at seryosong nag-uusap. “Mama, bakit hindi ka pa nagpapahinga?” tanong nito habang naglalakad ito palapit sa dalawa. “Bakit ngayon ka lang, Adriana?” sa halip ay balik na tanong ni Señora Clara sa bagong dating at asawa ng panganay na anak nito. “Nasa Casa ako matapos ang nangyari kanina sa bahay ni Simon at Ximena. Marami tayong guests at hindi ko naman puwedeng hindi asikasuhin iyon.” Balewalang tugon nito pagkuwa’y humalik sa pisngi ng señora bago lumapit sa puwesto ng asawa. “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo at parang seryoso kayo diyan?” uusisang tanong pa nito. “We’re talking about Señorita Clara. Hanggang ngayon

